Pagpasok ko sa VIP room, agad na sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ng mamahaling steak, truffle butter, at aged red wine. The room was dimly lit, intimate, designed for secrets and illicit deals. Masyadong malaki ang mesa para sa aming dalawa, pero sadya kong pinili ang upuan sa tapat niya. Gusto kong makita ang bawat pagkurap, bawat pag-aalinlangan sa mukha niya. Devon was already there. Naka-upo, nilalaro ang stem ng kanyang wine glass. He looked dashing in his navy blue suit, pero kung titignan mong mabuti, makikita ang mga bitak sa kanyang perpektong maskara. He was fidgeting with his cufflinks, a nervous tic he’s had since college whenever he was about to take a difficult exam. "Lau," bati niya, tumayo agad para ipaghila ako ng upuan. Gentleman. Ang galing niyang magpanggap.

