CHAPTER 6: Kiss of Deception

2000 Words
“DID YOU sleep well, Selina? nakangiting tanong ni Sofia nang bumaba siya at maabutan ito na nag-aalmusal sa tabi ng swimming pool. “Soundly,” aniya at naupo sa kaibayo ng babae. “Nagtataka nga ako kung bakit. Hinding-hindi ako nakakatulog nang mahimbing kapag nasa bagong lugar.” “Hmm, tha’ts a good sign,” makahulugang sabi ni Sofia at ipinagsalin siya ng kape sa tasa. “This is brewed. I’m sure you’ll like it,” anito. “Mimosa,” tawag ni Sofia sa nakaantabay na kawaksing agad naming lumapit. “Ihanda mo ang almusal ng ating bisita,” utos nito. “Opo, Señora.” Magalang na sumunod ang babae. Masarap ang pagkaing inihain ng kawaksi. At kahit hindi sanay na nag-aalmusal sa umaga’y naparami ang kain ni Selina. “It’s so quiet,” puna niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Walang maririnig kundi ang huni ng mga ibon sa maliit na aviary sa isang panig ng lanai. “Maagang umalis si Lorenzo kasama si Brix. May mahalagang lalakarin sa munisipyo ang dalawa. Pagkatapos doo’y pupunta sila sa construction site. And if I’m right, gabi na sila babalik.” May naramdaman siyang panghihinayang sa kaalamang hindi niya makikita sa buong maghapon ang lalaki. Ngunit agad din niyang pinagalitan ang sarili. “Pagkatapos ng almusal ay ililibot kita sa hacienda. Gusto kong makita mo ang flower garden, at tutuloy na rin tayo sa contruction site. I want to have a walk on the beach.” “Oh, I like that! Hindi ba makakaabala sa iyo, Sofia?” “Of course not. At huwag mong isiping malaking kaabalahan para sa akin ang pagpunta mo rito.” “Thank you.” Pagkatapos kumain ay nagpaalam sa babae si Selina. Pumanhik siya sa kuwarto at nagbihis. Isang hapit na maong at hanging blouse ang isinuot niya. Angkop iyon para sa pamamasyal sa hacienda. Nang bumaba siya ay nakahanda na si Sofia. Simpleng-simple ito sa bestidang abuhin. Pinagmasdan siya nito na para bang mayroon pang kulang. “You’ll be needing this,” anito matapos kunin sa shelf ang isang sombrero at iabot sa kanya. “It’s pity kung masisira ang magandang kutis mo,” dagdag ng babae at kinindatan siya. “Don’t flatter me, Sofia. Baka maniwala ako,” nakangiting tugon niya. Natawa ang babae at iginiya siya patungo sa pinto. Nakangiting naghihintay sa kanila si Mang Carlos na nakatayo sa tabi ng Pajero. Ipinakilala siya ni Sofia sa matandang lalaki. “Ikinagagalak ko kayong makilala, Mang Carlos,” aniya. “Ganoon din po ako,” sagot nito at binuksan ang pinto para sa kanila. “Sa flower garden tayo, Carlos,” ani Sofia nang nakaupo na ang matanda sa driver’s seat. Tumango si Mang Carlos at binuhay ang makina. Ilang sandal pa at palabas na sila ng Villa. Ten minutes drive ang biyahe mula sa Villa hanggang sa flower garden na ipinagmamalaki ni Sofia. Humanga si Selina sa sarisaring bulaklak na naroon. Kahit saan niya ibaling ang mga mata’y naggagandahang mga bulaklak ang kanyang nakikita. Sumalubong sa kanila ang isang may-edad na babaeng siya umanong katiwala. Inutusan ito ni Sofia na mamitas ng mga bulaklak para sa kanila. “This is beautiful, Sofia,” aniya sa babae at sinamyo ang hawak na rosas. “Dito ako madalas na magpalipas ng oras noong mga panahong nararamdaman kong unti-unti nang lumalayo ang loob sa akin ni Fernando…” malungkot na pahayag nito. “Ang mga bulaklak ang nagbibigay sa akin ng aliw at lakas.” Namagitan ang mahabang katahimikan pagkaraan ng huling tinuran ni Sofia. Nakita ni Selina ang kalungkutan sa mukha ng babae. Iginalang niya ang pananahimik nito. “Oh, I’m sorry. Nagiging sentimental ako,” ani Sofia at nagpunas ng mga mata. “It’s all right…” Hinawakan niya ang balikat nito, katulad ng madalas na ginagawa niya sa kanyang mga pasyente. “You can tell me everything, Sofia. Makikinig ako.” Humugot ng malalim na hininga ang babae. “Kung maaari lamang ay ayoko nang maalala ang nakaraan, Selina. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako hinihiwalayan ng mga bangungot.” Nanatiling tahimik at nakikinig lamang ang dalaga. Hindi maaaring magbigay ng komento sapagkat mahahalata ni Sofia na may nalalaman siya tungkol sa nakaraang sinasabi nito. “Hindi ko masisisi ang aking anak kung hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-aasawa,” patuloy ni Sofia. Mayamaya’y nagbago ang tono nito. Mula sa pagiging malungkot ay nagkaroon ng sigla. “How do you find my son, Selina?” tanong nito. Na hindi inaasahan ng dalaga. Hindi siya agad nakasagot. “Well, I…” Nag-stammer siya. “What do you expect me to say about him, Sofia?” Makahulugan ang ngiting sumilay sa mga labi ng babae. “He’s handsome, isn’t he? Walang sinumang babaeng makakatanggi sa kanya.” Nasa tono nito ang pagmamalaki ng isang ina sa kanyang anak. Yes, wlang sinumang babaeng makakatanggi sa kanya, sa isip ay tugon ni Selina. Maging ang kapatid kong si Pia ay naging biktima niya! “Well, Selina?” untag ni Sofia. “Yes, he’s handsome and no one deny that. Pero hindi lahat ng babae ay katulad ng sinasabi mo.” “Really? At isa k aba sa mga babaeng tatanggi sa anak ko, Selina?” “Sa palagay ko’y hindi natin dapat pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito, Sofia,” nagpapaunawang sabi niya. “Oh, I’m sorry I embarrassed you, Selina,” tugon nito, bumaling ang pansin sa katiwalang palapit sa kanila dala ang kumpol ng mga bulaklak. “Ah, nandito na pala si Minerva.” “Saan ninyo dinadala ang mga bulaklak na ito, Sofia?” tanong ni Selina sa babae nang naglalakad na sila pabalik sa sasakyan. “May flower shop kami sa Maynila. It’s one of the biggest in the city.” “You mean Sofia’s? Oh, yes, bakit nga hindi? Nasa pangalan mo ang flower shop na iyon,” naalala niya. Isa ito sa pinakamalaki, at kadalasan, kapag kailangan niya ng mga bulaklak ay doon siya nagpupunta. “Tiniyak ni Lorenzo na hindi napapabayaan ang flower shop at ang garden habang nasa pagamutan ako. He knows, mahal na mahal ko ang mga ito.” “You’re lucky to have a son like Lorenzo,” aniya. Ngunit hindi naging masuwerte ang kapatid ko nang makilala siya. “Yes. Tama ka sa iyong sinabi, Selina. Kaya mahal na mahal ko ang aking anak.” Tumango siya bilang pagsang-ayon. Base sa mga nakalap niyang impormasyon at sa mga sinasabi ng Sofia, natitiyak niyang mahal nga ni Lorenzo ang ina nito. Kung hindi, bakit kinausap pa siya nito kagabi para lamang balaan na ito ang makakalaban sinumang manaakit sa damdamin ni Sofia? Pagkagaling sa flower garden ay dinala siya ni Sofia sa taniman ng niyog. Nagpaakyat ito ng buko na siyang ininom nila. Pagkatapos doon ay ipinasyal siya ng babae sa contraction site Nakita niya sa kabila ng mga aroma ang mangasul-ngasul na dagat. Isang bulldozer ang paroo’t paritong nagpapatag sa isang bahagi ng mahabang burol na nakaharap sa dagat. “Doon itatayo ang beach house gaya ng nais ni Lorenzo,” pagbibigay-alam ni Sofia sa kanya. “Si Brix ang gumuhit ng disenyong nais ng aking anak.” Hundi pa makita ang kagandahan ng lugar sapagat ginagawa pa lamang. Pero natitiyak ni Selina, maganda ang kalalabasan ng mga plano ni Lorenzo. Napabuntong-hininga siya. She was beginning to admire the man, at alam niyang mali iyon. Hindi siya dapat makaramdam kaunti mang paghanga kay Lorenzo. Narito siya para was akin ang lalaki, hindi para purihin sa kanyang mga nakikita. Niyaya siya ni Sofia na maglakad sa tabing-dagat. Bagama’t mataas na ang sikat ng araw ay malamig pa rin ang dapyo ng hangin sa balat niya. Naupo sila sa upuang kawayan na itinulos sa buhanginan. Naliliman iyon ng mga aroma. Pinuno ni Selina ng sariwang hangin ang dibdib niya. “Did you know that I killed my husband and his mistress, Selina?” lahad ni Sofia na hindi inaasahan ng dalaga. Nagpakita siya ng pagkagulat upang walang mahalata ang babae. “Why are you telling me this, Sofia?” mayamaya’y tanong niya. “I want you to know our family history. Mas maaga, mas mabuti. Tatapatin na kita, Selina. Gusto kita para sa anak ko.” Sa sinabing iyon ni Sofia nagulat si Selina. Nagtatakang napamaang siya sa babae. “I have this feeling na magiging mabuti kang asawa, Selina. And tha’t’s what Lorenzo needs--- a good wife. Na magiging mabuting ina sa aking magiging mga apo.” Ibig ma-amuse ni Selina sa mga sinasabi ng babae. Sa sandaling iyon, nais niyang pagdudahan ang sanity nito. “I think, si Lorenzo ang dapat magsabi niyan, Sofia. Siya ang dapat na pumili ng kanyang mapapangasawa,” sabi na lamang niya. “Mine is just an opinion. Naturalmente, si Lorenzo pa rin ang pipili ng kanyang mapapangasawa. But if he would ask me, ikaw ang napipisil ko.” Napailing si Selina. This is insane, anang isip niya. Kung alam lamang ni Sofia ang tunay na dahilan ng kanyang pagparito, baka hindi na siya nito tinangap sa Villa. May kalahating oras na sila sa tabing-dagat nang dumating si Lorenzo at ang kaibigang si Brix. Agad na ngumiti ang huli nang makita siya. Si Lorenzo ay nanatiling seryoso. Muli, naroon ang mga tingin nito na akala mo’y hinuhubaran siya. “Well, what brought the two of you here?” pabirong tanong ni Brix na naupo sa tabi ni Selina. “I showed Selina around,” sagot ni Sofia. “Nais kong makita niya ang kagandahan ng Hacienda Roman.” Nagtaas ng kilay si Lorenzo na nakatayo sa tabi ng ina. Matiim ang titig na ipinukol nit okay Selina. “What can you say about the place, Selina? tanong nito. “Beautiful,” kaswal na tugon niya. Hindi ngumingiting sinalubong niya ang mga titig ng lalaki. “Beautiful enough para makontento sa lugar na ito ang isang Manileña na katulad mo? Some women find this place boring. Ayaw niyang isipin na may mas malalim na kahulugan ang tanong na iyon ni Lorenzo. “Yes,” tugon niya. At nang ibaling ang paningin kay Sofia ay nakita niyang nakangiti ito- isang makahulugang ngiti. “Will you walk with me, Tita Sofia?” tanong ni Brix. “Nais kong mamasyal sa banda roon.” “Certainly, hijo.” Nang tumayo si Sofia ay makahulugan ang tinging ipinukol nito kina Lorenzo at Selina. “Ikaw na muna ang bahala sa ating bisita, hijo,” anito sa lalaki. Isang marahang tango ang itinugon ni Lorenzo. Nakadama ng pagkailang si Selina nang maupo sa tabi niya ang lalaki. Kung hindi lang siya magmumukhang katawa-tawa ay hinabol na niya sina Brix at Sofia na ilang metro pa lamang ang layo mula sa kanila. “I like your eyes,” basag ni Lorenzo sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. “I beg your pardon?” baling niya rito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang isang totoong ngiti na sumilay sa mga labi ng lalaki. Napabuntong-hininga siya. My, lalo ito gumuwapo! “I said I like your eyes,” ulit nito. Masasalamin ang tenderness sa mga mata nito. Nag-init ang magkabilang pisngi ni Selina. Tinangka niyang ikubli ang pamumula ng mga pisngi ngunit maagap na sinalo ng daliri ni Lorenzo ang baba niya. Halos pangapusan siya ng hininga sa ginawa ng lalaki. Lalo pa nang akmang hahalikan nito ang mga labi niya. “God, you’re so beautiful, Selina,” bulong ni Lorenzo. Dumampi ang hininga nito sa kanyang pisngi. Napalunok siya. Bakit nga ba niya iiwasan ang lalaki? Ang mapaibig ito at iwanan sa bandang huli’y isang paraan upang maipaghiganti niya ang kamatayan ni Pia. Tama. Paiibigin niya si Lorenzo. Gagawin niya ang lahat upang mahulog ang loob nito sa kanya. At kapag mahal na mahal na siya ng lalaki’y saka niya ito iiwan. Katulad ng ginawa nit okay Pia. Hinaplos ni Selina ang mukha ni Lorenzo. “Kiss me,” bulong niya. Alam ni Selina, hindi magagawang tumanggi ng lalaki sa kanyang paanyaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD