Nakita ni Esmeralda. ang pagkagimbal sa mukha ni Amadeus. “Nandito si Aiden?” “Opo. Siya daw po ang maghahatid sa amin ni Ate sa Maynila at doon kami tutuloy sa condo niya,” sagot ni Jeremy. Kasunod ng kapatid niya si Aiden. Tuloy-tuloy itong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. “Hello. You are looking good.” “Kumusta ang biyahe mo?” tanong niya sa lalaki pero tensiyonado siya dahil naramdaman niya ang negatibong enerhiya na nagmumula kay Amadeus sa tabi niya. “I am great. Mahaba ang biyahe pero worth it naman ang view.” Tinapik nito sa balikat si Jeremy. “Halika na sa loob. Mag-empake ka na. May importante lang kaming pag-uusapan ng ate mo.” Tinanguan niya ang lalaki at pumasok sila sa gate. Sa garden naka-set ang miryenda para sa lalaki dahil malamig sa ilalim ng puno ng aca

