CHAPTER 46 ( MAVEN'S POV ) “Pabili po!” napatayo ako sa aking kinauupuan sa sahig. Nakikipaglaro ako sa anak ko. Nang tumayo ako ay nagbabadya na naman itong umiyak. “Ano po 'yon?” “Pabili po ako ng lollipop po, limang piraso po.” Siya na naman! 'Yong lalaki kanina! Lumingon sa kanya ang anak ko at napaawang ang kanyang labi nang makita ang mukha nito. Tila may naalala siya sa mukha ng aking anak. “Ito lang po ba?” tanong ko sa kanya at gamit ang isang kamay ay binigay ko ang limang piraso ng lollipop. “Opo, ang gwapo naman po ng anak n'yo!” hilaw akong ngumiti sa kanya. “Salamat po. . .” Ang weird ng taong 'to. Kanina pa pabalik- balik dito. Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko dahil nakaramdam ako na parang hindi ako kumportable sa kanya. Umalis na rin ito agad. Hindi na ul

