CHAPTER 8 Tama ba ang pagkakarinig ko? Bakit naman siya nagseselos? “A- ano po ang ibig n’yong sabihin?” pinagsiklop ko ang aking mga kamay sa aking kandungan. “No, nothing.” Buti na lang at nadaanan ako ni sir John Wayne nakatipid ako ng pamasahe. Sayang din ang singkwenta ko. Nang dumating ako ng bahay ay si nanay agad ang una kong hinanap kay ate Aster. “Nasaan po si nanay, ate?” tanong ko sa kanya nang pumasok ako sa kusina. Kakatapos ko lang magbihis. Si sir John Wayne ay umakyat sa kwarto niya nang makarating kami. “Nako, nagmamadali siya kaninang umalis. Namatay daw kasi ang isang kamag- anak n’yo kaya baka bukas o sa susunod na araw pa siya makakabalik dito.” Walang cellphone si nanay dahil hindi ito marunong. “May nasabi po ba siya kung sino ang namatay, ate?” ilang oras

