Pakiramdam ko ay sinusunog ng tingin ni Devon ang balat ko. Kahit nakaupo na kami sa magkakaibang mesa, kahit kausap niya ang ibang business partners na nagtatawanan habang humihithit ng mamahaling tabako, ang mga mata niya ay laging bumabalik sa akin. Hindi ito ‘yung tingin ng paghanga. Ito ‘yung tingin ng isang taong nakakita ng multo at pilit na inaalam kung totoo ba ang nakikita niya o nababaliw na siya. It was suffocating, yet twistedly satisfying. Dati, kailangan ko pang mag-tumbling, magluto ng five-course meal, at magsuot ng lingerie para lang tapunan niya ako ng tingin. Dati, ako ang invisible sa kwarto. Ngayon? Ako ang sentro ng buhay niya. Sumimsim ako ng red wine, hinahayaan ang pait at tamis na gumuhit sa lalamunan ko. Sa peripheral vision ko, nakita ko ang reaksyon ni Cel

