CHAPTER 43 Napabalikwas ako ng bangon. “Tiyo!” kinakabahang sigaw ko. Dahil nandito ako sa sala natutulog ay hindi nila pinapatay ang ilaw sa sala. Kitang- kita ko kung paano ito malademonyong ngumiti sa akin habang sumesenyas na tumahimik ako. “'Wag kang maingay. . . Maglalaro lang tayong dalawa.” napaatras ako hanggang sa mabangga ang aking likod sa kahoy na upuan. “'Wag po kayong lalapit sa akin. Sisigaw po ako. . .” Malayo ang kapit- bahay sa lugar nila. Kaya ang makakarinig at makakatulong lang sa akin ay sina tiya. “Bakit ka naman sisigaw? Magiging masaya ka sa gagawin ko sa 'yo, Maven.” Kinikilabutan ako sa mga ngiti nitong mala demonyo. Iba na ang kutob ko sa kanya unang gabi ko palang dito. Parang hindi siya mapagkakatiwalaan. “'Wag kayong lalapit sa akin, tiyo!” lumaka

