Malapad na ngumiti si Amadeus. Animo’y iyon lang ang salitang hinihintay nito mula sa bibib ni Esmeralda. "Alam mo kung ano ang gusto ko." Tumayo siya at hinarap ito. "Ang umurong ako sa kasal namin ni Aiden? Sige. Pumapayag ako sa gusto mo,” matapang at walang gatol niyang wika. Namamangha siya nitong pinagmasdan. "As simple as that? No arguments? No complains? This is not so you, Esmeralda." "Ganoon din naman ang mangyayari sa huli, hindi ba? Gagawin mo pa rin ang lahat para makuha ang gusto mo. Bakit magpapakahirap pa akong labanan ka?” Habang tumatagal ang laban ay mas dumadami ang nasasaktan at nadadamay. Ngayon niya higit na kailangang protektahan sina Jeremy at maging si Aiden. Isasalba niya ang kaya pa niyang isalba mula sa pagiging mapanira ni Amadeus. Isang matagumpay na ng

