HINDI mapakali si Esmeralda habang nakahiga at nakatitig sa kisame. Panatag na ang paghinga ni Jeremy sa tabi niya at naghihilik naman si Cynthia Lyn sa kabilang kama. Napagod ang mga ito sa pagsu-surfing at paglulunoy sa dagat. Kundi pa niya ipatawag ang nurse para i-check ang kondisyon ni Jeremy ay di pa ito aahon sa tubig. Pinangakuan lang ito ni Amadeus na mamamangka bukas ng umaga kaya ito pumayag na magbanlaw at bago pa makakain ng hapunan ay nakatulog na sa pagod. Pagod din naman si Esmeralda pero di pa rin siya pinapatulog ng utak niya. Bumabaha ang idea ng disenyo ng mga damit at nangangati na ang mga daliri niya na iguhit iyon. Sa huli ay bumangon siya at kinuha ang drawing pad niya na naglalaman ng mga sketch niya ng mga damit. Dahil ayaw niyang buksan ang ilaw at bulabugin ang

