Labag sa kaloobang minulat ko ang mga mata. Ilang beses ko nang naramdaman ang pagtapik ni Rizza sa balikat ko. Mayroon din 'tong mahinang sinasabi sa akin. Dahil nga hindi bumabalik ang diwa sa aking katawan. Ang ingay na galing dito ay hindi ko maintindihan. Basta para siyang lamok na may binubulong sa akin. Natulala ako rito. Tinuro niya yung bedside table. "Nag-alarm ka ba? Kanina pa yang cellphone mo. Patayin mo na," anito sa inaantok na tinig. I reach for my phone. Hindi para sa alarm ang sound na 'yon. Mas lalong hindi ako nag-aalarm. Ano pang sense ng pag-aalarm kung hindi naman ako kayang gisingin non? The only way to wake up my sleeping soul is by shaking the life out of me every morning. Ang mayordoma lang sa bahay namin ang may kapangyarihan na gawin yon. "Mama." Nakita k

