"SIR, hindi po kayo pwedeng pumasok. May kausap sa conference call si Sir Amadeus..." Naantala sa pakikipag-usap sa Mindanao regional manager ng Brava Hotels si Amadeus nang marinig ang protesta ng sekretarya niya sa may pinto. Mahigpit ang bilin niya na huwag siyang abalahin lalo na’t pinaplantsa nila ang huling detalye sa ipinatatayo niyang island resort sa Palawan. He was in a good mood after last night’s party. Sa kabila ng basta na lang pag-alis nina Aiden at Esmeralda sa party ay di naman nakaapekto sa kanya. He got positive feedback from some old fashioned colleagues and investors. Mas magiging responsable na daw siya ngayong in love na. Those old croons believed that only having a family could straighten up his life and his business. They were suddenly not too harsh on him. Wa

