Halos mapatalon ako nang buksan ko ang pinto ng kuwarto. Nasa harapan ko si Nash ngayon at nakahalukipkip habang nakakunot ang noo.
"Nakakagulat ka alam mo 'yon?"
Kumunot ang noo ko nang hindi magbago ang reaksyon niya. Seryoso.
Sininghalan niya rin ako pabalik. "Ipaliwanag mo nga kung bakit ginagabi ka palagi sa pag-uwi?
Muntik na akong matawa. Ano siya tatay?
"Ano naman 'yan?" Hahakbang na sana ako papunta sa kusina, pero natigilan ako nang may ilabas siyang bagay.
"Ano nga ba ito? Rosas malamang." Walang gana niyang hinawakan ang rosas na kulay dilaw.
Nandiri ako sa naisip ko. "Teka, huwag mo sabihing..." dinuro ko siya. "Aray!"
Hinimas ko ang noo ko na pinitik niya.
"Ang dumi ng utak mo!" Itinaas niya ang rosas. Doon ko nakita ang kulay puting papel na nakasabit dito. "Hindi sa akin galing ito! Suwerte mo naman?"
"Patingin!" Kukunin ko na sana, pero kaagad niyang itinaas iyon. "Nash naman!"
Dahil sa hanggang balikat niya lang ako ay nahirapan akong kunin iyon sa kaniya.
"Patingin nga sabi!"
"Ako muna." Aangal na sana ako, pero nabuklat niya na ang papel. "Walang nakasulat?"
Awtomatikong kumunot ang noo ko. Para saan ang papel kung wala naman pa lang nakasulat?
"Seryoso?" Hindi ako makapaniwala.
Ibinigay niya na sa akin ang rosas. Tinignan ko ito, pero katulad nga ng sinabi niya walang nakasulat. Isa pa, weird na amoy prutas ang papel na ginamit.
Magsasalita na sana si Nash, pero natigilan kami parehas nang may marinig kaming katok mula sa pintuan. Kaagad niya namang tinungo ang iyon.
Bumungad kaagad sa pinto sina Felice at Maika.
"Good morning?" Awkward na ngumiti si Maika. "Bakit ganiyan ang mga itsura niyo?"
Kitang-kita ko kung paano nag-iwas ng paningin si Nash at namula.
"Kumain na kayo?" tanong ko.
Suot na nila ang uniform, handa nang pumasok
Madalas kasi ay hindi sila kumakain kaya kapag napapadaan sila rito inaalok na lang namin. Naisip ko nga baka rich kid ang dalawa at hindi marunong magluto.
"Hindi pa nga e." Nahihiyang ngumiti si Maika.
Kaagad ko namang tinapik si Nash.
"A-ah, oo." Inalalayan pa nito si Maika.
Hindi ka ba nagtataka kung bakit namatay ang power source noong nagpeperform ang kaibigan mo?
Sino naman kayang gagawa niyon kay Felice? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang nakakaaway.
"Wait, is that a yellow rose?" Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng rosas. "Sinong nagbigay?"
Ngumiwi ako. "Hindi ko rin alam."
Kakaiba ang tingin na ibinigay niya sa akin.
"Do you know what it means?" Dumako ang paningin niya sa akin. "It means, joy, delight, friendship, welcome back and new beginnings."
Hindi nawala ang tingin na iyon habang tinititigan niya ang bulaklak na hawak ko.
Nang matapos kaming kumain, dumiretso na kami sa field. Wala pa ang mga ranggo kaya naman napagkatuwaan naming paglaruan ang mga pana. Panay ang tawanan namin sa tuwing papanain ni Felice si Nash na namumutla talaga, bagama't hindi tinatamaan.
Doon ko napagtanto kung gaano kagaling si Felice sa larangan na iyon.
Mga peculiar in sight daw talaga ang may hawak ng archery.
"Wala namang ganiyanan! Tandaan niyo isang ulit niyo pa hindi ko na kayo ipagluluto!" Nagpatuloy sa pag-ilag si Nash.
Natigilan ako sa pagtawa nang matanaw ko si Greg na kumakain ng sandwich. Mag-isa lang siyang nakaupo sa isang bench. Naalerto naman ako nang may lumapit sa kaniyang grupo ng mga lalaki.
"Bumblebee!" Isa ito sa mga lalaking iyon.
"Aren't you tired of eating? We have some left over here." Tinapik nito ang ulo ni Greg.
Yumuko si Greg, tumamlay ang pagkakahawak nito sa sandwich na tila ba isang tapik na lang ay mahuhulog na ang hawak.
Lalapit na sana ako, pero kaagad ding natigilan nang makitang ibinuhos nila sa ulo ni Greg ang pasta.
Nakaramdam ako ng awa. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya ngayon.
Nang mag grade six ako ay madalas akong ma-bully, wala akong magulang at sa isang private montessori school pa ako nag-aaral noon.
"Look who's here!" Tinignan ako ni Misha, nandidiri. "Why aren't you eating? Wala ka na bang makain? Don't worry may mga left over naman kami e. Girls, give it to her."
Hindi ako nagsalita, nanatiling nakayuko.
"Oh wait." Pinigilan niya ang isa nang ilalagay sana nito sa lamesa ko ang spaghetti. "You should do it this way."
Kinuha niya ang plato at ibinuhos iyon sa ulo ko.
Nagtawanan naman ang mga kasama niya. Kung iisipin masiyado nang laos ang ganitong sitwasyon, pero nag-i-exist ito sa totoong buhay. Mga spoiled brat sila na walang magawa sa buhay.
Kahit na madami ang naaawa ay walang tumayo para tulungan ako. Ayaw nilang madamay. Sa mga oras na iyon ay hinihiling ko na sana dumating siya, kagaya ng dati na kapag inaaway ako ng mga bully sa school ay nakakarating pa rin siya kahit na hindi ko alam kung paano.
"I pity her, Misha. Baka nanghihinayang na siya sa pagkain."
"Bakit? Gusto mo ba samahan siya?"
"Ano ka ba naman! I'm just kidding, duh."
"Pero yeah we should, let's pity her. Dahil diyan I'll give you more." Ibubuhos niya sana sa akin ang isa pang plato ng pagkain, pero isang kamay ang pumigil sa kaniya. "Hey! Let go of me!"
Hindi siya pinansin ng lalaki at padabog siyang itinulak.
Hihilain niya sana ako, pero inilayo ko kaagad ang aking braso.
Hindi makapaniwalang suminghal si Misha.
"Let's go." Pinilit niya pa rin akong hawakan, pero tinabig ko iyon. "Look I'm not here to do the same thing. I'm here to save you."
Natigilan ako. Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa kaniya ay baka may gawin rin siyang masama, katulad na lang ng isang lalaki na nagligtas sa akin noong isang araw na pinagtripan din naman ako.
Hindi ko alam na sumusunod na pala ako sa kaniya. Madalas ko siyang makita sa school, pero mukha rin siyang loko-loko.
"They are bullying you because you're pretty."
Hindi ako nagsalita.
"They're jealous. They have the money, but not the face. Funny, right?"
Tinignan ko lang siya. Hindi talaga ako mahilig makipagusap noon.
"Aalis na ako."
"I'm Erozeph, Eros na lang."
Tila may ibang katauhan akong nakikita sa kaniya o dahil lang sa sobra akong nangungulila sa aking kababata.
"I think you should hide your face. If you would just continue to be quiet they'll not stop."
Iyon ang panahon na nagsimula akong magsuot ng sombrero, na magdamit lalaki. Dahil takot na akong magambalang muli. Ngunit habang tumatagal na ay hindi na ako takot sa away, minsan ako pa ang nangunguna at dahil nasa tabi ko si Eros naging malakas ang loob ko.
"Frezz!" Naririnig kong tinawag ako ni Maika, pero hindi ako lumingon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kinaroroonan nila Greg at ng tatlong lalaki.
Pagkalapit ko pa lang ay namutla na ang mga ito. Napaubo pa ang lalaking may kulay pulang buhok, may ibinulong sa kasamahan.
"Ang dating pangalawang ranggo 'yan!"
Imbis na matuwa ay mas nainis pa ako, pero dahil hindi ko naman puwedeng sabihin na hindi ako si Glinnea ay pinigilan ko na lang ang nararamdaman.
Nag-angat ng paningin si Greg, kaagad din niyang iniwasan ang paningin ko.
"Ano pang ginagawa niyo? Alis."
Tila bomba sa pandinig nila ang sinabi ko kaya mabilis pa sa alas-kuwatro silang nawala sa paningin ko.
"Okay ka lang?" Kumuha ako ng panyo at inabot iyon sa kaniya.
Tinanggap niya iyon. "Malapit siya sa'yo, kaya mag-ingat ka. Hindi ka pa man dumarating ay nakahanda na ang alas niya."
Kaagad ko siyang pinigilan nang tangkain niyang humakbang.
"T-teka. Hindi kita maintindihan."
Imbis na sagutin ay tinignan niya lang ako bago muling tinalikuran.
Wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang maglakad palayo.
"Uy Frezz, magsisimula na!" Nasa likod ko na ngayon si Nash.
Nang tignan ko ang puwesto namin kanina ay wala na sina Felice at Maika.
Malapit siya sa'yo, kaya mag-ingat ka.
Napatitig ako sa target board. Tila lumilipad ang aking isip. Gustong-gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy niya, pero wala akong ideya. Hindi ko man lang naisip na baka isa sa mga kaibigan ko iyon. Bakit naman nila isasabutahe si Felice?
"Are you with us?" Nilingon ko si Clen.
Matagal bago ako napatango.
"Then why are you acting like that? You've been five minutes staring at the board."
Napapahiya akong yumuko. "S-sorry."
Sinubukan kong asintahin ang board.
Sablay.
Susubukan ko sana ulit, pero hinawakan niya ang bow ng pana pababa. "I think you should stop this time. You're all messed-up."
Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Hindi na naman ako nag-aalala dahil pahabol na practice na lang ito at tapos na ang final grading para sa archery.
Umalis ako sa puwesto at pumunta sa benches. Binuksan ko ang dalang mineral water. Halos mapatalon ako nang may lumitaw na lalaki sa tabi ko. Naka-cloak.
Nice, nagteleport.
"Is there something bothering you?"
Boses pa lang ay alam ko na kung sino ito.
"Wala," mabilis kong sinagot. "Hindi tayo puwedeng makita ng iba na magkasama."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I know."
"Bakit nandito ka pa rin?" sinabi ko iyon nang hindi tumitingin sa kaniya.
"I told you, I want to know you again."
Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa hawak kong bote ng mineral water dahil sa pag-alaala ng nangyari kahapon.
Pumatak ang maliliit na butil ng tubig na sa kamay ko.
Sa isang iglap ay naubos ang tao sa field. Kaniya kaniyang tumakbo sa lugar kung saan puwedeng sumilong.
Hindi ko alam na uulan pala.
"It's raining..."
Tatayo na sana ako para umalis, pero hinila niya ako pabalik sa bench. Gusto ko siyang sigawan, pero natutop ang labi ko nang maramdaman ang sombrerong sinuot niya sa ulo ko.
Paanong napunta sa kaniya ito?
"Let's go." Hinila niya ako patayo at hindi pa siya nakuntento dahil ipinandong niya pa ang braso niya sa ulo ko, kulang na lang ay yakapin niya ako.
Kaya ko siyang takasan, pero mas pinili ko na lang na manatili sa tabi niya. Pakiramdam ko'y bumagal ang oras habang tumatakbo kami.
Palihim akong napangiti.
Kaagad akong umiwas nang makasilong na kami sa bubong ng Canteen.
Tanaw na tanaw ko ang mga kaibigan kong laglag ang pangang nakatingin din sa amin, nagtatanong. Ang mga ranggo na natigilan, at si Clen na nakangisi sa akin.
Papasok na sana ako sa loob, pero hinila niya ako. Dahilan para mapayakap ako sa kaniya. Doon ko lang napansin ang sangkaterbang estudyanteng muntik nang makabangga sa akin.
"Next time be careful, Frezz."
Talagang naging bago sa pandinig ko ang pagbanggit niya ang pangalan ko. Bukod sa ngayon niya lang ako tinawag nang ganoon ay isa pang dahilan ang pagkakatama ng mga mata namin. Ang kulay pilak niyang mata.
Itutuloy...