Isasara ko na dapat ang kotse ni Elio nang may pumasok sa isip ko. Yumuko ako para talagang tama at pantay ang mata naming dalawa, "Anong gagawin mo kapag tinawagan ka ni Elisabeth ngayon at gusto niyang makipagkita?" "Wala na akong gagawin..." "Good. That's good. Buti na lang natauhan ka---." "Kung hindi ang magmaneho agad kung nasaan man siya ngayon," he cut me off to add those to his first answer. Tiim bagang na binagsak ko ang pinto at padabog na lumayo sa kaniya. "Inez Agustin!" Hawak ko na ang gate at itutulak na lang yon pabukas para makapasok. "Ma-e-experience mo rin din ito. Kayo ni Rizza... magmamahal din kayo ng sobra. Iyong pipigain mo pa ng sobra ang sarili mo para lang may maibigay ka pa." Hindi na ako humarap sa kaniya. Tinaas ko na lang ang aking kamay sabag kaway r

