No matter how hard I tried. My eyes won't stay still. Namamangha ako sa linis at pagiging organize ng mga gamit ni Yael kahit na maliit lang ang tinutuluyan nito. Isang puting cubby shelf na may mga libro at kung ano-anong abu-bot na hindi naman makalat tingnan ang nagsisilbing partition sa pagitan ng kama niya at two-seater na sofa kung saan ako nakaupo. Ang tagal-tagal naman ni Sean. Tumitindi na ang awkwardness sa hangin. Kaonti na lang at hindi ko na kakayanin. "I-Iyong paperbag galing sa mercury. May mga gamot doon na binili si Sean. Inumin mo... p-pero kumain ka na muna. May pagkain ka ba?" I asked, my voice is trembling so bad. It's impossible that he did not notice it. Pinatong ko na lang din ang food bag sa puting lamesa sa harap ng couch niya. "M-May dalawang sandwich sa l

