“DESIDIDO ka na ba sa gagawin mo, Selina?” tanong ni Yaya Linda habang tinutulungan ang dalaga sa pag-eempake ng mga damit.
“Don’t try to convience me, Yaya. Hindi na magbabago ang isip ko,” ani Selina.
“Pero baka kung mapaano ka sa iyong pupuntahan. Napakalayo ng San Felipe sa Maynila.”
Naupo sa gilid ng kama ang dalaga at ginagap ang palad ng matanda. “Kaya kong pangalagaan ang aking sarili, Yaya Linda. Hindi na ako bata. Isa pa, kailangan kong gawin ito para maipaghiganti ang kamatayan ni Pia.”
Napabuntong-hiningang pinisil nito ang kanyang kamay. “Huwag kang makakalimot na tawagan o sulatan ako pagdating mo roon, ha?”
Tumango si Selina.
“O, ano pa ba ang mga kailangan mo? Wala ka na bang nakalimutan?” tanong ng matanda na hindi maikubli sa mga mata ang kalungkutan.
“Wala na, Yaya. Sige na, iwan n’yo na ako.”
Nang mapag-isa sa kuwarto’y muling pinagmasdan ni Selina ang larawan ng kapatid. Masuyo niyang hinaplos ang kuwarto.
Ipaghihiganti kita, Pia. Kahit ano’ng mangyari, ipaghihiganti kita!
Isang linggo makaraang makilala niya si Sofia, araw-araw na walang patid na dinalaw niya ito sa pagamutan. Magaan ang loob nito sa kanya kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Bago ito ilabas ni Lorenzo sa pagamutan ay kaibigan na niya ang babae. At hindi iilang beses nitong inulit ang imbistigasyong sana’y dalawin niya ito sa San Felipe.
Now, after two weeks, ipinasya niyang ituloy ang plano. Pupunta siya sa San Felipe, hindi upang dalawin lamang si Sofia, kundi upang makipagtuos sa lalaking may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
At isinumpa niya sa harap ng puntod ni Pia: sa kahit anong paraan, magbabayad si Lorenzo Roman sa mga kamay niya!
LIMANG oras na rin siyang nagbibiyahe at paminsan-minsa’y inihihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang magpahinga sa nakakapagod na pagmamaneho.
Tinignan ni Selina ang papel na kinasusulatan ng lugar na pupuntahan at ang road map na nakalapag sa kanyang tabi.
Sa huling tindahang napagtanungan niya’y natiyak niyang malapit na siya sa San Felipe. At ngayon nga, matapos ang humigit-kumulang sa kalahating oras ay nasa harap na siya ng arkong nagpapahayag na papasok na siya sa San Felipe.
Nakahinga siya ng maluwag. Mula roo’y hindi na mahirap hanapin ang Hacienda Roman sapagkat tiyak na alam ng lahat ng tagaroon kung saan iyon matatagpuan.
Muli’y sumakay ng kotse ang dalaga, marahang pinatakbo iyon habang iginagala ang paningin sa mga tanawing nadaraanan.
Walang ipinag-iba sa isang tahimik na bayan ang San Felipe. Mangilan-ngilan ang mga sasakyang nakakasalubong niya. Malayo ang pagitan ng mga bahay sa isa’t isa. Ang bukiring natatanaw niya ay nililinang ng mga magsasakang abala sa pagtatanim.
Nang makita niya ang isang matandang lalaking sakay ng kalabaw ay huminto siya sa tapat nito at nagbibigay-galang.
“Magandang hapon po. Maaari ba ninyong ituro sa akin kung saan ang daan patungo sa Hacienda Roman?” nakangiting tanong niya.
Inalis ng matanda ang tabakong nakapasak sa bibig nito. Nakita ni Selina ang ngipin nitong namumula sa nganga nang ngumiti.
“Sa susunod na magkasangang daan ay kumanan ka, ineng. Ang kalsadang iyon ay diretso sa Hacienda Roman,” anito.
Mabuti na lamang at marunong managalog ang matanda, naisip niya. Hindi na siya nahirapan tulad sa mga naunang napagtanungan niya bago marating ang San Felipe.
“Maraming salamat, Manong,” aniya at kinawayan ang matanda bago pinatakbo ang kotse.
Nang sapitin niya ang daang binangit ng matanda ay kumanan siya. Maalikabok ang makitid na kalsada. Pakiramdam niya’y patungo na siya sa pusod ng kagubatan dahil sa magkakadikit na kakahuyan at nagtataasang mga damo sa magkabilang gilid ng kalsada.
Makalipas ang ilang minuto ay narrating niya ang dulo ng daan. Bumulaga ang sementadong kalsada, ang kinakalawang na bakal na arko kung saan nakatitik ang mga katagang Hacienda Roman.
Napahugot ng malalim na hininga si Selina. Narito na siya. Malapit na niyang makaharap ang lalaking kinasusuklaman niya.
Muli niyang pinatakbo ang kotse, ngunit hindi pa naglilipat-saglit nang mula sa kung saan ay tumawid ang isang malaking baka. Sa kabiglaan at sa kagustuhang maiwasan ito ay kinabig niya pakanan ang manibela. Dahilan upang tuloy-tuloy na mahulog sa isang open canal ang dalawang unahang gulong ng kotse. At sa impact ay napasubsob siya sa manibela. Mabuti na lamang at hindi tumama sa salamin ang kanyang mukha.
Malalalim ang paghinga, nanginginig na sumubsob sa manibela si Selina.
“OH, MY GOD!” bulalas ni Brix nang makita ang kotseng nahulog sa kanal sa gilid ng kalsada.
“Habulin mo ang baka, Brix! Ako na ang bahala rito,” ani Lorenzo at nag-aalalang lumapit sa kotse.
Hinila naman si Brix ang renda ng kabayong sinasakyan nito upang sumunod sa mungkahi ng binate.
Mabilis na bumaba kay Warrior si Lorenzo. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse ngunit naka-lock iyon. Kinatok niya ang bintana.
Nakahinga siya nang maluwag nang mag-angat ng mukha ang babae sa loob. Sinenyasan niya itong ibaba ang bintana. Tumalima ang babae.
“Are you all right,Miss?” tanong niya na napakunot-noo nang matitigan ito.
“I-I think so,” sagot ng babae, na hindi niya maunawaan kung bakit biglang nagdilim ang mukha. Galit ba iyong nababakas niya sa mga mata nito?
“Look, Miss, I’m sorry. Nakawala ang isa sa mga baka sa koral. Mabuti’t walang masamang nangyari sa iyo.”
Umayos ng upo ang babae, at di-sinasadyang mapasulyap siya sa dibdib nito.
Hindi maunawaan ni Lorenzo ang sarili nang maramdaman ang reaksiyon ng katawan sa pagkakalantad ng mayayamang dibdib ng estranghera. Napatiim-bagang siya.
“Ano ang ginagawa ng isang magandang babaeng katulad mo sa Hacienda Roman?” tanong niya na hindi inaalis ang mga mata sa bahaging iyon.
Hindi man lamang gumawa ng hakbang ang babae upang takpan ang sarili. Tila sinasadyang ipakita ang dibdib nito.
Nagdilim ang mukha ni Lorenzo. Sa lahat ng ayaw niya sa babae’y iyong walang pakialam na ipinapakita ang katawan sa lalaki. Kung magagawa nito sa kanya’y magagawa rin sa iba.
“I’M HERE to visit a friend,” ani Selina na sinadyang huwag takpan ang dibdib. Lihim ay natutuwa siya sa nakitang paghanga sa mga mata ng lalaking hindi niya maaaring ipagkamali sa iba. Ito na nga at walang iba ang hinahanap niya. Si Lorenzo Roman!
“Sino ang kaibigang tinutukoy mo?” kunot-noong tanong nito. Inakala marahil nitong siya ay isa sa mga babaeng nahuhumaling kay Brix.
Pinagtakhan niya ang nahimigang galit sa tono nito. Napataas ang kilay niya. “Si Sofia Roman,” kaswal na tugon niya. Hindi niya maintindihan kung bakit gayon na lamang ang kabog ng kanyang dibdib.
“Paano ka naging kaibigan ni Sofia?” naging obvious ang galit nito.
“Nakilala ko siya sa ospital. At inimbitahan niya akong magbakasyon sa kanyang asyenda kaya narito ako.” Hindi siya nagpa-intimidate sa mapanuring titig ng lalaki.
“Walang nababanggit na inaasahang kaibigan si Sofia,” salat sa pagtitiwalang turan nito. “Maaari ka nang bumalik kung saan ka man nanggaling.”
Akmang sasakay na ito sa kabayo nang mabilis na siyang lumabas ng kotse.
“Hey, look, totoo ang sinasabi ko.”
Buong giting na sumakay sa kabayo si Lorenzo, hindi pinansin ang kanyang sinabi.
Nairita si Selina sa kagaspangan ng ugali nito. “Kung gusto mo akong pabalikin sa pinanggalingan ko at least be a gentleman. Tulungan mo akong iahon sa kanal ang kotse ko,” mataray niyang sabi.
Ni hindi man lamang siya pinakinggan ng lalaki. Nagtatawang hinigit nito ang renda at pinatakbo papalayo ang kabayo.
Naiwang nagpupuyos sag alit si Selina. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang sapantaha. Ang Lorenzo Roman na ito ay masamang tao!
Sinilip niya ang gulong at nang matiyak na hindi niya iyon basta maiaahon sa kanal ay inis a napabuntong-hininga siya. Nanlulumong sumandal na lamang siya sa kotse upang maghintay ng isang daraang good Samaritan na tutulong sa kanya.
Hindi pa natatagalan nang makarinig siya ng mga yabag ng kabayo. Mula sa kakahuyan ay lumabas ang isang lalaking sakay ng isang putting kabayo. Hila nito ang lubid na nakatali sa leeg ng bakang may kagagawan ng kanyang kamalasan.
Inihanda ni Selina ang isang matamis na ngiti.
“Hi!” bati ng lalaki nang makalapit sa kinaroroonan niya.
“Hi! Can you help me? Hindi ko maialis sa kanal ang aking kotse,” aniya, stressing the obvious.
Kasamang ngumiti ng lalaki ang mga mata nito. Kung si Lorenzo’y ruggedly handsome sa suot nitong jacet na bukas sa harapan at sa panyong nakatali sa ulo nito, mas disente ang dating ng guwapong lalaking ito na nakasuot ng gray shirt at putting sombrero.
“Sure,” anang lalaki na mabilis na bumaba ng kabayo. Matapos itali sa isang puno ang lubid ng baka ay nilapitan nito ang kotse niya. “Mukhang mahihirapan tayo,” anito.
Napabuntong-hininga siya. Naihaplos niya ang isang kamay sa kanyang buhok. “Now, what? I’m stuck here forever?” desperadong bulalas niya.
“May paraan pa---“ anang lalaki nab ago matapos ang sasabihi’y napasulyap sa unahan.
Nakita ni Selina na paparating ang isang pulang Terrano.
“Ang iniisip ko’y naisip din ni Lorenzo,” nakangiting sabi nito at bumaling sa kanya. “By the way, I’m Brix Hermoso.”
Iniabot niya ang kamay sa lalaki. “I’m Selina. Selina de Rama.”
Bago pa bitiwan ni Brix ang kanyang kamay ay huminto na ang Terrano sa tapat nila. Mabilis na umibis si Lorenzo, na nagdilim ang mukha nang makitang hawak ng lalaki ang kanyang kamay.
“Ah, Lorenzo, this is Selina. Nakilala mo na ba siya?” tanong Brix.
Hindi pinansin ng binate ang kaibigan. Lumigid ito sa likod ng Terrano at kinuha ang kadenang hihila sa kotse ng dalaga.
Sa isang ni Lorenzo ay sumukay sa kotse niya sa Selina at ini-start iyon. Ang binata’y sumakay sa Terrano upang hilahin ang kotse. Tumayo sa isang tabi si Brix at nanood.
tatlong pagtatangka at nakaalis sa kanal ang mga gulong. Naibalik sa kalsada ang kotse ni Selina.
“Thank you,” anang dalaga kay Lorenzo nang bumaba ito.
“Now, you can leave,” pormal na sagot nito at dirediretsong nagbalik sa Terrano. Binalingan nito si Brix. “Magkita na lang tayo sa Villa, Brix.”
Nag-thumbs-up ang binate at tinungo ang kinaroroonan ng kabayo nito. Kumaway pa it okay Selina. “Nice meeting you, Selina,”sigaw nito.
Nang matiyak na iiwan na siya ng dalawa’y mabilis na bumaba sa kotse ang dalaga at lumapit sa Terrano bago pa iyon mapatakbo ni Lorenzo papalayo.
“Hey, wait! Don’t tell me na iiwanan n’yo ako rito?” Bisita ako ni Sofia Roman!”
Nakangising sumulyap sa kanya ang lalaki. “Hindi mo naman siguro inaasahang iimbitahan kitang sumakay rito. You have your own ca.”
Nabuhayan ng pag-asa si Selina sa tinuran nito. Nakangiting bumalik siya sa kotse at binuhay ang makina. Pinatakbo niya iyon kasunod ng Terrano habang sa huliha’y nakabuntot si Brix sakay ng kabayo.