CHAPTER 29 “Sir, hindi po ako matatapos dito kung ganyan ka.” Reklamo ko sa kanya dahil kung saan- saan na napupunta ang kamay niya. Nakasuot ako ng bestida kaya nahihirapan siyang ipasok ang kamay niya sa loob ng aking suot na damit. “Ang lambot naman nito. . .” kumento niya habang minamasahe ang aking magkabilang dibdib. “Tulungan mo kaya ako sa paghuhugas, sir. Para makapagpahinga na tayong dalawa.” tinagilid ko ng kaunti ang aking ulo nang halik- halikan niya ang aking leeg. “Hindi ako marunong maghugas ng plato, Gracia. Wala akong kaalam- alam sa mga gawaing bahay.” Kabaligtaran ang pamumuhay naming dalawa. Kung ako alam ko lahat ng mga gawaing bahay, kahit nga magtanim sa bukid ay alam ko rin. Dati sumasama pa ako kay nanay sa tuwing nagtatanim siya ng palay. Tumutulong din ako

