Chapter 1
Paglabas pa lamang ng University ay nakita ko na siyang nakaabang sa labas ng gate habang bitbit ang bag at hawak ang cellphone na mukang may kausap
"Kanina ka pa?" tanong ko. Ibinulsa niya ang cellphone bago ako tulungan na bitbitin ang mga hawak kong libro
"Hindi naman tara na"
Naupo na ako sa driver seat habang siya ay nasa passenger seat
"Kumusta ang grades mo?" tanong ko dito
"Ayon,"
"Anong ayon?"
"Parang walang nangyayare"
"Sabi ko sayo i-review mo lahat ng ginawa ko"
"Naitapon kase ni nanay eh" napapakamot sa ulong sambit pa niya
"Hayaan mo gagawa na lang ako ulet"
"Hindi na baka mamaya nakakaabala pa ako sayo"
"Hindi yan wala din naman akong gagawin mamaya eh"
Sinilip ko siya sandale at nakangiti ito ng malapad habang nakatingin ng diretso
"Napakabait ng girlfriend ko pakiramdam ko tuloy hindi mo ako deserve" mahina pa itong tumawa
"Ano ka ba,"
"Alam mo minsan napapaisip na lang ako marami namang iba diyan na mayaman, may kotse, mga tagapagmana at mga mas gwapo pa saken. Nakakapagtaka lang kung bakit nagustuhan mo ako"
Napabuntong hininga ako at ngumiti
"Wala akong pakealam sa yaman nila kahit pa tagapagmana sila ng buong mundo. Sigeh sabihin nating mayaman nga may naiaambag ba sila sa lipunan? mayayaman nga mayayabang naman. Mga gwapo nga wala namang manner. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo"
"Kahit na, maganda ka at mayaman baka nga mamaya kapag iniharap mo ako sa mga magulang mo ipagtabuyan lang nila ako"
Hindi naman sila ganon kahirap maganda rin ang estado nila sa buhay at masasabi kong may itura din siya
"Don't compared yourself to others. Dahil kahit kailan hindi ka nila mapapantayan lalo na at ikaw ang una kong minahal"
"Salamat babe"
"Okay lang yan"
Inihatid ko siya sa bahay nila at bago bumaba ay hinalikan pa niya ako sa pisnge na nakapagpangiti saakin
"Maagang matulog. I love you" tinanguan ko naman siya at tinapik pa ang balikat niya
"Onting tiis na lang gagraduate na tayo" bulong niya na hinalikan ang nuo ko
"Oo nga onting tiis na lamang"
"Sigeh na bababa na ako ingat sa pagmamaneho pauwe"
Tinanggal niya ang seatbelt at binuksan na ang pinto pero bago pa man siya makababa ng tuluyan ay hinawakan ko siya sa braso
"Bakit?" nakangiting tanong niya
Humarap siyang muli saakin at isinarado ang pintuan. Kaagad kong hinila ang necktie niya at hinalikan siya sa labi napapikit na lamang ako dahil sa bilis ng t***k ng puso ko hanggang sa naramdaman ko ang isang braso niya na pumulupot sa bewang ko at ang isa ay nakahawak sa kamay kong nasa necktie niya
Humigpit ang pagkakahawak ko sa necktie ng magsimula ng gumalaw ang mga labi niya
Mga halik na tila nakakawala sa sarili. Mga halik na patuloy na nagbibigay ng kilig saakin. Mga halik na lagi kong hinahanap sa tuwing wala siya sa tabi ko
He's so gentle on how the way he kiss. It was passionately. Nang maramdaman kong nag-iinit na ang buong katawan ko ay ako na ang kusang bumitaw dito
Tinignan ko siya sa mga mata na nakikiusap umiling ako dito at binitawan na ang necktie niya pero hindi niya pa rin inaalis ang isang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Ulti mong paghinga niya ng malalim ay nararamdaman ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa
"Sigeh na bukas na lang ulet, good night" tumango naman siya sa sinabi ko at muli akong hinalikan
"Good night"