CHAPTER 63 “This is Airon. Please come to the hospital, asap.” nang marinig ko 'yon ay kinabahan agad ako. “B- bakit? Anong nangyari? Nasaan si John Wayne? Ang anak ko? Kumusta sila? Bakit ikaw ang may hawak ng telepono?” naglakad ako papunta sa pinto at handa ng lumabas ng kwarto. Hindi ba sila makakauwi? Bakit nasa hospital sila? “Calm down, my men will bring you here.” pinatay na agad nito ang tawag kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita pa. Sinubukan ko itong tawagang muli pero nakapatay na ang telepono. Dali- dali akong bumaba ng hagdan upang lumabas ng bahay. Ingat na ingat ako at baka magising ang buntis sa ginawa kong paglabas. Patay na ang ilaw sa baba kaya ginamit ko lang ang aking cellphone para may ilaw ako. Dahan- dahan akong naglakad papunta sa main do

