Chapter 19 : Maku Island Part 3

2015 Words

Nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob. Naging maingat kami sa bawat galaw namin, inobserbahan namin ang paligid kung mayroon bang kakaiba pero wala, wala kaming makita na kahit na ano.  " Bakit kaya nagkaganoon ang tatlong lalaki sa bungad? " nagtataka kong tanong sa aking mga kasama.  " Ayon sa itsura ng mga kalalakihan sa bungad, para bang may kung sinong gumawa sa kanila ng mahika, " sagot ni Moises sa akin.  " Hindi natin alam kung totoo iyan, Moises. Kung napansin niyo ang mga balat nila kanina, para bang mga mga insekto o mga hayop na kumagat sa kanila, " sabi naman ni David sa kanya.  Nakita ko rin iyong sinabi ni David kanina. Para bang kinain ng kung sino ang laman ng kanilang katawan at balat na lang ang natira. Kaya nasabi kong parang tumanda sila dahil kumulubot ang mga balat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD