CHAPTER 30 “She cheated on me. . .” napaawang ang labi ko. Tila napigil ang aking paghinga. “She cheated on me with my best friend. . .” lumingon ako sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata. “Totoo po ba? B- bakit niya naman nagawa sa inyo 'yon, sir?” ang lakas naman ng loob nung babae para maghanap pa ng iba. Wala na siyang ibang hahanapin pa kay sir John Wayne. Sinayang niya ang anim na taon nilang pagsasama. Ganoon talaga ang mga relasyon, 'no? Kahit gaano pa kayo katagal, kahit mahal na mahal n'yo ang isa't isa hindi pa rin kayo sigurado kung kayo ba hanggang sa huli. Kasi kahit nga 'yong mag- asawa na kasal na ay naghihiwalay pa rin. Bakit kaya ang nakukuha pa ng ibang tao na humanap ng iba kahit may karelasyon na sila? Ano 'yon? Hindi sila kuntento sa partner nila? “I

