Chapter 8: Lihim na Lakad, Lantad na Galit

1236 Words
“I ALREADY told Lorenzo to teach you how to ride a horse,” ani Sofia matapos ang hapunan. “Oh, Sofia, hindi mo na dapat pang ginawa iyon,” tugon niya at sinulyapan ang lalaking matiim ang pagkakatitig sa kanya. Hindi niya mabasa sa ekspresyon ng mukha ang nilalaman ng isip nito. “Huwag mong alalahanin iyon, hija. Ayoko naming sabihin mong hindi kami marunong tumanggap ng bisita,” pabirong sabi ng babae. “Bukas ay luluwas ako sa bayan kasama si Anita Si Lorenzo na ang bahala sa iyo habang wala ako,” dugtong nito. Palagay niya’y sinadya iyon ng babae upang mapilitan siyang maiwan sa company ni Lorenzo. Hindi na lamang siya nagpahayag pa ng pagtutol. Nagdahilan si Selina na magpapahangin muna sa hardin upang magkaroon ng pagkakataong makausap si Primo na noo’y naroon din. Nagtaka pa ang matanda nang sabihin ng dalagang nais niyang samahan siya nitong mamasyal bukas Alam ni Primo na bukas din siya tuturuang mangabayo ni Lorenzo. “Please, Primo, mas nais ong mamasyal kaysa matuto ng pangangabayo. Palagay o’y nagaroon ako ng phobia matapos ang nangyari nang nakaraang araw,” paliwanag niya. Pilit niyang kinukumbinsing pumayag ang lalaki sa kagustuhan niya. “Pero ano ang sasabihin ni Lorenzo? Tiyak na hindi siya papaya na sa akin ka sumama,” anito. “Kaya nga maaga pa lamang ay aalis na tayo.” Nag-isip ang matanda. Makaraan ang ilang sandal ay nagpasya ito. “Sige, kung ‘yan ang gusto mo. Ipapasyal kita sa lumang simbahan ng San Felipe at sa magagandang tanawin ng baying ito” “Oh, than you!” bulalas niya at binigyan ito ng isang fatherly hug. Hindi nakita ni Selina nang matigilan ang matanda at magtiim ang mga bagang nito. Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw ay nakabihis na si Selina. Nang bumaba siya sa takdang oras na kanilang pinag-usapan ay naghihintay na sa sasakyan si Primo. Ilang sandal pa at palabas nan g villa ang pickup nito. Nang makalayo ang pikup ay saka lamang lumabas sa kinaroroonan si Mang Carlos, na maaga kung gumising para maglinis ng garahe at mga sasakyan. Nagtataka ito sa maagang pag-alis ng dalawa. Gayunpama’y nagkibit na lamang ito ng mga balikat at sinimulan ang trabaho. “HINDI pa ba bumababa si Selina, Mimosa?” tanong ni Lorenzo na nakahanda na sa pangangabayo nang bumaba at magpahain ng almusal sa Kawasaki. Naupo ito at nagbuhos ng kape sa tasa. “Hindi pa ho, Señorito.” Tumingin sa suot na relo ang lalaki. Mag-aalas-siyete na at inaasahan niyang sa ganoong oras ay gising na ang dalaga. “Ang Mama?” “Hindi pa rin ho bumababa, Señorito.” “Sige, iwan mo na ako,” ani Lorenzo at humigop ng kape habang panay ang tingin sa suot na relo. Makaraan ang ilang minuto ay bumaba si Sofia Nakasuot pa ito ng roba na ipinaibabaw sa damit-pantulog. Tumayo si Lorenzo at humalik sa pisngi ng ina. “Where is Selina?” tanong ni Sofia nang hindi makita ang dalaga. “Hindi pa bumababa, Mama.” “Baka nakalimutan niyang ngayon kayo mangangabayo. Ang mabuti pa’y patingnan natin kay Mimosa kung gising na si Selina.” “Akon na ang papanhik sa kuwato niya. Mama.” anang lalaki. Nakangiting sumang-ayon si Sofia. Tatlong ulit na kumatok sa pinto ng kuwarto si Selina si Lorenzo at nang walang makuhang tugon ay pinihit nito ang seradura. Bukas iyon kaya Malaya siyang nakapasok sa loob. Napakunot-noo siya nang makita na maayos na nakaligpit ang higaan at wala ito sa kuwarto o sa banyo. “Damn!” bulalas ni Lorenzo at mabilis na lumabas ng kuwarto. Nagtaka si Sofia nang magbalik ang anak at makita ang pagdidilim ng mukha ng huli. “Ano ang nangyari, hijo?” tanong ng babae. “Wala na siya sa kanyang kuwarto, Mama,” aniya at hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa likuran ng ina. “Saan siya nagpunta?” hindi makapaniwalang tanong ni Sofia. “Ewan ko, Mama.” Napabuntong-hininga si Sofia. Tinawag si Mimosa at inutusang papuntahin doon si Mang Carlos. Nang magbalik ang kawaksi ay kasama na nito ang matandang driver. “Sino ang maagang umalis, Carlos?” usisa ni Sofia. “Nakita kong umalis sakay ng pickup si Primo kasama ang inyong bisita,” anang matanda. Napamura si Lorenzo sa pagtataka nito at ng kawaksing si Mimosa. “Sige na, iwan n’yo na kami,” ani Sofia na nakisimpatya sa nararamdaman ng anak. “Hindi ko alam kung ano ang gustong palabasin ng bisita ninyo, Mama!” ani Lorenzo nang sila na lamang dalawa ang naroon. Nagpupuyos sa galit na naupo si Lorenzo sa kaibayo ng ina. “H-hindi ko alam kung bakit siya sumama kay Primo, hijo. B-baka naman may emergency-“ “Emergency?! Damn it, bakit kailangan nilang umalis nang napakaaga? Isa lang ang ibig sabihin n’on, Mama. Ayaw akong makasama ng inyong bisita!” “Hindi naman siguro ganon, hijo,” pagtatangol pa rin ni Sofia sa dalaga. Kahit ito ma’y hindi maintindihan kung bait ginawa iyon ni Selina “Tutuloy na lamang ako sa construction site, Mama,” ani Lorenzo at tumayo na. “Wala akong panahong makipaglokohan sa bisita ninyo.” “Hijo, sandal lang-“ Hindi na pinansin ni Lorenzo ang pagtawag ng ina. Tuloy-tuloy na siyang lumabas at tinungo ang kuwadra. Inilabas niya ang paboritong kabayo, at nang makasakay ay pinatakbo nang matulin. Magbabayad ka sa ginawa mo, Selina. Magbabayad ka! sigaw ng isip ni Lorenzo. “A PENNY for your thoughts?” tanong ni Primo na pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Selina habang nakatunghay sa kakahuyang nasa paanan ng lumang simbahan ng San Felipe. Siguro, sa mga sandaling iyon ay umuusok na sa galit si Lorenzo matapos malamang sumama siya kay Primo. “May naalala lang ako, Primo,” nakangiting baling niya sa lalaki. “Someone special?” tanong nito at sumandal sa bakal na barandilya. “Si Pia. Ang kapatid o. She passed away two months ago. Hindi ko maiwasang hindi siya maalala kapag nakakakita ako ng simbahan. Hindi ko mapigil ang lungot…” “I’m sorry to hear that,” ani Primo at hinawakan sa balikat ang dalaga. “Ano ang ikinamatay niya?” Humugot ng malalim na hininga si Selina. Nagbangon sa dibdib niya ang galit na nararamdaman para kay Lorenzo. “Nagpakamatay si Pia matapos siyang iwanan ng walang pusong lalaking nakabuntis sa kanya,” mariin niyang sabi. At ang pamangkin mong si Lorenzo ang walang pusong lalaing iyon, nais sanang idugtong ng dalaga. “I pity the girl,” ani Primo. “At dapat na magbayad ang lalaking may kagagawan ng pagpapaamatay niya.” “Yes!” nagngangalit ang mga ngipin na tugon niya. “At hindi ao titigil hangga’t hindi nagbabayad ang lalaking iyon sa pagamatay ni Pia!” “Kilala mob a ang lalaki, Selina?” Tumango siya. “And I intend to find him, Primo. At pagkatapos ay sirain din ang buhay niya” Walang masabing napatitig ang matandang lalaki sa mukha ni Selina. Masasalamin sa mukha ng dalaga ang matinding paghahangad na makapaghiganti. “I think we better go, Selina.” “Ayoko pang bumalik sa villa, Primo. Gusto o pang mamasyal.” “Kung ‘yan ang gusto mo. Let’s go” Nang hawakan siya ng matanda sa baywang habang pabalik sa kinapaparadahan ng pickup ay hindi tumutol si Selina. Nagpakita siya ng pagkagiliw na labis naming ikinatuwa ni Primo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD