“ANG GANDA-GANDA nitong bestida ko. Salamat, Esmie. Sa wakas naman natahi mo na. Isang taon na itong nakatambak sa iyo.” Nangiti na lang si Esmeralda habang pinagmamasdan ang kaibigang si Cynthia Lyn na iwinawasiwas ang palda ng bulaklaking dress nito. May bitbit pa itong basket sa isang kamay na naglalaman ng mga turon na pangmiryenda nila sa mga tumutulong sa pag-aayos sa bahay ni Nana Ising. “Ni hindi mo man lang nilabhan muna bago mo isinuot,” sabi niya. “Dapat nga kahapon ko pa ito isinuot kung natapos mo agad. Natalo lang talaga ako ni Jeremy dahil inuna mo ang damit niya.” Ganadong manahi ang dalaga dahil sa bagong makina. Lahat ng tinabas niyang tela na patahi sa kanya nang nakaraang buwan ay pwede na niyang tahiin sa wakas. Kakaibang sigla ang naramdaman niya nang makapanahi

