CHAPTER 7

1200 Words
CHAPTER 7 “Nahihiya na po ako, sir. Baka may makakita po sa atin,” Tumingin ako sa paligid. Nag- aalala ako ng husto na baka makita kami ni nanay. Ginaya rin ni sir John Wayne ang aking ginawa. He also checked the surroundings. “Let’s continue this next time,” he kissed my cheek. Hindi pa ako nakakapagreact ay sumisid na ito muli. Lumangoy lang kaming dalawa hanggang sa mapagod. Umiiwas na akong magdikit ang katawan naming dalawa. He likes to tease me. Nararamdaman ko na lang siya bigla sa ilalim at kinikiliti ang aking paa. “Nag- enjoy ka bas a swimming n’yo, anak?” nasa loob na kami ng kwarto. Pagod na pagod ang katawan ko kanina sa ginawa namin ni sir John Wayne. Kahit natulog na ako nung hapon ay pagod pa rin ako. Magkatabi kaming dalawa ni nanay ngayon sa kama niya. “Opo, nay. Makulit din po pala ang bunsong anak ng mga Hidalgo.” Syempre hindi ko ikukwento sa kanya ang tungkol sa ginawa naming dalawa ni sir John Wayne kanina. Magagalit sa akin si nanay kapag nalaman niya ‘yon. “Mababait talaga ang mga Hidalgo anak. Tingnan mo ang turing nila sa atin, parang hindi lang mga katulong.” Hinigpitan ko ang aking yakap kay nanay. Ang hirap magsinungaling sa kanya, hindi ako sanay. Napapikit ako nang lumakas ang kulog at kidlat. Takota ko kaya nandito ako ngayon sa kama ni nanay. Simula bata ako ay nanginginig na ako kapag nakakarinig ako ng kulog at kidlat. Hindi ko kayang matulog ng mag- isa kapag ganoon. “Kaya nga po, nay. Kahit sobrang yaman nila nakikipag- usap pa rin sila sa atin.” Umaga na nang magising ako. Maaga akong gumising dahil alas otso ng umaga ang aking pasok. “Nay, alis na po ako!” paalam ko kay nanay at humalik sa pisngi nito. Mag- aabang pa ako ng tricycle sa labas papunta sa school namin. Ang suot kong uniform ay kulay blue na pencil skirt at kulay puti naman na may necktie na kulay itim ang pang- itaas. May maliit na heels lang ang aking suot na school shoes para tumangkad naman ako ng kaunti. Kulay itim naman ang aking backpack na ang tanging laman ay notebook at papel lang. Palabas na ako nang kusina nang makita kong pababa ng hagdan si sir John Wayne. Tumigil ako sa paglalakad upang batiin ito. “Good morning po, sir John Wayne!” magulo pa ang buhok nito at mukhang kakagising lang. Paborito niya yatang magsuot ng kulay itim na sando dahil ito na naman ang suot niya ngayon. Hapit na hapit sa katawan niya. “Good morning, Gracia! Are you going to your school?” tanong nito at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. “Opo, sir. May pasok po kasi ako,” ito ang mahirap sa college, eh. Isang oras lang ang klase ko mamaya pero wala akong choice kung hindi puntahan iyon. Pagkatapos ng isang oras ay uuwi na agad ako. “Anong oras ka uuwi?” nasa tapat ko na ito. Nakatingala na naman ako para kausapin siya. “Baka nasa 9:30 po uuwi na po ako, mauna na po ako sa inyo, sir.” “Good luck and take care, Gracia!” ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago tumalikod at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Ilang tricycle na ang dumaan at halos lahat puno ito ng mga high school student. Pumara ako ng may nakita akong tricycle na kulang nalang ng isa ang laman. Nakarating na ako ng school nang sinalubong ako ng isa sa mga classmate ko. “Good morning, Maven! Totoo ba ang balita na nandito raw ang bunsong anak ng mga Hidalgo?” siya si Ariana. Ang maganda at matalino sa section namin. Siya palagi ang kinukuhang panlaban sa mga beauty contest. Matangkad ito sa akin, matangos ang ilong, maliit ang mukha, maganda ang kulay blue niyang mga mata, at halos magpink na ito sa sobrang puti. Half Filipino at half American kasi ito. “Good morning, Ariana! Oo, nung isang araw ay umuwi siya rito.” Nakakagulat naman at kinakausap niya ako ngayon. Sa loob ng classroom ay halos hindi nga ako nito tingnan. Mag- isa lang siya ngayon, wala ang dalawang kaibigan niya. Actually, I don’t like her attitude. Masyadong mayabang. Paano ba naman kasi, punong barangay ang lolo kaya medyo matapang. “You should invite us to your house. Mag group study tayo,” Pinakita nito ang kanyang ngiti kaya lumabas ang pantay na pantay at mapuput nitong mga ngipin. Pinigilan ko ang sarili kong tumaas ang kilay. Aba? Ngayon gusto niyang mag group study kami? Gusto na naman nitong madikit sa mga Hidalgo. “Hindi kasi ako pwedeng mag- imbita ng mga bisita dahil wala naman kaming sariling bahay ni nanay. Pwede naman tayong mag group study sa library. Mas maganda doon dahil mas makakapagfocus tayo.” Nawala ang ngiti nito. “No, thanks.” She flipped her hair and walk away. Nang makarating na ako sa classroom ay dumating na rin ang instructor namin. Nagsusulat ako ng mga notes hanggang matapos ang klase namin. Nag- aabang na ako ngayon ng tricycle pauwi ng bahay. Nakatayo ako sa labas ng gate at nakatingin sa mga dumadaan. Kaunti lang ang mayroong sasakyan dito sa lugar namin. Mostly ay mga tricycle ang gamit. Sa hindi kalayuan ay nakita ko sina Ariana at kasama na nito ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan pa silang tatlo. May humintong sasakyan sa harapan ko. Sa tagal ko na sa mga Hidalgo ay alam ko kilala ko na ang mga sasakyan nila. At hindi nga ako nagkamali dahil nang bumaba ang bintana ay si sir John Wayne ang bumungad sa akin. “Hi, Gracia! Get inside,” napatingin ako sa grupo nila Ariana at papalapit na ito sa akin. Sa takot kong makita niya si sir John Wayne ay mabilis kong binuksan ang pintuan sa backseat tuloy- tuloy na pumasok doon. Sinara ko agad ang pinto. “I look like your driver, sweetie.” Natatawang sambit ni sir John Wayne habang nililingon ako. Good thing nasara na nito ang bintana bago pa nakalapit sina Ariana sa sasakyan niya. “Hala, sorry po, sir! Gusto n’yo po bang d’yan ako umupo?” I was about to open the door when he stopped me. “No, it's okay. Stay there,” pigil nito sa akin at pinaandar na ang sasakyan. “Saan po kayo pupunta, sir? Bakit napadaan po kayo sa school?” inayos ko ang aking backpack at nilagay sa kandungan ko. “May pinuntahan lang ako. Naalala ko rin na nasa school ka pala kaya dumaan na lang din ako para makatipid ka ng pamasahe mo.” Ilang beses na akong nakasakay sa sasakyan ng mga Hidalgo. Ganito rin ang mga kuya nito sa akin. Sinasabay nila ako minsan kapag nakita nila ako. “Katulad ka rin po nung dalawang kuya mo, sir. Mababait tsaka palagi rin akong sinasabay ng mga 'yon,” Akala ko ay matutuwa siya sa sinabi ko. He is looking at the rearview mirror. Kaya nakikita ko kung paano kumunot ang noo nito. “f**k, why am I f*****g jealous with my own brother.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD