CHAPTER 45 T W O Y E A R S L A T E R Dalawang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat ng iyon. Parang isang masamang panaginip ang sunod- sunod na nangyari sa akin. Nabuntis ako, pinalayas ni nanay, at pinagtangkaang gahasain ng tiyo ko. Kahit may plano kana pala sa buhay mo, hindi mo pa rin alam kung ano ang totoong mangyayari sa 'yo. Maraming mangyayari sa 'yo na hindi mo inaasahan. Napadpad ako sa isang lugar sa Negros Occidental. Sa Escalante City. Walang may nakakilala sa akin. At wala rin akong kilala sa lugar na ito. Naging palaboy- laboy ako. Sa unang gabi ko. Natulog ako sa plaza nila ng yakap- yakap lang ang aking sarili. Hindi sapat ang limang daan ko na pera. Limang buwan akong nanlimos sa mga tao para mabuhay ako. Sa isang araw ay maswerte na kung dalawang

