MASUYO ang halik na iginawad ni Lorenzo sa mga labi ni Selina. Wala iyong pag-aatubili.
Nang matapos ang halik ay nanatiling nakapikit ang dalaga, ninanamnam ang tamis niyon.
“Damn!” ani Lorenzo na nagpamulat sa kanya. Labis niyang pinagtakhan ang sumunod na aktuwasyon ng lalaki. Tumayo ito at lumayo sa kanya.
“Lorenzo!” Sinundan niya ang lalaki na patuloy sa paglalakad pabalik sa kinapaparadahan ng Terrano.
“Go away, Selina!” nagngangalit ang bagang na sabi nito. “I don’t want you near me again, understand?”
“H-hindi kita maintindihan…”
Tumigil sa paghakbang ang lalaki at hinarap siya. “You never differ from any woman, lady. Seducer. At pagkatapos ay ano?”
Napamaang sa pagtataka ang dalaga sa tinuran nito. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ni Lorenzo. Pati ang biglang-biglang pagbabago ng mood nito.
“I want you of here within twenty-four hours, do you understand? I don’t care how you’re going to explain it to Sofia, just go!”
Hinamig ni Selina ang sarili, hindi nagpa-intimidate sa nakikitang galit sa mukha ni Lorenzo. Taas-noong ninarap niya ang lalaki. “I’m not going,” aniya. “Aalis lamang ako kung si Sofia ang magsasabi. Look, hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa akin,okay? But at least be a gentleman and tell me what’s going on!”
Mapanuya ang niting ipinukol nito sa kanya. “You know what I think? I think you’re a hooker. Nagpunta k aba rito para siluin ako?”
Isang malutong na sampal ang isinagot ni Selina sa lalaki. “How dare you! I am not a hooker! At kung iniisip mong katulad ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo, think again, Lorenzo Roman. Hindi ikaw ang klase ng lalaking pag-aaksayahan ko ng panahon!”
Bago pa makasagot ang lalaki ay mabilis nang nakatalikod ang dalaga. Namumula siya sag alit sa mga paratang nito. Kung kanina’y anghel ang tingin niya rito, ngayon ay nagbalik sa pagiging demonyo.
Lalong tumindi ang hangarin ni Selina na was akin si Lorenzo.
Sa Pajero na lamang niya hinintay si Sofia. Hindi naman nagtagal at nakita na niyang parating ang babae kasama si Brix. Nagtungo ang huli sa kinapaparadahan ng Terrano at ang babae’y sa kinaroroonan niya.
“What happened?” tanong nito nang makasakay sa Pjero. “Nang magbalik kami ni Brix ay wala na kayo.”
“Sumakit ang ulo ko, Sofia, kaya nakiusap ako kay Lorenzo na ihatid na lamang dito,” pagdadahilan niya.
“It must be the weather,” ani Sofia at binalingan ang driver. “Tayo na, Carlos. Bumalik na tayo sa Villa.”
Magkasunod na dumating ang dalawang sasakyan sa villa. Mabilis na bumaba si Lorenzo at nagpatiuna sa kanila. Si Brix ay lumapit at ipinagbukas ng pinto ang dalawang babae.
“Nakalimutan ko nga palang itanong, kumusta ang lakad ninyo sa munisipyo, hijo?” tanong ni Sofia habang papasok sila sa sala.
“Fine. Wala nang problema. Anytime ay maaari nang simulant ang construction ng beach house.”
“Well, that’s nice.”
Natigil sa pag-uusap sina Brix at Sofia nang lumabas mula sa library ang isang matandang lalaki. Nakangiti itong lumapit sa kanila.
Napansin ni Selina, hindi gumanti ng ngiti si Sofia.
“Ah, maganda nga pala ang iyong bisita gaya ng sabi ni Anita. Ako nga pala si Primo,” pagpapakilala nito ng sarili sa dalaga.
“Selina,” aniya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Tingin niya’y mabait ang matanda at masayahin.
“Hello, Primo,” ani Brix. “Matagal din tayong hindi nagkita.”
“May mahalagang bagay akong inasikaso sa Maynila hijo,” tugon nito at sinulyapan si Sofia.
“Ang akala ko’y hindi ka na babalik, Primo.” Binalingan ng babae si Selina. “Kapatid siya ng yumao kong asawa,” tila napipilitang pagpapakilala nito sa lalaki.
Lumuwang ang ngiti ni Primo.
“Sofia, nakahanda na ang pananghalian,” anunsiyo ni Nana Anita.
Nagtungo ang apat sa dining hall.
“Nasaan si Lorenzo?” tanong ni Sofia nang makitang bakante ang upuan nito. “Anita, tawagin mo si Lorenzo at sabihin mong nakahanda na ang pagkain,” baling nito sa kawasaki.
“Oo, Sofia.”
Nang magbalik ang matandang babae’y hindi nito kasama si Lorenzo. “Susunod na lamang daw siya, Sofia,” pahayag nito.
Ngunit hanggang matapos ang pananghalian ay hindi nila nakita ni animo ng lalaki sa dining hall. Inisip ni Selina na marahil ay ayaw siyang makaharap ng huli pagkatapos ng namagitan sa kanila sa tabing-dagat.
Mabuti na rin iyon sapagkat siya ma’y hindi handing harapin ito.
Matapos kumain ay umakyat sa kuwarto si Sofia. Si Brix ay nagtungo sa library upang tapusin ang disenyo ng cottage na itatayo sa ide-develop na resort.
Naiwan sa company ni Primo si Selina.
Masayang kausap ang matanda at nalibang siya’t hindi namalayan ang paglipas ng oras. Interesante ang kuwento nito tungkol sa sarili at sa pamilyang naiwan sa Amerika.
“Nag-asawa ng Amerikano si Paola matapos kaming magdiborsiyo. We have remained good friends. Ang aking mga anak nama’y may kanya-kanya nang pamilya.”
“Do you have plans of getting married again?” tanong niya na ikinangiti nito.
“Maybe yes, maybe no. Depende kung makakatagpo akong muli ng babaeng makakaunawa sa mga kakulangan ko,” makahulugang sabi nito, bahagyang nagseryoso. “What I need now is a companion, na makakasama ko sa aking pagtanda. I don’t want to die alone.”
“Don’t think of dying, Primo. You’re still young.”
“Well, gusto kong isiping bata pa nga ako sa edad na sisenta.” Tumawa ito. “Maraming salamat sa pagsang-ayon mo hija.”
Ngumiti si Selina. At that instant, nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Primo. May paghangang hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya.
“You think, hija maaari kayang magkagusto ang isang tulad mo sa akin?” mayamaya’y tanong nito.
Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. Primo was an attractive old man. Makisig pa rin ang pangangatawan nito sa kabila ng edad. Tumangu-tangon siya.
Lumuwang ang ngiti sa mga labi nito. Mababakas sa mukha ang pag-asa sa iniisip na kung ano.
NANG sumusunod na mga araw ay naging abala sina Lorenzo at Brix sa ide-develop na resort. Naiwan si Selina sa company ni Sofia. Kapansin-pansin ang pagiging malapit ni Primo sa dalaga.
“Careful, Selina. Kahit ang pinakamabait na kabayo ay may kakayahan para ihulog ka,” ani Primo isang araw na yayain siya nito para turuang mangabayo.
Sa malayo ay nakatingin sa kanila si Sofia, tila nagbabantay. Mababakas sa mukha ng babae ang disgust ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Selina.
“Hawakan mo ang renda. Selina.”
“That’s what I’m doing, Primo,” masayang tugon niya. Naaaliw siya sa sobrang pag-aalalang ipinapakita ng matanda.
“C’mon, patakbuhin mo nang marahang-marahan ang kabayo,” utos nito.
Sumunod sa instruction si Selina. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ang kabayo nang bigla itong umalma sa hindi niya malamang kadahilanan. Bago pa siya makapag-isip ay tumakbo na nang mabilis ang kabayo.
Napatili siya.
“Hold on, Selina! Hold on!” sigaw ni Primo na agad na humabol.
Halos hindi humihinga ang dalaga habang nakahawak nang mahigpit sa renda. “Ho! Ho!” sigaw niya, ngunit pakiwari’y lalong bumibilis ang takbo nito.
Nang abutan siya ni Primo at mapatigil ang kabayo ay agad siyang bumaba. Nanunuyo ang lalamunan niya sa matinding nerbiyos.
“Estupido!” sigaw ng matanda at galit na hinagupit ng latigo ang kabayo.
‘No!” aniya at inawat ito. “Hayaan mo na ang kabayo, Primo. Wala naming masamang nangyari sa akin.”
Humugot ng malalim na hininga ang matanda at binalingan si Selina. Namumula ang mukha nito sag galit.
“Ipapapatay ko ang kabayong iyan kung may nangyari sa iyo, Selina,” anito. “Are yo all right?”
“Yeah, I’m fine.”
“Umangkas ka na lang sa akin pabalik sa villa. Wala na akong tiwala sa kabayong iyon.”
Nang makita silang paparating ay mabilis na sumalubong si Sofia. Alalang-alala ito sa nangyari.
“I’m glad you’re all right, hija. Mabuti at hindi ka nahulog sa kabayo.”
“Mabilis si Primo, Sofia. Iniligtas niya ako.”
Nagdilim ang mukha ni Sofia nang tumingin sa lalaki. Nagtaka ang dalaga ngunit hindi siya nagtanong.
“Tayo na Selina. Ituloy mo na lamang sa ibang araw ang pangangabayo. I’ll ask Lorenzo to find time para turuan ka. Ang anak ko ang pinakamagaling na mangangabayong nakita ko.”
“Really?” Nagpakita siya ng paghanga sa tinuran ng babae. Nang sulyapan niya si Primo, na nanatiling nakasakay sa kabayo, ay nakakunot-noo ito. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Sofia.
“Ilang kabayo na ang napaamo ni Lorenzo. I’m telling you hija, napakagaling niya. Kaya natitiyak kong madali kang matututo sa kanya.”
“But he’s been busy these past few days. Hanggang ngayon. Ayokong makaabala.”
“Oh, don’t worry about it,” sagot ni Sofia at iginiya siya papasok sa Villa.
“Thanks for your time, Primo.” lingon niya sa lalaki. Ngumiti ito at dinala ang kabayo sa kuwadra.
“Napapansin ko nitong nakalipas na mga araw ang pagiging malapit m okay Primo, Selina.”
“He’s a good man, with a good sense of humor.”
Napailing si Sofia sa tinuran niya. “Huwag kang masyadong magtiwala sa kanya.”
“Why, Sofia?” buong pagtatakang tanong niya.
“Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya, pero ayokong madamay ka, Selina.”
“H-hindi kita maintindihan…” aniyang naguguluhan sa sinasabi ng babae.
“Nais niyang angkinin ang kayamanan ng mga Roman. At hindi malayong gumawa siya ng mga hakbang laban sa aming mga-ina. He’s a scheming old man. Anumang sandali’y maninila siya.”
Nais niyang ilusyon lamang ni Sofia ang mga sinasabi nito patungkol kay Primo. Ngunit sa isang banda, hindi masama kung mapag-aaralan niya ang mga kilos ng matandang lalaki.
Malalaman din niya kung nagsasabi ng totoo si Sofia.
Nang araw na iyon, tinawagan ni Selina si Linda upang ipaalam na nasa mabuti siyang kalagayan. Labis ang pag-aalala ng matandang babae. Humingi siya ng paumanhin kung hindi kaagad siya nakatawag dito.
Pagkababa ng telepono ay pumanhik na siya sa kanyang kuwarto. Ibinalik ang isip sa mga sinabi ni Sofia tungol kay Primo.
Nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap ni Selina si Brix, sa paraang hindi mahahalata ng lalaking nag-iimbestiga siya tungkol sa relasyon ni Primo sa mag-inang Sofia at Lorenzo.
“Gaano katagal na kayong magkakilala ni Lorenzo, Brix?” kaswal na tanong niya habang binuklat-buklat ang pahina ng aklat na nasa ibabaw ng mesa.
Pansamantalang itingil ni Brix ang pagguguhit. Itinuon nito ang buong atensiyon sa kanya.
“I’ve known him since we were kids. I can say, kilalang-kilala ko na si Lorenzo mula ulo hanggang paa,” tugon nito.
Good, anang isipan ni Selina. Masasabi mo sa akin ang mga gusto kong malaman.
“I don’t mean to pry, pero napapansin kong may hindi magandang namamagitan kina Primo at Sofia.”
“Ang alam ko’y labag sa kalooban ni Sofia na nandito sa Villa Roman si Primo. Hindi niya ito makasundo kahit noong nabubuhay pa ang Tito Fernando. Nabanggit sa akin minsan ni Lorenzo na may ginagawang katiwalian sa asyenda ang kanyang tiyo. Hindi lang niya matiyak dahil wala pang mga ebidensiyang makapagdidiin sa matanda.
Napatangu-tango si Selina. Kung mayroong hindi pagkakaunawaan ang magtiyo, maaari niyang gamitin si Primo para mapaghigantihan si Lorenzo.
Napapansin niyang madilim ang mukha ng huli sa tuwing magkakalapit sila ng matandang lalaki. Posible kayang nagseselos ito?
“Thanks for your time, Brix Naabala pa kita. Mas mabuti sigurong sa ibang araw na lang natin ituloy ang pagukuwentuhan. I’d better go”
“Don’t mention it, Selina Basta ikaw,” anang lalaki at kinindatan siya.
Isang matamis na ngiti ang itinugon niya.
Ngunit agad ding napalis ang ngiting iyon nang lumabas siya ng library.
Umpisa nan g kanyang paghihiganti!