Isa lang naman ang gusto kong marinig. Gusto kong marinig kung ano ang dahilan niya, pero noong panahong iyon inamin niya lang at hindi niya dinepensahan ang sarili niya. Tinuring ko na siyang kaibigan at masakit para sa akin ang ginawa niya.
Magulo. Napakagulo. Hangga't hindi niya sinasabi ang kaniyang dahilan mananatiling magulo ang lahat.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa likod ng lahat ng iyon, pero bakit nga ba hindi man lang siya nagpaliwanag para malinis ang pangalan niya?
"Dadaan daw ba sila Maika rito?" Umupo si Nash sa kaharap kong upuan.
Gusto niya si Maika. Hindi ako bulag para hindi makita iyon. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang ipaalam sa kaniya.
Tinignan ko lang siya. "Matutulog muna ako."
Kaagad akong tumayo para pumasok sa kuwarto ko. Tinawag pa ako ni Nash, pero hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.
Sabado, wala kaming pasok. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko bang magtagal dito sa unit. Siguradong tatanungin ako ni Nash. Baka papuntahin niya pa si Maika rito.
Pinilit kong matulog, pero hindi ko magawa. Hapon pa lang kasi ngayon at bukod pa roon ay marami akong iniisip.
Napabalikwas ako at kaagad na tumayo. Pagkalabas ko pa lang ay nadatnan ko na si Nash na naghuhugas ng plato.
"Saan ka pupunta?"
"Sa labas lang."
"Teka samahan na kita, malapit na akong matapos-"
"Hindi na ako na lang." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at lumabas na ako ng apartment.
Eksaktong paglabas ko ay ang paglabas din ni Maika sa unit nila. Dahil sa dalawang pinto lang ng unit ang pagitan namin ay nagkatinginan pa kami.
Kaagad siyang yumuko. "F-frezz..."
Hindi ako gumalaw at naghihintay lang sa mga dapat kong marinig mula sa kaniya, pero lumipas ang ilang minuto bigo na siyang napayuko. Wala akong ibang nagawa kundi ang lagpasan siya.
Miski ako nasaktan sa ginawa ko, pero hangga't hindi niya sinasabi kung ano ang dahilan at hangga't hindi siya nagpapaliwanag ay hindi ko muna siya kikibuin.
Nang makarating na ako sa 3rd floor ng building ay kaagad kong kinatok ang unit na may 59 na numero.
Matagal bago bumukas ang pinto. Nalaglag ang panga ko nang mapatingin sa bandang ibaba. Kaagad kong tinakpan ang aking mata.
Bakit wala siyang damit?! Naka boxers lang siya, hindi na nahiya!
"What are you doing here?" Gasgas pa ang boses niya kaya malamang bagong gising siya.
"Kailangan nating mag-usap."
"Come in."
"Magdamit ka muna," iritado kong sinabi.
Napasinghal ito. "Do I have to?"
"Gawin mo na lang, Spark."
Sa ilang segundo naming pag-uusap ay hindi ko inalis ang pagkakataklob ng kamay ko sa aking mukha. Nang tuluyan na itong sumara ay syaka ko lamang iyon tinanggal.
"Hindi na nahiya," inis akong suminghal.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto. Kahit na hindi niya ako inimbitahan sa pangalawang pagkakataon ay itinulak ko na siya para makapasok.
Tumambad kaagad sa akin ang makalat na espasyo. Imbis na punahin ay umupo na lang ako sa sofa na naroroon na may nakakalat pang balat ng kung anu-anong chips. Napansin ko rin ang canned beer sa coffee table.
Nice, pinapayagan pala ang pag-inom ng alak dito.
"Talk now, baby." Tumayo siya sa harapan ko, kaswal na magkakrus ang braso. "I have something to do, don't waste my time."
Baby? Umismid ako. "Mas importante ito, umupo ka."
Nagtaas pa siya ng kilay bago umupo sa katapat kong itim na mini sofa. "Weird, your tone became different."
Natigilan ako at pasimpleng umubo, nawawala ang concentration ko dahil sa ginawa niyang pagpuna.
"Ikaw ang pumatay sa powersource?" seryoso kong itinanong.
Ngumisi siya. "Wait. Are you really asking me? It sounds like a statement."
Hindi ko nagustuhan ang biro niya.
"Bakit mo ginawa iyon?" Hindi niya pa nasasagot ang una kong tanong ay sinundan ko na ito.
"Easy there."
"Hindi ako nakikipaglokohan. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi kami nag-tie ni Felice?!"
Nabura ang ngisi kaniyang labi. "Would it change if you question and scolded me? For Pete's sake Hennie-"
"Hindi, pero baka kapag nalaman ko ang dahilan baka sakaling mabura pa ang galit ko - sa kaibigan ko at maging sa'yo!"
Wala akong tanggap na sagot sa blangko niyang mukha. Inis akong tumayo.
"Kung ayaw mong sabihin, ako ang gagawa ng paraan para malaman ko. At sa oras na malaman ko kung gaano kababaw ang dahilan niyo..." Napahinto ako at napahawak sa aking dibdib. Kumikirot. "Sisiguraduhin kong hindi ko na kayo mapapatawad!"
"Are you dumb? That was all for you! You're the one who made me do that!" Napatayo na rin siya, sa aksiyon niya pa lang ay halatang galit na rin siya. "And if you can't appreciate what I've done, then I have nothing to do with it anymore. It's all been said and done."
"Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo, mas lalo mo lang kaming ipinahamak?!"
Kung hindi niya pinatay ang powersource, hindi ko na kakailanganing kumanta dahil siguradong magiging maganda ang performance ni Felice.
Natigilan siya.
"O baka naman ginawa mo rin iyon para sa sarili mo?"
Malaki ang posibilidad na matalo rin si Spark dahil parehas lang kami ng talent nang gabing iyon. Hindi sana, kung walang pumatay sa powersource.
"Excuse me?" Dismayado siya, pero hindi niyon mapapantayan ang galit ko.
"E ano pa ba, Spark? Ano pang dahilan?"
Bumilis ang kaniyang paghinga kagaya ko. Nabubuo na ang mas matinding tensiyon sa pagitan namin.
"You know me. I've never been a low kind of person..."
Naubusan ako ng salita. Napailing sa loob-loob ko.
"I'm afraid," nagpatuloy siya. "I'm afraid that someday, the one you sacrificed for was the one who'll kill you!"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"You shouldn't trust anyone! You're an ex-rank remember?! Why all of a sudden you changed? Why all of a sudden..." Lumapit siya sa akin at dinuro ang puso ko. "You learned how to care? How to trust others? How to be friends with them? And how to... how to love another and forget me - that fast?"
Nahirapan akong huminga. Wala akong ideya sa sinasabi niya, ngunit naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Nasasaktan, nalilito, nalulungkot, nagagalit... at nangungulila. Nangungulila sa taong iyon na akala niya'y ako na kaharap niya na wala nang pakialam sa kaniya.
Nagtubig ang mga mata niya, tumulo ang masaganang luha mula sa kaniyang mga mata. "It hurts a lot, Hennie. Lalo na at ang unang ranggo pa ang ipinalit mo sa akin. Sa taong alam mong kinamumuhian ko."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil sa gulat at kilabot na bumalot sa akin.
"Please... I'll do whatever you want for you comeback to me." Nabasag ang boses niya.
Nasasaktan ako para sa kaniya, pero hindi niya sa akin dapat sinasabi ang lahat ng ito.
Nilapitan niya ako. Dumampi ang palad niya sa aking pisngi. "I'm still in love with you. Let's fight for each other. Just please..."
Napako ang paningin ko sa mga mata niyang puno ng sakit, na hindi dapat ako ang nakakakita.
Napapailing kong tinabig ang kamay niya nang marinig ang pagbukas ng pinto.
"What's happening here?" Bumungad doon si Phillip.
Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa aming dalawa ni Spark.
Nang makitang humakbang na papasok si Phillip ay kaagad na akong tumakbo palabas.
Sinapo ko ang aking puso. Tila nagwawala sa lahat ng narinig.
May kinalaman si Silver sa paghihiwalay ni Spark at Glinnea? Ipinagpalit ni Glinnea si Spark kay Silver... akala ko ba.
Hindi ko na alam kung ano pa ang totoo sa mga bagay na naririnig ko mula sa iba't ibang tao, pero dahil si Spark na mismong kasama roon na ang nagsabi, hindi ko na maloko ang sarili ko.
Pagkabalik ko pa lang sa unit ay sumalubong na kaagad sa akin si Nash, pero hindi ko na lang sinagot ang mga tanong niya. Nagi-guilty ako dahil pati siya ay nadadamay sa galit ko. Isa pa, parehas nilang hindi alam ni Felice ang tungkol sa away namin ni Maika.
"Galit ka ba sa akin?" tanong pa nito.
"Hindi." Balisa akong nagtungo sa sofa.
"Bakit ganiyan ka? Hindi mo ako pinapansin. Pakiramdam ko bigla hangin lang ako sa unit na 'to. May problema ka ba? Kaya nga ako nandito para tulungan ka kung meron man hindi ba?"
"Wala akong problema, pagod lang ako."
"Saan ka ba nanggaling?" Laking pasasalamat ko at may kumatok sa pinto, ngunit nabawi rin ang tuwa ko nang maglayag ang isip ko kung sino ang kumatok. "Teka buksan ko lang iyong pinto."
Napatayo ako nang makitang isa sa mga tokuyu guards ang nasa pintuan. Hawak nito ang dalawang kahon, isang plain white at isang asul na may malaking puting ribbon. Lumapit na rin ako at nakiusyoso. Mabuti naman at hindi iyon si Maika. Kung sakali, hindi ko alam kung paano kikilos.
Nagpasalamat si Nash bago kunin ang mga kahon at pagsarahan ng pinto ang lalaki.
"Ano 'yan?" Sumunod ako sa rito nang maglakad na papunta sa dinning table. Inilapag niya roon ang mga kahon.
"Ito na siguro 'yung coat ko at gown mo." Inabot niya sa akin ang kulay asul na kahon na may pangalan ko.
Marahan kong inalis ang laso nito at binuksan ang kahon. Isang ball gown na kulay silver at mataas na sapatos ang laman nito. Sa ibabaw ay may rosas, kulay dilaw na may kaunting pula sa dulo. May nakasabit na papel, pero nang buklatin ko ay walang nakasulat. Kagaya nang unang natanggap ko?
"Bakit may bulaklak? Hindi kaya... hindi galing sa faculty ang gown mo?"
Awtomatikong umangat ang aking kilay. "Paanong hindi galing sa faculty?"
"Baka isa sa mga ranggo ang nagpaabot sa'yo. Sino naman kaya sa kanila? Bakit may pa-rosas pa? May nagawan ka ba ng mabuti sa isa sa pitong ranggo para ganiyang pasasalamat pa ang ibalik sa'yo?"
Muli kong binalingan ang gown at ang rosas na hawak. Base sa kulay ay mukhang alam ko na kung kanino ito nagmula.
"Mukhang isa ka sa may pinaka special na damit. Lalo kang gaganda niyan." Nagtunog sarkastiko ang kaniyang tawa.
"Sa tingin ba nila magsusuot ako nang ganiyan?"
Nagmakeface pa ito. "Sinong date mo? Pasensiya ka na, si Maika na ang naaya ko e."
Bigla akong nawalan ng gana nang mabanggit niya ang pangalan na iyon.
"Kailangan pa ba?"
"Oo!"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Nawala sa isip ko na babae ka nga pala!"
Kaagad na sumama ang tingin ko sa kaniya.
"Biro lang! Alam ko na. Si Kirby na lang?" Nasundan naman iyon nang nanunuya niyang tawa. "Para astig partner mo! Walang ibang sasayaw sa'yo. Sureball!"
"Oo! At sasabihin ko lahat nang pinagsasasabi mo nang tirahin ka niya ng kutsilyo!"
Lumabas ako nang gumabi na. Pumunta muna ako sa parke, nagduyan at nagpahangin. Ngayon ko na lang ulit ito nagawa kaya naman nag-e-enjoy talaga ako. Isa pa, bumabalik sa akin lahat nang masasayang alaala.
"T-teka!" Lumakas ang pag-ugoy ng duyan!
Kahit mahirap ay pinilit kong lingunin ang may gawa nito. Hindi ko inaasahang makikita ko siya.
Ang unang ranggo.
"Ihinto mo!" pagmamakaawa ko pa.
Imbis na itigil ay tinawanan pa ako nito. Mas lumakas pa ang pag-ugoy kumpara kanina. Sinasadya niya! Siguradong titilapon ako sa ere sa oras na makabitaw ako.
"Hoy! Silver!" Nasabi ko na lamang nang maglaho ito sa paningin ko.
Dahil sa pawis ay dumulas ang kamay ko sa duyan. Handa na akong tumilapon ako sa lupa, ngunit ang naramdaman ko ay braso na sumalo sa akin.
Nakangiti ito habang nakatitig sa akin, sa takot at kinakabahan kong mukha. Ang kulay pilak nitong mga mata ay kumikislap, tinatamaan ng sinag ng buwan.
"Loko ka! Paano kung tumilapon ako?! Paano kung nahulog ako?!"
Umiling siya, naroon pa rin ang sinseryong ngiti. "That will never gonna happen, I'll will catch you no matter what."
Natigilan ako. Bumilis ang tahip ng dibdib ko ngunit hindi ako nagpatalo roon.
Nagpumiglas ako para makaalis sa pagkakabuhat niya. Kaagad naman akong nakawala.
"Hindi na kailangan, sanay na 'ko magalusan." Sinubukan kong magbiro para makatakas sa sitwasyong ito ngunit bago ko pa man iyon magawa ay napahinto na ako nang magsalita siya.
"I might be late, but who cares?" Tila kausap nito ang sarili. "I won't let you have someone, aside from me. If you are asked well it's too easy to break his neck - whoever he is - so you still have no choice."
Hindi ko alam, pero kusa akong napalingon pabalik sa kaniya. "Ano bang sinasabi mo?"
"I'm ordering you as the highest rank to be my date."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi iyon alok kundi utos na hindi ko puwedeng tanggihan, pero bakit masaya ako?
Itutuloy...