Parang ayaw ko yata ang tumatakbo sa isip nilang dalawa? Ilang saglit pa ay nanlaki ang aking mga mata dahil sabay na may apoy at yelong papalapit sa akin. Aatras na sana ako pero biglang may tumulak sa akin kaya ang nangyari, muntik na akong matamaan ng dalawang mahika. Medyo napatilapon ako dahil sa pwersa ng dalawa. Napasapo ako sa aking pwet at tumingin sa tumulak sa akin. Si Fredd! Ano bang problema ng lalaking ito sa akin!? Ilang saglit pa ay naramdaman kong umiinit dito sa lugar at nakita ko si Fredd na parang may dilaw na pumapalibot sa katawan niya. Pero habang nakaupo ako ay pakiramdam ko ay parang may kung anong dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko alam pero bakit parang lumalakas ako? Ilang saglit pa ay nakita kong aatake si Fredd sa akin kaya napatayo ako bigla. Sa isang i

