"Uh... What happened?" Sumulpot sa harapan ko si Felice kaya naman medyo napatalon ako. "Tulala ka."
Bakit ba ang hilig ng mga ito manggulat? Bagay sila ni Clen, dapat magsama silang dalawa. "W-wala. Wala."
"Okay?" Nasa likod niya na pala sina Nash at Maika.
Nakatayo kami ngayon sa field, sa tapat ng target board. Wala pa ang mga ranggo kaya ayos lang kung wala kami sa grupo namin. Ayoko na nga sanang pumasok, pero ayaw ko rin namang bumaba ang grades ko.
Umayos ako sa pagkakatayo nang makita ang mga guwardiya. Paniguradong kasunod na ng mga ito ang mga ranggo na siyang nag ge-grade sa amin. Ang nagbabantay sa grupo ng peculiar in body ay si Silver at si Clen, sa peculiar in sight naman ay si Kianya at si Dash, sa peculiar in hearing ay si Ysabelle at Seb at sa peculiar in mind naman ay si Nathalie at ang Dean.
"Napansin ko, parang walang pakiramdam ang mga guards..." Inginuso ni Felice ang mga lalaking naka suit. "Noong ihatid nga nila ako hindi man lang ako kinausap. Parang robot."
Tumango ako. Naalala ko tuloy yung unang araw ng pagpasok ko dito.
"Required ba na 'wag silang magreact?" dugtong pa ni Felice.
"Hindi ko alam," si Nash ang sumagot. "Ang alam ko lang isa sila sa mga bagsak taon-taon."
"Nakakatakot sa school na 'to. Parang napaka delikado." Tumingin sa akin si Felice.
Kahit ayaw ko ay pinilit ko pa ring maglakad papunta sa grupo ng mga peculiar in body. Kitang-kita ko sa kinatatayuan ko kung saan nakapuwesto ang unang ranggo na nakatayo sa gilid ng isang babae na tumitira sa target board.
Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi.
Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa ni Spark na bumitaw na ngayon sa akin. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ng unang ranggo. Dahan-dahan akong lumayo.
"Seriously?" tipid at sarkastikong natawa si Spark.
"Are you questioning me?" seryoso namang balik tanong ni Silver.
"Are you sure that she's yours? How did my ex girlfriend became yours? She's still mine, saiko ranku. If she really is yours why don't we ask her first?" tumingin si Spark sa akin.
Wala akong magawa kundi ang manood. Hindi alam ang gagawin.
"My bad." Natawa si Spark. "Is that even necesary? We both know who owns her. Right, saiko ranku?"
Lalapit na sana sa akin si Silver, pero pinahinto ko siya kaagad.
"Sa tingin niyo may karapatan kayong sabihin ang mga 'yan? Ako lang... ang may karapatan sa sarili ko. Hindi ikaw," tinignan ko si Spark at Silver. "maging ikaw na may pinaka mataas na ranggo."
Nagtago ako sa likod ng isang lalaki nang makitang lumingon ang unang ranggo sa gawi ko. Hindi ko kayang makita ang isa man sa kanila ngayon.
"Bakit sa tuwing nakikita kita lagi kang tulala?"
Napaigtad ako nang marinig ang boses na iyon. "Bakit ba sa tuwing nagiisip ako lagi kang sumusulpot?!"
Tumingin sa amin ang ilang estudyante kaya naman napayuko kaagad ako. Bawal manigaw ng ranggo, Frezz. Kalma.
"Easy!" Iniharang niya ang dalawa niyang kamay. "Baka akalain nila hinaharas mo ako."
Suminghal ako.
"Bakit hindi ka nagta-try out?" Dinungaw niya pa ang puwesto kung saan nakatayo ang unang ranggo at ang babae na parang kanina pa yatang naroon.
"M-mamaya na lang." Sinubukan kong hindi magtunog na may iniiwasan, pero dahil sa ang ikatlong ranggo ang kaharap ko ay alam kong mababasa niya pa rin ang kilos ko. Kahit na hindi siya peculiar in mind.
"You sure?"
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at tinalikuran si Clen. Tumabi naman siya sa akin. Parehas na kaming nakaharap sa unang ranggo.
"Nakita ko 'yon."
Dahil sa sinabi niya ay napalingon ako.
Ngumisi siya nang nakakaloko.
"Ang ano?" Nagmaang maangan pa ako, pero nang sandaling iyon ay palihim na akong napalunok.
Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.
Ilang sandali pa ay napagtanto ko na lang na umaabante na pala ako sa puwesto ko. Sunod na ako sa isang lalaking nasa unahan ko. Sa gilid ako tumingin para hindi ako masiyadong mapansin ni Silver.
"Next."
"Tapos na agad?" Bakit ang bilis?
Kumuha ako ng pana sa ibabaw ng maliit na pahabang lamesa at ng isang palaso. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Bagama't may takip ang mukha niya ay alam kong nagtataka siya. Sino bang hindi? Saan ka ba kasi nakakita ng umaasinta, pero sa gilid nakatingin?
"Start."
Napalunok ako nang sinimulan ng iunat ang string.
Pinakawalan ko ito.
Sablay.
Dalawa na lang ang pagkakataon ko.
Kumuha ulit ako ng isa, ngunit sumablay pa rin.
"Huwag ka kasing balik nang balik. Move forward!" Sumulpot mula sa kabilang gilid ko ang nakangising si Clen.
Palihim ko siyang inismiran at tuluyan nang humarap sa target board.
"Once you didn't hit any of the red rings, your grade will be 60." Napanguso ako nang magsalita si Silver. "Focus on the board. This time you need to have a mind set."
Naitikom ko ang aking labi.
Tatawa-tawa lang sa gilid ko si Clen.
Ginaya ko ang itinuro sa akin ni Spark kagabi. Hinigpitan ko ang kapit sa bow para hindi ito gumalaw-galaw at inasinta ko nang maayos ang pulang tuldok sa sentro ng board.
Diretso ang paningin ko roon.
Naghintay ako nang tamang buwelo atsaka ito pinakawalan.
Pakiramdam ko bumagal ang oras habang pinapanood ko ang unti-unting pagtarak ng palaso sa target board. Naibaba ko ang hawak kong pana nang makita na...
Sumakto ito sa gitna ng board.
Natulala pa ako noong una, pero nang rumehistro sa akin ang lahat ay napangiti ako.
Masaya kaming lahat dahil parehas kaming nakakuha nang matataas na grades. Medyo hirap pa rin si Maika kahit na halos isang taon na siyang nag-aaral ng archery, pero masaya naman kami at nag-improve siya.
"Alam niyo nakakatakot pala talaga si Kianya. Ang sungit niya," pabulong na sinabi ni Felice.
"Mabuti naman at mataas ang grade na nakuha natin. Magagandang suit at gown ang ibibigay sa atin next week." Hindi pinansin ni Maika si Felice.
"Suit at gown? Para saan naman iyon?" Kaagad kong tinanong.
"Acquaintance Party." Uminom muna siya bago nagpatuloy. "Next week na iyon. Siguradong imbitado ang mga taga-Yoguri corporation."
"May darating na agents? Ano namang gagawin nila roon e party iyon," anang ni Felice.
Napailing si Nash. "Isang bagay na dapat na tandaan niyo, dahil nasa unibersidad tayo ng mga tokuyu ang kasayahang iniisip niyo ay ang kabaliktaran ng totoong mangyayari. Panakip butas lang ang kasayahan, panakip butas lang ang party."
"Ibig mong sabihin... delikado?" tanong ko.
"Exactly!" pinatunog pa ni Nash ang daliri niya.
Ano naman kaya ang pinaplano ng mga taong iyon? Ano na namang kababalaghan ang gagawin nila? Para saan at pupunta pa ang mga Agents ng corporation?
"Bakit ba lagi silang may event?" Nahihiwagaan pa rin ako.
"Tradition. Para legal silang makapatay ng isang Tokuyu," si Maika ang sumagot.
Para sa bulaklak ng Erurena...
Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta lang sa tabi-tabi. Hindi naman na sila nagtanong dahil busy sila sa pag-uusap at pagkain sa unit namin. Habang naglalakad ako ay hindi ko pa rin mapigilang mag-isip.
Pakiramdam ko ang daming tinatago ng eskuwelahang ito. Ang ipinagtataka ko, ano ang gagawin ng mga Agents na iyon? Anong papel nila sa gabing iyon?
Nagulat na lang ako na may kasabay na pala akong maglakad. Kumakain siya at may kung ano pang chocolate na dala sa kamay. Nginitian niya ako bago ulit nagpatuloy sa pagkain.
"Ang galing mo kanina. Archery. Ang galing mo roon."
Natawa ako.
Hindi na ulit siya nagsalita, pero nagpatuloy siya sa pagsabay sa akin sa paglalakad.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit namatay ang powersource noong nagperform ang kaibigan mo?" Nanatili ang paningin niya sa daan.
"Ha?" Para akong robot na naubusan ng baterya.
Tumigil siya sa paglalakad. "Sa tingin mo, sino?"
Nagulat ako sa paraan niya ng pagsasalita, masiyadong seryoso. Nawala ang Greg na mahilig ngumiti.
"H-ha?" iyon lang ang nasabi ko.
"A cat can be a tiger, a tiger can be a cat. Hindi lahat nang maamo ay maamo. Hindi lahat nang mabagsik ay mabagsik." Nanatiling ang kaseryusohan sa mukha niya.
Muli kong naalala ang phrase na sinabi ng unang ranggo sa akin noong maglaban kami sa loob ng classroom nila.
A cat can be a tiger. A tiger can be a cat.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi lahat ay totoo, mas marami ang nagbabalat-kayo."
Inabot ako ng gabi kakaisip sa sinabi ni Greg. Bakit nga ba namatay ang power source? Bakit hindi ko naisip ang tungkol doon?
Napasabunot ako sa aking buhok. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip, pero wala naman ni isa sa mga tanong ko ang nasasagot.
Aalis na sana ako, pero natigilan ako nang makita ang isang pares ng sapatos sa harap ko. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin sa lalaking nakatayo sa harap ng kinauupuan ko.
Suot nito ang jacket na may hood. 'Ayun na naman ang kulay pilak niyang mata na diretsong nakatingin sa akin.
Aalis na sana ako, pero hinawakan niya ang pulso ko.
"Bitawan mo ako."
Hindi niya pa rin ginawa.
"Hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan. Hindi mo mapanindigan? Ganiyan ka ba talaga?" Tuluyan na akong humarap sa kaniya. "Akala ko ba kakalimutan mo na ako? Bakit lapit ka pa rin nang lapit? Ano ba talagang gusto mo, Silver?"
"Hennie..."
"Aalis na ako." Pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya sa pulso ko, pero mas humigpit lang iyon. "Hindi na kita kilala ngayon, ibang-iba ka na."
Kusang tumulo ang luha ko. Masiyadong masakit isipin ang mga bagay na sinabi niya sa akin noong gabing iyon. Masiyadong masakit isipin na ganoon lang kadali para sa kaniya ang sabihin iyon.
Nabitawan niya ako. Inangat niya ang kamay niya, para punasan sana ang luha ko, pero kaagad ko itong tinabig.
Habang humahagulhol ay naglakad ako at tinalikuran siya.
"Neither I..." Lumungkot ang boses niya. "So let's get to know each other again."
Nang lingunin ko siya gamit ang masamang tingin ay nakangiti na siya sa akin.
"I'm Silver..." Inilahad niya pa ang palad niya sa akin. "Let's be friends."
Itutuloy...