I hate formal parties specially when all the people invited are socialites. Iyong mga ganoong klase ng party ang pinaka-boring para sa akin. Nung nabanggit ni Mama na invited din ang mga Silva sa birthday ni Tita Margery ay saka pa lang ako nagkaroon ng sobra-sobrang interes doon sa party. All of a sudden, I am looking forward to the said night. I can't wait to see Yael on his natural skin–high end suits, expensive shoes and sparkling wrist watch. Kaya naman pala pa-mysterious ang lalaking yon. Bigatin din naman pala kasi at may karapatan na mag-inarte. "Ang aga mo namang pinapapapunta ang make-up artist niyo ni Tita," komento ni Kuya Veno. Narinig niya yata ang pag-uusap namin ni Mama sa may patio. "At ikaw pa talaga ang nagmamadali ngayon. Are you eyeing one of the Acosta's heir?"

