CHAPTER 5: Lihim sa Villa de Rama

1985 Words
“SELINA!” Patakbong sinalubong siya ng yakap ni Sofia. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan nang makita siya. “I hope you don’t mind, Sofia. Hindi na ako nakapagpasabi na darating ako ngayon,” aniya at nakipag-beso-beso sa babae. “Oh, it’s all right. Gaya ng sinabi ko noon, bukas ang pinto ng tahanang ito para sa iyo anumang oras” Iginiya siya ni Sofia paupo sa sofa. Si Lorenzo ay nanatiling nakatayo sa makapasok ng pinto at masusi siyang pinagmamasdan. Mayamaya’y bumungad sa pinto si Brix. “Ah, siyanga pala. Nakilala mo na ba ang aking anak at ang kaibigan niya?” “Nagkakilala na kami ni Selina, Tita Sofia,” ani Brix na lumapit at naupo sa single sofa. Tumingin sa anak si Sofia. “Lorenzo, hijo…?” “Hindi pa kami nagkakakilala, Mama. Pero ngayong alam ko na at alam na rin niya ang pangalan ko’y hindi na kailangan. Excuse me,” anitong tinungo ang hagdanan. “Ikaw na sana ang bahalang magpaumanhin sa aking anak, Selina. Pagod lang siguro siya.” Tumayo sa kinauupuan si Sofia. “Excuse me. Ipahahanda kita ng pagkain kay Anita. You must be starving.” Nakangiting tumango si Selina. Nang makaalis si Sofia ay napansin niya ang humahangang titig ni Brix sa kanya. “Saan kayo nagkakilala ni Tita Sofia?” tanong ng lalaki. “Sa ospital.” “You’re one of her doctors?” “No. Kaibigan ako ng isa sa mga doctor sa ospital. Nang minsang magpunta ako roo’y nakilala ko siya.” Tumangu-tano si Brix. “This place is very nice,” pag-iiba niya sa usapan. “Matagal ka na ba rito?” “Nope. Isang linggo pa lang. Isa akong arkitekto. May balak si Lorenzo na matayo ng isang private resort kaya inimbitahan niya ako rito.” Ngumiti si Selina. Makatutulong si Brix sa mga plano niya. Tiyak na marami siyang malalaman sa lalaki tungkol kay Lorenzo. “You know, you look familiar,” mayamaya’y sabi ni Brix. “I’m not sure, but…never mind. Kaapelyedo mo lang siguro.” “What do you mean?” “Are you related to Pia? Pia de Rama?” Kung nabigla siya sa tanong ni Brix ay hindi niya ipinahalata. “I-I’ve never heard the name. Tama ka, kaapelyido ko lang siguro” “Siguro nga.” Naputol ang pag-uusap nila nang lumabas ang isang katulong. “Nakahanda na po ang mesa. Ipinatatawag kayo ng Señora.” Tumayo si Selina at gayon din si Brix. Lingid sa kaalaman ng dalaga, mula sa itaas ay lihim na nakamasid sa kanya si Lorenzo. At madilim ang mukha nito. Tanda na hindi nagustuhan ang pagdating niya sa asyenda. Masarap ang merienda na ipinahanda ni Sofia kaya Magana siyang kumain. Labis din siyang naaliw sa pakikipag-usap kina Sofia at Brix. Umpisa pa lamang ay napa-tunayan na niyang Sofia was a good hostess and Brix was very friendly. Naisip niya si Lorenzo. Hindi man lamang ito nagpakita ng kabutihang-loob sa kanya maliban sa pagtulong na ginawa nito upang maialis sa kanal ang kanyang kotse. He’s arrogant, na very obvious sa pagkibot ng bibig nito at sa mga matang kung tumingin ay parang hinuhubaran siya. Napabuntong-hinga si Selina. To hell with Lorenzo! Hindi ang mga titig nito ang magpapatunaw sa mga plano niya. “Did you like the dessert, Selina?” tanong ni Sofia matapos niyang tikaman ang mango crepe na inihain ng katulong. “Hmm…yeah. It’s delicious! aniya. “Well, I’m glad. Alam mo ba, ako ang nag-prepare niyan?” may pagmamalaking pahayag ni Sofia. “Really? Well, kung lagging ganito kasarap ang matitikman ko habang nandito ako sa Villa, baka doble na ang katawan ko pagbalik sa Maynila,” biro niya. “You have a perfect body, Selina. At manghihinayang ako kapag nagkaganoon,” natatawang sabi ni Brix. “Hmm, kayo talagang mga lalaki, lagging katawan ang tinitingnan,” ani Sofia. “Hindi lang iyon, Tita Sofia, and you know that,” protesta ng lalaki. Sofia and Selina smiled knowingly. Matapos kumain ay sinamahan si Sofia si Selina sa kuwartong ookupahin niya habang nasa Villa siya. ‘Ito ay magiging kuwarto mo habang bisita ka rito sa asyenda,” ani Sofia nang buksan ang pinto ng isa anim na kuwarto sa itaas. Buong paghangang iginala si Selina ang paningin sa loob ng maluwang na silid, mula sa kisameng kinasasabitan ng isang maliit na chandelier hanggang sa sahig na nalalatagan ng alpombra. Sa gitna ng silid ay ang king-sized bed na natatakpan ng bulaklaking kubrekamang katerno ng mga kurtina. Sa magkabilang gilid ay ang night table na kinapa-patungan ng dalawang lamp shade. Sa malapit sa pinto ng banyo ay ang tokador. Sa kabilang bahagi ng silid ay ang glass door patungo sa balkonahe. “This is beautiful, Sofia!” bulalas niya. “Matagal na panahon ding nawala ako rito, pero pinanatili nilang maganda at malinis ang lahat ng kuwarto.” Naupo sa gilid ng kama ang dalaga Mayamaya’y pumasok ang katulong dala ang kanyang maleta. “Alam kong pagod na pagod ka sa biyahe, idagdag pa ang nangyari sa kotse mo kanina, kaya iiwan na muna kita. Take a rest. Saka na natin ituloy ang kuwentuhan.” Nakangiti siyang tumango. Nang lumabas si Sofia ay nahiga siya sa kama. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Magsisimula na ang paghihiganti niya para sa katahimikan ng kaluluwa ni Pia! Mula sa pagkakahiga’y bumangon siya at nagtungo sa balkonahe. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib at pinagmasdan ang berdeng tanawin. Sa malayo’y mistulang iginuhit na larawan ang bundok na natatakpan ng hamog. This is very nice, gaya ng sinabi niya kay Brix. Ngunit ang tunay na kahulugan ng kataga’y hindi niya nararamdaman. Ang puso niya’y balot ng poot sa lalaking dahilan ng pagparito niya. Pero hindi niya dapat bigyan ng rason si Lorenzo upang paghinalaan siya. Kailangang matanim sa isip ng lalaki na wala siyang ibang pakay sa pagparoon kundi ang dalawin si Sofia. Napabuntong-hininga siya nang maalalang ang tunay na pangalan at apelyido pa rin ang sinabi niya sa mga ito. Aaminin niyang maaaring nagkamali siya sa bagay na iyon, pero huli na ang pagsisisi. The best she could do was guard her actions. Kialangang maging maingat siya. Makalipas ang mahigit sa kalahating oras ay nagbalik sa kuwarto si Selina. Binuksan niya ang kanyang maleta at inilipat ang laman niyon sa isa sa mga built-in cabinets. Tiniyak niyang nakatago ang litrato ni Pia at ni Lorenzo sa ilalim ng mga damit. Matapos ang ginagawa’y nag-shower siya at maski papaano’y nakadama ng ginhawa. Na-relax ang mga muscles niyang napagod sa mahabang biyahe. Isang simple cut navy blue dress na hindi umabot sa tuhod ang haba ang isinuot niya para sa hapunan. Inilabas niya sa kahon ang putting sandalyas na dalawang pulgada ang taking at siyang isinapin sa anyang mga paa. Sinuklay lang niya ang mahaba at mamula-mula niyang buhok. Hindi na niya kailangan ang makeup sapagkat natural ang pamumula ng anyang mga labi at pisngi. May pagmamalaking nginitian niya ang sarili sa salamin. Tinitiyak niyang hindi matatanggihan ni Lorenzo ang kagandahang kanyang nakikita. Pasado alas-siyete nang katukin siya ng katulong at sabihing hinihintay na siya ni Sofia sa ibaba. Naabutan niya ang babae sa sala na kausap si Brix. Guwapung-guwapo ang huli sa blue polo shirt at gray slacks na suot. Samantalang si Sofia ay casual sa suot na putting bestida. Hindi pa siya natatagalan sa pagkakaupo nang agawin ni Lorenzo ang pansin niya. Animo isa itong greek god na bumababa ng hagdanan. Very decent sa suot na black polo at slacks. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang pinagmasdan ang bawat habang, bawat galaw ng lalaki. Pero bago pa niya ma-realize na nakatitig siya kay Lorenzo’y nakita na niya ang sarkastikong ngiti nito. Agad niyang binawi ang mga mata. Pinilit niyang huwag maapektuhan ng presensiya nito Ngunit tila nanunuksong sa tabi pa niya ito naupo. At habang ang tatlo’y masayang nag-uusap, walang nakapansin na hindi mapakali si Selina. Nakahinga lamang nang maluwag ang dalaga nang sabihin ni Nana Anita na nakahanda na ang hapag. Dinner was served at seven-thirty. Sa pagkakataong iyo’y kasalo nila sa pagkain si Lorenzo. Wala isa mang katagang namutawi sa mga labi ni Lorenzo hanggang matapos ang hapunan. Nakikinig lamang ito, ngumingiti sa mga biro ni Brix. But he never said a word. At sa buong sandali ng hapunan ay nakatitig ito sa kanya, as if examining her face, her gestures. At totoong naiilang siya. Pagkatapos ng hapunan ay nagyaya si Sofia sa sala. Isinilbi ng katulong ang tsa. “Ikatutuwa ko kung magtatagal ang iyong bakasyon sa Villa, Selina. Matagal na panahon din akong nawala rito. At least, may makakasama ako sa pamamasyal. Sina Brix at Lorenzo ay masyadong magiging abala sa susunod na mga araw,” ani Sofia. Inilapag muna ni Selina ang tasa ng tsa bago sinagot ang babae “Well, how can I say ‘no’? Pero hindi kaya nakakahiya naman sa inyo?” aniya at sinulyapan si Lorenzo na noo’y nakatayo sa likuran ni Sofia. Nakita niyang nagtaas ng ilay ang lalaki. “No, of course not!” Ngumiti siya at ibinaling ang pansin sa iniinom na tsa. “Baka naman ma-miss ng boyfriend niya si Selina. Tita Sofia. Hindi ao maniniwala kung sasabihin niyang walang naghihintay sa kanya sa Maynila,” biro ni Brix. “Kung gayon ay huwag kang maniwala, Brix,” tugon niya. Natawa ang lalaki sa naging sagot niya. “Kung may balak ka, Brix, ay kalimutan mo na. Tiyak kong hindi iyon magugustuhan ng iyong fiancée,” ani Lorenzo. “Ouch! Hindi pa man ay buko na ako. Sometimes, Lorenzo, nagdadalawang-isip ako kung kaibigan talaga kita.” Ngumiti nang makahulugan ang lalaki. At nais malaglag ng puso ni Selina sa ngiting iyon. “Tama na nga ayong dalawa at baka isipin ni Selina na niloloko n’yo siya,” saway ni Sofia at tumayo na. Binalingan nito ang dalaga. “Hindi ko na pahahabain ang gabing ito, alam kong kailangan mo ng pahinga.” “Thanks for a wonderful evening, Sofia,” aniya at tumayo na rin. “Goodnight” “Goodnight. See you in the morning.” “Palaga’y ko’y kailangan ko munang magpahangin sa labas, Tita Sofia,” ani Brix. “Don’t forget, marami pa tayong gagawin bukas, Brix. At may lalakarin tayo sa munisipyo,” paalala ni Lorenzo. “Hindi ko nakakalimutan iyon.” Magkasabay na pumanhik sa itaas sina Sofia at Selina Nagpaiwan pa si Lorenzo sa sala. Nang maapasok ang babae sa kuwarto nito ay binaybay ni Selina ang pasilyo patungo sa balkonahe. Nagpahangin siya nang ilang sandal bago naalala ang glass door patungo sa kanyang silid. Napabuntong-hininga siya nang malamang naka-lock iyon sa loob Kinailangan niyang muling dumaan sa pasilyo papasok sa kanyang kuwarto. Kinabahan siya nang makitang nakatayo sa daraanan niya si Lorenzo at sadyang hinihintay siya. “May kailangan k aba sa akin?” tanong niya nang hindi tuminag ang lalaki at nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. “Gusto ko lang makatiyak na kaibigan ka nga ng Mama,” anito. “Pinagdududahan mob a ako?” “Yes. Sasabihin ko na sa iyo ang totoo.” Hinamig ni Selina ang sarili at matatag na hinarap ang lalaki. “I’m a friend, Lorenzo.” Sinabi niya rito ang katulad na impormasyong sinabi niya kay Brix kanina, kung paano sila nagkakilala ni Sofia. “Inaalala ko lang ang Mama. At sana nga’y nagsasabi ka ng totoo. Dahil kung hindi…I swear, ako ang makakalaban mo.” Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran na siya ni Lorenzo. Nakita niyang binuksan nito ang pinto na katapat ng sa kanya. Iyon marahil ang kuwarto ng lalaki Malalim na ang gabi’y pinag-iisipan pa rin niya ang tinuran ni Lorenzo. Nararamdaman kaya nito na may ibang dahilan ang pagparito niya para magbabala nang ganoon? Napahugot siya ng malalim na hininga. Kung matalas ang pakiramdam ng lalaki, higit na dapat siyang mag-ingat sa bawat kilos na gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD