CHAPTER 44 “Bakit ka nandito? ‘Di ba sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag ka ng bumalik pa sa bahay na ‘to?” Hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin si nanay. “Nay. . . Patawarin n'yo po ako. . . Hindi ko na po kaya doon sa kanila ni tiya, nay.” Ngayong araw hindi ko mabilang kung ilang balde na ng luha ang naiyak ko. Pagod na pagod na ang katawan ko at kailangan ko ng magpahinga. Walang katapusang problema na ang dumadating sa buhay ko at hindi ko na alam kung paano ko ba malalampasan ang lahat ng ito. Ang daming mga pagsubok. “Umalis kana, Maven. Kahit anong sabihin mo, hinding- hindi kita mapapatawad. Umalis ka sa harapan ko at 'wag na 'wag ka ng magpapakita pa sa akin.” Hindi ko mapigilang itanong kung mahal pa ba ako ni nanay. Kasi sa tuno ng pananalita niya ay parang hindi na ni

