Lanea 3

1825 Words
SA LANEA Pagkalipas ng labing walong taon sa Lanea. Mag-isang nakaupo sa hardin ng palasyo si Prinsipe Calil habang hawak ang isang puting bulaklak. Napakalalim ng kaniyang iniisip na hind man lang niya napansin ang Amang Hari na nasa kaniyang likod. Napukaw lamang ang kaniyang atensyon nang hawakan siya ng Hari sa balikat. "Himala na nandito ka ngayon Calil? Wala ka bang gagawin sa kampo? Walang pagsasanay ang mga sundalo?" umupo ang hari sa tabi ng anak. "Wala po Ama, lahat ng mga sundalo maliban sa ilan na gustong manatili ay aking pinauwi sa kanilang mga tahanan para lamang sa araw na ito" sa paglipas ng panahon ay labis na naging masunurin na anak si Prinsipe Calil. Hindi siya katulad ng ibang mga kabataan na makikita mo lamang sa tabi ng lansangan ng Lanea na walang ibang ginagawa. Sa batang edad ay kakikitaan na siya nang kahustuhan ng edad. "Karamihan sa mga pamilya na nasa Lanea ay inaalala ang araw na ito, ganoon din ang ginagawa ko" mahinang sabi ni Prinsipe Calil habang nakatingala sa kalangitan, "Maging si Ave at Biel ay pinili na manatili sa Misa upang alalahanin ang mga mahal nila sa buhay, kayo lang ni Ina ang mukhang hindi" Napatitig ang Hari sa kaniyang anak. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi. At ang pilit na pagkalimot sa gabing iyon. Sa gabing nawala si Prinsipe Cain. "Kayo lang ni Ina ang tila ba ayaw ng makaalala kay Cain, nakakalungkot isipin" tumayo si Prinsipe Calil at bahagyang yumukod sa Ama, "Ako po'y aalis na mahal na hari, magandang araw" Naiwan na nakayuko ang Amang Hari sa napakagandang hardin. Sa kabilang panig ng Lanea "Woooooo! Ahahaha! Elias! Mauunahan na kita!" sigaw ng binata na ngayon ay nakasabit sa mga baging. Para siyang sanay na sanay na sa ginagawa. "Ikaw ang magbabayad ng hapunan!" "Haha! Hindi ngayon Argos!" sigaw naman ng isang binata, na ngayon ay nakakahabol na. Sina Elias at Argos. Matalik na magkaibigan simula pa nang pagkabata nila. Mga dayo sa bayan nang Lanea. Galing sa karatig bayan na Umber kung saan wala ring gaanong mapagkakakitaan ngunit hindi tulad nang Kismel, payapang namumuhay ang mga taga Umber. Tumatanggap sila ng mga rasyon mula sa Lanea at kung minsan ang Lanea naman sa Umber. Maganda ang relasyon na namamagitan sa Lanea at Umber kaya malayang nakakapasok ang bawat mamamayan sa bawat bayan. Isang baging na lang! Bulong ni Argos sa isip niya. Isang baging na lang at libre na ang hapunan niya. Ngunit bigla na lamang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso na nagdahilan upang hindi niya mahawakan ang isang baging. Tila ba sa isang iglap ay may nakita siyang imahe ng isang babae. Ang sunod na niyang nalaman ay nasa lupa na siya at tila ba mauubusan ng hininga. Pero dinig na dinig pa niya ang palapit na pagtawa ni Elias. "Haha! Sinabi ko naman sa'yo! Ikaw naman ang taya ngayon!" sandaling tinitigan ni Elias ang hindi sumasagot na si Argos. "Argos? Ayos ka lang?" tanong niya habang itinatayo ang kaibigan "Hindi mo ako madadala sa mga arte mo, ikaw na ang magbabayad nang hapunan ngayon" pinagpag ni Elias ang likuran ni Argos "Hoy, ayos ka lang ba talaga?" Wala sa sarili na napatango si Argos. "May naalala lang ako, pero ayos lang ako" pilit na ngumiti si Argos pero halata pa rin na may iniisip ang binata. Sino kaya ang babaeng iyon? SA MUNDO NI ALENA ALENA Ang sakit nang ulo ko. Para akong mahihilo kapag idinilat ko ang mga mata ko pero ginawa ko pa rin. Nakakasilaw. Napakaliwanag nang paligid. Itinaas ko ang mga kamay ko nang kahit paano ay ma-i-adjust ko ang paningin ko. Ospital? Nasa ospital ako? Paano? Napasandal ako sa kamang hinihigaan ko ng maalala ang mga nangyari. Oo, tama! Nandoon ako sa lumang bahay sa may bakanteng lote! Pero ano nga bang ginagawa ko doon? Asul at berdeng mata. Napatakip ang kanang kamay ko sa aking bibig, parang umikot na naman ang aking paningin. Totoo ba’ng nangyari ang mga iyon? No, hindi pwede, bunga lang iyon ng imagination ko. "Alena?" napatingin ako sa pintuan, bakas sa mukha ni Jasmine ang pag-aalala, mabilis siyang lumapit sa'kin at niyakap ako, "Ano ka ba!? Ano bang ginagawa mo sa tabi nang daan? Ha? Bakit dun ka natutulog!? Sana sinabi mo para naman--" "Ano? Tabi nang daan?" takang tanong ko sa kaniya, wala ako sa tabi ng daan. Sigurado akong nasa loob ako nang bahay sa may bakanteng lote "Anong sinasabi mo? Nasa loob ako ng bahay sa bakanteng lote" Hindi ko na nasabi pa ang mga susunod pa na salita ng pumasok ang doktor kasunod si Ma’am Apple at Aleng Aida. Agad na lumapit ang doktor at tiningnan ang mga mata ko, kung may galos ba ako, sugat at pasa. Na syempre meron dahil sa p*******t ni Tiyang. "Doc, check niyo nga rin po 'yung utak niya, parang naalog ata" hindi ko alam kung nagbibiro ba si Jasmine o seryoso siya, "Sabi niya pagkagising niya, nasa loob daw siya ng isang bahay sa may bakanteng lote, wala naman pong bahay doon" doon ako napatingin sa kaniya. Anong wala? Meron! Nandoon lang ako kagabi! "Posibleng hallucinations ang nangyari sa pasyente, base sa mga exam, she is physically weak at hindi nakakakain ng tama kaya naman she passed out" napailing naman si Ma’am Apple. "Sobra na talaga 'yang madrasta mo Alena, bakit ba siya pinakisamahan pa ng tatay mo?" galit na sabi ni Aleng Aida. Huminga ako ng malalim upang masabi ang isa pang rebelasyon sa pagkatao ko. "H-hindi ko po tunay na tatay si Tatay Denis" walang kahit isang nagsalita ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang gulat. "Noong bata pa po ako palaging sinasabi ni Tiyang na ibalik na ako sa mga tunay kong magulang pero ayaw pumayag ni Tatay Denis, akala ko po noon tatay ko talaga siya hanggang sa parehas silang nalasing ni Tiyang, sinabi ni Tatay na hindi talaga niya ako anak at si Tiyang talaga ang asawa niya, sinubukan ko pong pilitin si Tatay na sabihin na nagbibiro lang sila, pero.... inamin niya po na kinuha niya lang ako sa ospital na pinagtatrabahuhan niya noon" Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ma’am Apple kasabay ng kaniyang pag-iyak. Maging si Aleng Aida ay walang ibang masabi. Si Jasmine naman nakatingin lang sa'kin. "Patawad Alena, pero kailangan na masampahan nang kaso ang Tiyang mo laban sa p*******t sa'yo, at simula ngayon, sa amin ka na titira" maawtoridad na sabi niya. Ilang sandali pa ay lumabas na sila para sa mga test result ko. Naiwan kaming dalawa ni Jasmine, kanina pa ako nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. "Jasmine" tawag ko sa kaniya, lumapit naman siya sa'kin at umupo sa tabi ko, "Alam kong iniisip mo na baka nabaliw na ako dahil sa gutom pero maniwala ka, may bahay talaga sa bakanteng lote!" nagtaas siya ng kilay "Oo nga, baka baliw na ako pero mas mababaliw ako kung hindi ko sasabihin ito sa'yo! At.. at alam mo ba kung sino ang nasa loob ng bahay?" Hindi ko na siya inantay na makasagot. "Si Ave!" Syempre kilala niya si Ave. Isa sa mga karakter na binuo ko kasama ang Lanea. Pinaka malakas at pinaka matandang salamangkera. "Alena naman, tama na iyan" tila ba naiiyak na sabi niya, "Alam namin na mahirap ang pinagdaanan mo sa Madrasta mo, pero hindi mo naman kailangan na gawin ito, hindi mo kailangang magpanggap" ako naman ang napailing. "No Jas, hindi ako nagpapanggap at lalong hindi ako baliw! She's here! She's true! Kagaya kung paano ko siya ginawa! Asul at berdeng mga mata!" I said habang hawak siya sa balikat. "Alena..." "Kumusta na ang pakiramdam mo?" napalingon kami sa nurse na pumasok sa loob ng kwarto ko, ini-lock niya pa ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumihit at tumingin samin. I gasp in an instant! Siya na naman! "A-ave" bahagya siyang yumukod tila ba pagbibigay galang. "Ang inyong lingkod, Mahal na Alena" at naramdaman ko na lang na napahiga si Jasmine sa tabi ko, "Kakatwa kayong mga tao, nawawalan ba talaga kayo ng malay kapag nakakakita ng salamangkera?" "Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ni Ma’am Apple at Aleng Aida!" tarantang inayos ko sa pagkakahiga si Jasmine. "At maaari bang gawin mong kulay lupa ang mata mo? Hindi normal sa mundo ko ang kulay ng mga mata mo" Napuno ng pagtataka ang kaniyang magandang mukha. Sabay naalala ko, hindi ito normal. Walang normal sa mga nangyayari ngayon. "Ngunit ako'y iyong nilikha na may ganitong kulay ng mga mata, ano't nais mong baguhin ko ito?" nagpaikot-ikot pa siya sa harapan ko. "Ganyan ang kulay nang mga mata mo dahil 'yan ang paborito kong kulay, pero hindi iyan normal sa mata nang ibang tao.. Ah! Basta! Baguhin mo na lang para sa kaligtasan natin" at wala pang limang segundo, kulay brown na ang mga mata niya. Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siya. Mukha talaga siyang totoo. Paano nangyari iyon? "Paanong naging totoo ka? Panaginip ba ito?" tanong ko sa kaniya. Umupo siya sa tapat ko at tinitigan ako ng mabuti. "Kailan ba ako magigising?" "Hindi ito isang panaginip Alena, ako ay totoo, ang Lanea ay totoo" napatango ako, mukhang mababaliw na nga ata ako, "Katulad ka ng aking iniisip tuwing nasa bundok Misa ako, maganda, may mabuting puso, may--" "T-teka, iniisip mo ako? Paano mo naman nalaman na totoo ako?" humalukipip siya saka sumandal sa upuan. "Palagi kang iniisip nang mga tao sa Lanea, ikaw ang aming tagalikha, palagi kaming nagpapasalamat sa iyo, nag-aalay ng mga pagkain" paliwanag niya, "Dito sa puso ko, alam ko na totoo ka, alam ko na nabubuhay ka, at eto na nga, pinagtagpo ng Lanea ang ating landas" wala akong maintindihan sa kaniyang sinasabi. "Noon iniisip ko na, sino bang lumikha ng Lanea? Saan kami nanggaling? Pero lahat iyon nasagot ng mapadayo ako sa lugar na ito, ang aking mahika ang nagdala sa'kin sa'yo, at una pa lang kitang makita, alam ko na ikaw nga ang lumikha, dahil na rin dito" itinaas niya ang isang lumang notebook. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, paanong? Nasa bag ko 'yan ah! Ang notebook kung saan ko isinusulat ang Lanea! "Paanong?" "Maniwala ka man sa hindi Alena, ako ang kadugtong ng buhay mo sa Lanea, ikaw ang nagbibigay ng kapangyarihan sa'kin, mas malakas sa kahit na sinong salamangkero sa Lanea, Kismel, Umber, ikaw Alena" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Gusto kong bigla na lang gumulong sa kakatawa pero hindi ko magawa. "Alena... Kailangan ka ng Lanea" Shit. Parang mahihimatay na naman ata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD