Nang matiyak na mahimbing si Jeremy ay iniwan ito ni Esmeralda. Tahimik na ang paligid at sarado na ang mga ilaw. Tanging tanglaw lang ay ang gasera na hawak niya. Tiyak ang lakad niya patungo sa isang kuwarto malapit sa sala. Napansin niya na may ilaw pa ang ilalim niyon. Ibig sabihin ay gising pa ang tumutuloy doon. Kinatok niya ang pinto. Di nagtagal ay pinagbuksan siya ni Richard. “Nagising ba kita?” tanong niya dito. “Hindi. I was just about to sleep.” “Pwede ba tayong mag-usap? ” Pinagbuksan siya nito ng pinto. “Sige.” Pumasok siya sa kuwarto nito, isinara ang pinto at humalukipkip. Sinandalan niya ang pinto at pinagmasdan lang ito. “Maupo ka muna.” At inilahad nito ang palad sa direksyon ng katre nito. “Hindi na. Di rin naman ako magtatagal. Kung pwede sana huwag kang mangangak

