" Ipagpatuloy niyo lang ang paghahanap! Kami na ang bahala sa tatlong daga dito! " utos ni Daryll sa mga kasama nila. Inilabas nila ang kanilang mga Arkin at sabay sipang sumigaw. " Arkin! " Nagliwanag ang kanilang mga Arkin at pagkatapos ay nakita namin kung anong klaseng sandata ang kanilang hawak. Kay Daryl, parang isang malaking purselas na naladikit sa kanyang isang braso. Kulay silver ito n aparang sa mga robot. May mga pulang ilaw kaming nakikita sa gilid ng kanyang Arkin. Hindi namin alam kung ano iyon pero sigurado kaming malalaman din namin kung ano ang kayang gawin ng kanyang Arkin. Kay Noah naman ay dalawang baril. Kulay asul ang mga ito. Para lang itong mga laruan. " Tara at maglaro na muna tayo! " siga wni Daryl sa amin. Mabilis silang tumakbo para umatake sa amin. Pum

