NANGINGINIG ang buong katawan ni Esmeralda nang makalabas ng elevator. Binilisan niya ang paglakad. Gusto niyang makaalis na sa hotel na iyon. Pakiramdam niya ay sinasakal siya. “Hja, saan ka pupunta?” tanong ni Florida sa kanya. “Uuwi na po ako,” sagot niya at di ito nilingon. “Kay Aiden ba?” Tumango siya. “Kung tatanggapin pa po niya ako.” Lumunok siya at gustong maiyak nang maisip ang naghihintay sa kanya sa pagdating sa condo. “Ihahatid na kita.” “Hindi na po. Pero kung matutulungan po sana ninyo akong makasakay ng taxi at pan-taxi na rin po. W-Wala po kasi akong dalang pera dito.” Wala na siyang pride na natitira. Ang mahalaga ay makalayo siya kay Amadeus. Hinawakan ng matandang babae ang balikat niya. “Please. Kung ayaw mo akong kausapin, okay lang. Pero para na lang ka

