Sixteen

1379 Words
Bumibilis ang t***k ng puso sa tuwing kinakabahan - normal, pero ang pagtibok nito dahil lang sa pagkakatitig ng mga mata niya sa akin ay hindi ko na masasabing normal pa. Ngayon ko lang naramdaman, bago para sa akin. "Next time be careful... Frezz." Binanggit niya ang pangalan ko. Napabitaw ako at napa-ubo. Pakiramdam ko'y masiyado nang matagal ang pagtitinginan namin kaya naman tinulak ko siya, pero dahil sa ginawa ko ay mas nawala pa ako sa balanse at napaupo sa sahig. Inis kong tiningala ang unang ranggo na tumawa nang malakas. Natigilan ako. Maging ang mga estudyante at mga ranggong nanonood. Naninibago, pero sa akin ay hindi na iyon bago. Matagal ko nang nakita kung paano siya tumawa. Ang pinagkaiba nga lang ay mga bata pa kami noon. "Oh my gosh, is he really laughing?" "The first rank is laughing... unbelievable." Nakikita ko ang dating siya ngayon. Hindi ko napigilan ang tuwa, natawa na rin ako. Inilahad niya ang kamay niya para tulungan ako. Walang pag-aalinlangan ko itong inabot. "You're back." Nakangiti ko pang sabi. "I haven't change anyway." Isa-isang bumabalik sa akin lahat ng mga alaalang magkasama kami. Naglalaro, masaya at nagtatawanan. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Matapos niya akong tanguhan nang nakangiti ay naglaho na siya. Kahit wala na siya ay hindi pa rin nabura ang ngiti sa aking labi, napako ako sa kinatatayuan ko. "Anong nakita namin?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin sila Nash. "Bakit-" Nginitian ko lang ito. "Gutom na ako." Pagkatapos ay binuksan ko ang glass door ng canteen. Tila batang sumunod sa akin ang tatlo. Nagpatuloy sa pagtatanong. Sa mga nakakaalam kung sino ako, nakakapagtaka talaga kung bakit ganoon kami ng unang ranggo. Sa mga hindi naman, nakakapagtaka kung bakit tumatawa ang mga katulad namin. "Paano?" si Felice. Natawa na lang ako. "Kumain na lang kayo." "Teka, iyan 'yung sombrero mo hindi ba? Saan mo nakita?" si Nash. "Kusang bumalik." Natulala ako sa kinakain ko at napangiti. Babalik na sana ako sa field dahil galing ako sa unit namin, pero kusa akong napahinto nang makita sa gilid ng hallway ang isang ranggo na nakasandal habang magkakrus ang braso, nakangisi at mukhang handa nang mang-alaska. Ang tagal niya yatang nawala? "I'm starting to get curios." Walang imik ko itong tinignan. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. "Anong meron sa inyo ng unang ranggo?" "Kailangan mo pa bang malaman?" Lumitaw ang tipid na ngisi sa kaniyang kabi. "First, he said sorry to you. Second, he spare you that night. And now running under the rain, almost hugging and laughing? Together? Creepy." Inismiran ko siya. Hahakbang na sana ako para umalis, ngunit naging madali para sa kaniya ang maitulak ako kaya naman napaatras rin ako pabalik. "Ano ba?!" Yumuko siya nang konti. "Shh... Baka may makarinig sa'yo, baka magsumbong na sinisigawan mo ako. You don't want that to happen right?" Kahit naiinis ay natahimik ako. "Ilang beses ka na niyang niligtas. Tuwing gabi umaalis siya, wala namang inuutos sa kaniya ang mga opisiyales. Hindi ko naman sinasadya, pero nakita ko kasi... mukhang malapit nga kayo sa isa't isa." Hindi ko alam kung ano sa mga eksenang magkasama kami ng unang ranggo ang sinasabi niya, pero nakaramdam ako ng kaba. Hindi para sa akin, kundi para kay Silver. "Ano bang gusto mo?" Nagsisimula na akong mainis. "I already said it. I want to know what's the real score between you and the first rank." Naikuyom ko ang aking kamao. "Sa tingin mo, may karapatan kang malaman?" Sandali itong natigilan. "Alam mo? Dapat matagal ka nang wala dahil sa mga pinaggagagawa mo - lalo na sa akin, pero hindi e. May taga-pagligtas ka. Maganda na rin namang nandito ka. I'm enjoying." Hindi ko makuha kung anong gusto niya. Nilagpasan ko siya, pero bago pa man ako makalayo ay natigilan na ako. "Another reason why I'm here is because I want to give you some advice." Heto na naman siya sa payo niya. "You are aware of our rules, right?" Tuluyan na akong natigilan. "You two can't happen. The punishment will both kill you. Itigil niyo na ang kahibangan niyo, until it's not too late." Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo sa hallway. Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni Kianya. Unti-unti akong nawalan ng lakas at napaupo sapo ang noo ko. Alam kong wala kaming ginagawang masama, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Mayamaya pa ay narinig ko na ang mga yabag ng paa na nagkalat sa kung saan saang parte ng hallway. Mukhang tapos na ang practice sa archery dahil umuwi na ang mga estudyante sa kaniya kaniyang units. Pero nandito pa rin ako, inabot na nang gabi. "Frezz? What are you doing here?" Marahan kong inangat ang paningin. "Maika..." "Are you sick? Tara sa unit mo, ihahatid na kita." Akma niya sana akong tutulungang tumayo, pero tinanggihan ko iyon para tumayo nang mag-isa. "Ano bang nangyari sa'yo? Hindi ka na rin bumalik kanina." Matagal na umere ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Ano pa bang mararanasan ko sa eskwelahang ito? Ano pa bang malalaman ko? Ano pa bang mga problema ang ibibigay sa akin?" Kumislap ang kaniyang mga mata, parang anumang oras ay maiiyak na siya. Pumunta ako sa labas. Kahit pinilit ako ni Maika na umuwi na sa unit ay mas pinili kong lumabas na lang para makapag-isip at mahimasmasan. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko, sa mga nangyayari. "Woah. Hindi ko inaasahang makakasalubong pa kita." Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Valentin ito. "May problema ka ba? Seryoso ka masiyado." Napabuntong hininga ako. "Pagod na ako." Tumigil kaming parehas sa paglalakad. Nararamdaman ko ang paglingon niya sa akin. "Pagod?" Tinignan ko siya. "Pagod na akong pumasok sa eskuwelahang ito. Gusto ko nang umalis at maglaho." "Paano 'yan, wala kang takas dito?" "Kung magpakamatay na lang kaya ako?" Natigilan siya. "Ano bang sinasabi mo?" "Pakiramdam ko kasi... problema lang ang dala ko." Natawa ako. "Kahit nga nasa labas pa ako puro problema na binibigay ko kay Lola Isabella." "Paano ang mga taong nagmamahal sa'yo? Your Lola Isabella, I'm sure ayaw niyang mawala ka. Kaya 'wag kang magsalita nang ganiyan." Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Oh. I remember," anang nito. "Noong nagpapractice tayo para sa Tokuyu's Night of Sacrifice. I saw one of your friends na kausap si Spark. Hindi ko naman sinasadya, pero peculiar in hearing kasi ako kaya narinig ko." Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Spark asked why you are in studio B singing. Then, sinabi niya na iyon ang magiging talent mo para masiguradong maliligtas ang kaibigan mong nabunot din. Because music is hated in this place at siguradong ikaw ang babagsak. Spark thinks that you are Hennie so he got worried... I really felt strange about this kaya sinasabi ko ito sa'yo ngayon." Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko. "Your friend convinced Spark to sabotage Clementio's performance for you." Hindi ako nakapagsalita nang tuluyan ko nang maintindihan ang sinasabi ni Valentin. "Pero ang ipinagtataka ko," pagpapatuloy niya. "Bakit hindi nito sinabi na back-up plan lang natin iyon kung sakaling pumalpak ang kaibigan mo?" Ginapang ako ng lamig... hindi ako makapaniwala. "S-sino sa kanila?" "What?" "Sino sa mga kaibigan k-ko?" Nandoon ang awa at lungkot sa kaniyang mukha. "Valentin!" Nanginginig na ako sa galit. "The one... with the shortest hair." Hindi na ako nag-aksaya ng minuto at kaagad na tinakbo ang daan. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na siya ang gagawa niyon. Ngayon pa lang hindi ko na napigilan ang sakit na nararamdaman. Trinaydor ako ng isang kaibigan. Matagal kong tinitigan ang tapat ng unit nila. Matagal rin bago ko naisipang kumatok. Galit, galit ang nararamdaman ko dahil hindi ko pa rin matanggap ang nalaman. Hinihiling ko na sana may sapat siyang dahilan para gawin ang bagay na iyon. "Frezz? What are you doing here-" At nang iniluwa na siya ng pinto, hindi ko na napigilan ang pagdapo ng aking palad sa kaniyang pisngi. "F-frezz?" Hawak niya ang ang pisnging nasaktan nang muli akong harapin, gulat at maluha luha. Naramdaman ko na rin ang pamamasa ng aking mga mata. Nanginginig pa rin ako, maging ang aking labi. Kulang pa ang sampal na iyon, pero hindi ko na kaya pang saktan si Maika. "B-bakit mo... bakit mo sinabutahe si Felice?!" "W-wait.." "Bakit kailangang madamay siya? Sinadya mong patayin ang powersource at utusan si Spark para pumalpak si Felice at ituloy ko ang plano ko? Para ako ang maialay?!" Gumaralgal ang boses ko. "Ginawa ko lang ang dapat kong gawin." Hindi ito ang inaasahan kong marinig mula sa kaniya. "Anong sabi mo?" Hindi ako makapaniwala. "Hindi mo ako maiintindihan, Frezz." Pakiramdam ko ay huminto ang oras. "Kaibigan ka ba talaga kita?" Napayuko siya. "Lahat ng bagay may dahilan. Kaya sana 'wag mo akong kamuhian dahil sa ginawa ko." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD