Eighteen

1595 Words
Dumaan ang linggo, pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Maika. Hindi rin siya napapadaan sa unit namin ni Nash, si Felice lang. Lunes na ngayon, may pasok, pero nakatambay lang kami sa dati naming classroom. Walang ginagawa, ang iba ay pinaghahandaan ang Acquaintance party. Natapos na ang lessons para sa archery. Nakakatuwa dahil nasa Top 35 ako sa 456 students ng Tokuyu University. "Napapansin mo rin ba?" Natauhan ako nang lingunin ako ni Nash. "H-ha?" Kumunot ang noo niya. "Nakikinig ka ba? Sabi ko kako, napapansin kong malungkot si Maika." Natutop ang labi ko. "H-hindi." Nagkibit balikat siya. Parehas kaming tumahimik. Mayamaya pa ay pinanood na lang namin ang mga kaklase namin na kapwa nakikipagusap at nakikipagtawanan rin. "How I wish alukin din ako ng isang ranggo," anang isang babae. Natawa ang kausap niya. "Yes Elly, dream on." Napayuko ako. Naalala ko ang nangyari noong sabado ng gabi. Naalala ko lahat nang sinabi ni Silver. Ni hindi nga pumapasok sa kukote ko na ako ang inalok niyang kapareha. Kahapon ay hindi ko nakita ni anino niya at sumulpot siya para biglaang sabihin iyon? Kusa akong kinabahan nang maalala ang pinagusapan namin nila Nash noong nakaraan. Ano naman kayang mangyayari bukas? Ano na naman kayang palabas ang ihahain nila? "Lunch na. Tara." Tatayo na sana ako nang ayain ako ni Nash, pero napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Siguradong naroon si Maika. Ayoko muna siyang makita. Hindi muna ngayon. Hindi sa oras na makikita kong tumatawa at masaya si Felice na walang ideya na trinaydor siya ng itinuturing niyang kaibigan. Hindi ko maatim na makita. "Busog pa ako..." hilaw akong ngumiti. Kumunot lalo ang noo ni Nash. "Busog? Kumain ka man lang ba kanina? Don't fool me." "Busog talaga ako. Sige na, pumunta ka na sa canteen." Pumameywang siya sa harapan ko. "Kapag nagutom ka sumunod ka na lang, okay?" Tinanguhan ko siya. Kahit halatang hindi siya kumbinsido ay pilit siyang tumalikod at lumabas ng classroom. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang si Maika ang sumabutahe kay Felice? Lalo na't alam kong may nararamdaman siya kay Maika. Natatakot ako sa isipin na iyon. Kaya mas pinili kong umiwas, para hindi madulas. Ayokong madamay pa ang nararamdaman ng inosenteng si Nash. Naubos ang tao sa room at halos ako na lang ang natira. Sa totoo lang gutom talaga ako. Siguro mamaya na lang ako kakain. Nakagat ko ang aking labi at inuntog ang ulo sa malapad na lamesa sa harapan ko. Nagtitiis. Ibinaling ko ang mukha ko sa kabilang gilid. "Amput-" napatunghay ako. "Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot?!" Naka-ub-ob din rin si Clen sa lamesa at nakaharap sa akin, sa upuan siya ni Nash nakaupo ngayon. "Easy, baka masaktan mo ako. Be a good boy," nangaasar niya pang sinabi. Inis lang akong suminghal. "Bawal makipagusap sa inyo sa pribado 'di ba? Sinasabutahe mo ba talaga ako?!" "Shh. Calm down." Bahagya siyang tumagilid, may kinuha siya sa sahig. "Kumain ka nang marami." Inilapag niya sa lamesa ko isang paper bag. "Kumain? Teka, kanino galing 'to?" Napaturo pa ako sa paper bag. "Tatanungin mo pa ba? It's already obvious, right?" Napangiti ako. "Ofcourse from me, sino bang kaharap mo?" Napasinghal na lang ako. "Ayos 'yan, marunong ka na magbiro." "Because you are not your twin. I won't throw a joke at her. Sorry that I don't like her that much." "I see..." nasabi ko na lamang. "So my hunch is right. You are really his childhood friend. I knew it, the very first day that you enter our school naghinala na ako na hindi ikaw ang dating pangalawang ranggo. That you are her hidden twin." Paano niya nalaman... "We were childhood bestfriends. Kaya naman naikuwento ka... ni Silver." Namangha ako. "He even said that you don't want him near you. Na ayaw mo siyang maging kaibigan at tinataboy mo. Sabi ko naman paanong hindi ka itataboy? Look at yourself infront of the mirror, Dude!" Nangingiti pa siya, kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakatingin siya sa malayo. "Nakakalungkot lang na noong maging close kayo ay 'tsaka naman niya kinailangang umalis para pumasok dito." Napayuko ako nang maalala ang nangyari. "Masakit para sa kaniya ang iwan ka. Alam mo bang bago siya umalis ay hindi rin siya mahinto sa kaiiyak niya? Kahit gusto niyang sabihin sa parents niya na ayaw niyang umalis, parehas naming alam na hindi rin siya pakikinggan." Napabuntong hininga siya. "Nang makarating na kami rito ay ikaw pa rin ang inaalala niya. Kung kumusta ka na. Baka raw may umaaway sa'yo at wala siya para ipagtanggol ka." Hindi ko ang pagdaloy ng butil ng luha sa aking pisngi. "Kaya nang malaman niya na ang mangunguna sa ranggo ay magkakaroon ng access sa labas, pinagsikapan niya ang puwesto." Natawa siya ng mapait. "Mahirap mapunta sa unang ranggo. Nakikita mo ba ang isang paslit na may hawak ng kutsilyo, pana, espada at baril? Ilang sugat rin ang tinamo niya para maging unang ranggo. Para lang magkaroon siya ng pahintulot na makalabas at makita ka." Natigilan ako sa pag-iyak. Naaalala ko ang mga panahon na may nararamdaman akong sumusunod sa akin. "Awang-awa siya sa tuwing makikita ka na uuwi sa bahay niyo ng may galos. Gusto ka niyang ipagtanggol at lapitan, pero hindi puwede. Nasa batas iyon na kailangan niyang sundin bilang unang ranggo, pero ni minsan hindi niya nakuhang kaawaan ang sarili niya." "Makalipas ang isang taon, dumating ang inaakala naming ikaw. Natatandaan ko pa kung gaano kasaya si Silver ng araw na iyon. Nilapitan niya ang batang kamukha mo at kinausap. Tsaka niya nalaman na hindi pala ikaw 'yon. Kamukha at kapangalan, pero hindi ang kababata niya." Wala akong ginawa kundi ang tahimik na humagulhol. Halos hindi na ako makahinga. "N-napakasama ko..." Tuluyan na akong napahikbi. "Ang sama-sama ko..." "Frezz... It's not that I want you to feel guilty, I just want you to know how especial you are for the first rank." Noong mga panahong iyon kinalimutan ko siya, pero noong mga panahong iyon naghirap siya. Ilang minuto rin akong umiyak, 'tsaka lang umalis si Clen nang makarinig na siya ng ingay mula sa labas dahil siguradong paparating na ang mga kaklase ko. Tumayo naman ako kaagad at yumuko. Kahit napunasan ko na ang luha ko, namamaga naman ang aking mga mata. Kapag nakita ni Nash ito ay siguradong magtatanong iyon. Gusto ko sanang umatras nang makita ang tatlo na nagtatawanan at naglalakad papalapit sa akin, pero wala nasa labas na ako at nakita na nila ako. Nagtama ang paningin namin ni Maika, bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya na hindi ko alam kung totoo ba o peke lang. "Frezz?" si Felice. "W-what happened?" "Kakain lang ako sa canteen, sige mauna na ako." Naramdaman kong hinawakan ni Nash ang kamay ko na may hawak ng paper bag. "Ano 'to?" "P-pagkain..." Nanatili akong nakayuko. Alam kong hindi naman nakatingin sa mukha ko si Nash, pero si Felice alam kong kahit malayo ay nakita niya na ang namamaga kong mata. "S-sige, mauna na ako." Hahakbang na sana akong, pero napigilan ni Felice ang braso ko na nagpahinto sa akin. "Did something happened? Kung ayaw mong sabihin sa kanila, puwede namang sa akin na lang." Kahit nakatalikod ako ay alam kong pilit siyang nakangiti. "Wala 'to... Sige na." Inalis ko ang kamay niya at naglakad kung saan man ako dalhin ng paa ko. Alasdos pa lang ng hapon kaya hindi pa ako bumabalik sa dorm. Namalagi ako sa field at naupo sa bench na naroon. Ipinatong ko sa aking tabi ang paper bag. Pinanood ko abg mga estudyanteng nakakalat sa paligid na unti-unting nababawasa. Awang ang labi akong natigilan nang makita sa malayong lugar ang isang babae na nakatingin sa akin. Dahil sa layo niya ay hindi ko na maaninag ang mukha niya. Isa pa nakatayo siya sa lugar na walang kung sinong dumadaan. Ngunit kahit nasa malayo siya ay kitang-kita ko kung paano niya ako nginisian. Tatayo na sana ako para lumapit, ngunit ganoon din ito kabilis na naglaho. Nang makakain na ay nagpasiya na akong lumabas ulit kahit pa gabi na. Maingay kasi masiyado si Nash kaya ayoko muna sa unit namin. Dahil sa daldal niya baka mamaya kung ano ang maitanong niya sa akin at sa sobrang inis ko baka kung ano naman ang maisagot ko sa kaniya. Umupo ako sa swing at doon idinuyan ang sarili ko. May pahintulot na akong pumunta rito kaya kahit papaano ay buo ang loob ko. Sobrang busy siguro talaga ang unang ranggo, hindi ko na siya nakita buong araw at sigurado rin akong hindi ko siya makikita ngayong gabi. "Daddy, bakit ganoon? Hindi ko maalala itong araw na 'to?" Ipinakita ko sa kaniya ang picture frame na may basag na kaunti dahil sa pagbato ng isang weirdong bata. Hilaw na ngumiti si Daddy. Tumawa, pero sa pandinig ko ay nagmistula itong pilit. "Nakalimutan mo na kaagad? Sige na akin na iyan, kumain ka na roon." Kinuha niya ang frame at itinago sa drawer niya. Tatalikod na sana ako pero bumalik ulit ako sa harap ng lamesa ni Daddy. "Daddy... Kailan po ba ako makakapunta kila Lola? Sabi niyo makikita ko na siya ngayon?" Pilit siyang ngumiti. "May visitor kasi kanina si Daddy. Siguro sa isang buwan na lang, okay ba 'yon?" Tumango na lang ako. "Sige po." Yung picture frame. Hindi ko maalala kasi hindi pala ako iyon, pero ang hindi ko makuha ay kung bakit itinago nila sa akin si Glinnea? Bakit hindi nila sinabi sa akin? Bakit inilayo nila? Bakit pinag-aral nila rito? Gamit pa ang pangalan ko. "F-frezz?" Napatayo ako nang marinig ang boses na iyon. "Felice? Anong ginagawa mo rito?" Kumunot ang noo niya. "Hindi ba pinapunta mo ako rito?" "A-ano?" Wala akong matandaan na may sinabi akong ganoon. "Kinausap mo pa nga ako kanina, right?" "Saan? Kailan?" Hindi ko mapigilang hindi maghisterikal. "Naghahallucinate ka ba?" "No! Bago ako makauwi sa dorm, you said you'll meet me here. Kinausap mo ako, Frezz." Tumindi ang pintig ng aking puso. Kakaibang kaba ang naramdaman ko. Hindi ako iyon... Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD