Dalawang walang laman na kaing ang dala-dala ni Tita Meredith galing sa dirty kitchen. Doon siguro ilalagay ang mga niyog na kailangan niya para sa darating na pasko at new year. "Inez, magpalit ka ng mas mahabang pambaba hija. Baka kagatin ng insekto ang mga binti mo roon sa niyugan," ani Tita Meredith. Agad akong tumalima sa suhestyon nito at pumasok sa kuwartong gamit namin ni Yael. Dito sa loob makikita kung gaano kalala ang cold war namin ngayon. Kapag na kaharap kaming dalawa sa pamilya niya. Umaakto kaming okay at nag-uusap pero pagdating sa kuwarto. Ni hindi nga namin magawang tingnan ang isa't isa. Hindi rin kami nagtatabi. Ayaw ko kasi siyang makatabi. Sinabi ko sa kaniya na hangga't hindi niya sinasabi sa akin kung ano ba iyong tanginang sikreto na 'yon ay kailangan mayroon

