Una kong pinuntahan ang freezer pagkababa galing sa kuwarto. Kakatapos ko lang mag-search ng sandwich recipe at titingnan ko kung mayroon ba kaming available na ingredients para sa Croque Madames. This sandwich is a combo of egg yolk, salty ham, and toasty sourdough. Nang nakasama naming kumain si Yael nung nakaraan. Napansin ko na mahilig siya sa karne. At ang recipe ng sandwich na napili ko ang pinaka-malapit sa panlasa niya. Although of course he will eat anything. Hindi naman siya mukhang maarte pagdating sa pagkain. "Nanay?" hiyaw ko para tawagin ang atensyon ng Mayordoma nitong bahay. Kung mayroon mang higit na nakaalam ng mga pinaglalagyan ng mga bagay-bagay at supply na mayroon kami sa bahay. Si Nanay Rita 'yon. "Nanay mayroon ba tayong nutmeg at dijon mustard? Saan po nakala

