Malapit na yata akong maging certified na stalker. Kahit sa celebrity crush. Hindi ko na-imagine na susundan ko sila ng pasikreto para lang malaman ko ang routine nila at makagawa ako ng paraan para 'aksidenteng' magtagpo ang mga landas namin. But here I am trying to tail Yael. Nakakawala ng ganda 'tong ginagawa ko at parang nakakaba ng worth bilang isang binibini. Tuwing tapos ng klase. Dumidiretso siya sa covered court ng university para sa practice ng team. Marami-rami ring estudyante ang tumatambay sa court para panuorin silang magpractice. Pumapayag kasi ang coach maliban na lang kung naghahanda sila para sa league o championship. Hindi sila nagpapasok ng hindi kasali sa basketball at cheerleading squad kapag ganoon. Weird kapag bigla na lang akong nagpakita roon at tumambay nang

