Chapter 21

2405 Words

NAG-INAT si Esmeralda dahil masakit pa ang likod niya matapos ang halos magdamag na papanahi pero may ngiti sa labi niya. Marami kasi siyang natapos na tahiin at ide-deliver na lang. Maluwag na ang oras niya ngayon. Hindi lang sina Cynthia Lyn at Luvelyn ang nakakatulong niya sa pag-aalaga kay Jeremy. Gabi-gabi ay pumupunta si Amadeus sa bahay para lang turuan si Jeremy. Mas tumaas na rin ang kompiyansa ng kapatid niya dahil dito. Hindi niya maramdaman na may sakit si Jeremy. Masigla ito at puno ng pangarap. Dumungaw siya sa bintana ng kuwarto niya. Di lang rosal ang tanim doon kundi may rosas na rin at mga cosmos. Namumulaklak na ang cosmos. Tanim iyon ni Amadeus para daw mapangiti siya paggising niya sa umaga. Mag-iisang buwan na si Amadeus sa San Luis pero parang wala pa rin itong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD