Inabot ni Amadeus kay Esmeralda ang purple na invitation habang nakahiga siya sa hita nito. Nakaupo ang binata sa buhangin ng Costa Aurora. Naroon kasi ang isa sa mga investors na interesado sa RTW ng women’s and children’s clothes na tatahiin ng mga kababaihan ng San Luis. Dalawang buwan kasi mula nang magsimula sila ng operasyon at sila ni Cynthia Lyn ang namamahala. Magkasalubong ang kilay na binuksan ng babae ang imbitasyon. “Ikakasal na sina Aiden at Lexie?” “Yes. Magiging uncle na daw ako. Would you believe that bloke of ice will be the mother of my niece or nephew? Hindi ko alam na mahilig sa human robot si Aiden...” Tinapik niya ito ng invitation sa mukha. “Hindi maganda ang lumalabas sa bibig mo. Magiging parte na siya ng pamilya mo.” “Sorry.” Kinintalan siya ng binata ng hali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


