CHAPTER 64 “Shane is the daughter of your mother, Gracia.” Ibig sabihin. . . Kung anak siya ni nanay. . . Ibig sabihin magkapatid kaming dalawa? Kapatid ko si Shane? Kung magkapatid kaming dalawa bakit galit na galit siya sa akin? Kung anak siya ni nanay. Ibig sabihin magka- iba kami ng nanay? Sino ba ang mas matanda sa aming dalawa? Magka edad lang ba kami? “Kapatid ko si Shane? Paano nangyari 'yon? Paano ko siya naging kapatid? Sino ang tatay niya kung ganoon?” May una bang naging asawa si nanay bago naging sila ni tatay? “Hindi kayo magkapatid ni Shane. Ang hirap ipaliwanag, Gracia. Kasi alam kong wala ako sa posisyon upang sabihin sa 'yo 'to.” mas lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi. Kung hindi ko siya kapatid. Ibig sabihin. . . Ibig sabihin ba nun hindi ako tunay na anak ni n

