Nagising ako sa sunod-sunod ngunit marahang pagtapik ni Yael sa aking balikat. Nang maalimpungatan. Hindi sa kaniya dumiretso ang tingin ko kung hindi sa loob ng bus. Mangilan-ngilan na lang ang pasahero sa loob. Pababa na rin ang mga 'yon. Inaayos lang ang mga bagahe na dala nila. "Nandito na tayo. Isang sakay na lang ng tricycle nasa bahay na tayo," anito. Tumayo na si Yael para abutin ang mga bag namin. Bukod sa cross body bag at mga paper bag na may lamang regalo para sa kapatid at mga magulang nito ay wala na akong ibang dala. And despite his hands being busy with our luggages. Nakahanap pa rin ng paraan si Yael para maalalayan ako sa pagbaba ng tricycle. Nasa bayan ang terminal. Pagtawid ng kalsada ay may malaking bakery na pinipilahan ng mga tao. Para itong blockbuster. "Pabor

