Kanina pang umalis si Valentin, pero hindi pa rin rumirehistro sa utak ko ang lahat. Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya, pero paano 'yung iba na may alam na? 'Yung ibang nakakahalata na?
Magaan na sana sa loob na aamin na ako dahil mawawala na sa paligid ko si Spark, pero paano na ngayon? Siya pa ang pinaka kailangan kong ingatan sa ngayon.
Namawis ang mga palad ko, naging mabilis at malakas ang pagtibok ng puso ko. Pinupuno ng mga tanong ang utak ko ngayon.
Tatayo na sana ako para umalis, ngunit napahinto nang dagsain ng mga estudyante ang canteen. Nagtutulakan. Halos hingal at pagod ang lahat. Kaniya-kaniyang order ng maiinom. Napangiwi ako nang maisip kung gaano kainit sa labas, isama pa ang mahigpit na training sa archery.
Dapat ba akong magpasalamat dahil pinaalis ako ng unang ranggo?
Kaagad kong inilibot ang paningin, doon ko nakita ang tatlo na hingal na hingal rin habang nakahawak sa bakal na handle ng pinto. Salamin ito kaya nakikita ko sila kahit nasa labas pa lang.
Nang makapasok na ay kaagad kong itinuro ang lamesa na kinauupuan ko. Patakbong naglakad ang tatlo at pabagsak na naupo.
"Nauuhaw ako..."
"T-tubig..."
"Water please..."
Kaagad akong pumunta sa line. Pakiramdam ko sa oras na hindi ko mabigyan ng inumin ang tatlo ay malalagutan sila ng hininga.
"Tubig-"
"Water, five glasses." Sumulpot sa tagiliran ko si Spark kaya muntik na akong mapatalon.
Magteleport ba naman.
Ngumiti siya. Ang awkward para sa akin.
Kinuha niya ang tray na inabot ng staff at naglakad papunta sa... teka, sa table namin?!
Napaturo na lang ako sa nilalakaran niya. Nang makarating siya sa table ay kaagad na nag-unahan ang tatlo sa pagkuha ng tubig, hindi humihingang inubos ang laman ng bawat baso.
Nakahinga ako naman ako nang maluwag nang makitang nakainom na sila.
Lumapit ako roon at naiilang na umupo sa bakanteng upuan na katabi pa ni Spark. Nice.
"Nauuhaw pa ako." Kukuhanin sana ni Nash ang isa pang baso ng tubig na natitira pero tinapik ni Spark ang kamay niya.
Inabot niya sa akin ang baso.
Awtomatikong umarko ang aking kilay.
"Hindi ako nauuhaw," kaagad kong sinabi.
Tila nanalo sa lotto si Nash nang abuting muli ang baso, pero ang sunod naman na kumuha sa kaniya ay si Maika. Napanguso ito at nagsimulang magmaktol nang maubos na ni Maika ang laman ng baso.
Nagtawanan kami.
Natigilan ako nang makitang takang nakatitig si Spark sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng paningin, pero mas napangiwi ako nang makitang nakatingin din ang tatlo sa amin. Maging ang mga tao sa Canteen.
Nabasag ito nang dumating ang mga taong naka-cloak.
"Ang mga ranggo!"
Kaagad akong napayuko nang makitang nangunguna si Silver sa grupo. Umupo sila sa sariling lugar na salamin ang nagsisilbing dingding. Lumapit naman sa kanila ang ilan sa mga staff para ilagay ang mga putahe sa lamesa ng mga ito.
Tumingin ako sa gilid ko nang mapalingon sa akin ang nakangising si Silver.
Binalot na naman ako ng hiya.
"You done bad earlier," anang ni Spark.
Napangiwi ako. "Medyo nahirapan lang..."
"You're not like that before."
Dahil sa sinabi niya ay sabay na tumingin sa akin sina Nash. Maging sila ay mukhang kinakabahan sa pagkilatis sa akin ni Spark.
"Nagugutom ba kayo? Order na tayo. Ako ang kukuha," sumingit kaagad si Nash kaya nagkaroon ako ng tiyansa na huminga.
Tumayo si Nash matapos kunin ang order namin, pero nararamdaman kong nakatingin pa rin sa akin si Spark.
"Why don't we practice?"
"Hindi ba't practice na naman ang ginagawa natin ngayon? Bakit inaaya mo pa siya?" tanong pa ni Maika.
"We both know that every move that you make at this state is graded."
Napa-oo ako sa sarili ko. Tama siya, bawat galaw namin may grado. Maging si Maika at Felice ay sumang-ayon na rin.
"So... practice?" Ngumiti pa siya na naging dahilan ng mas pagkailang ko.
Pumayag ako. Gabi niya naisipang mag-ensayo kaya pagkatapos ko pa lang kumain ay umalis na ako. Panay ang tanong nila Felice kung bakit hindi ko na lang iwasan si Spark, wala akong nagawa kundi ang sabihin sa kanila ang tungkol sa deal na si Maika lang ang nakakaalam at kung paano ito binago ni Valentin.
"Tinulungan ako ni Valentin para sa performance ko kagabi kaya dapat lang na tulungan ko rin siya para na rin sa lahat." Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat, pero maging sila ay alam din na imposible ang gagawin ko.
"Oo, tinulungan ka para pumalpak." Hindi nakatakas ang tabang sa tono ni Nash.
Pinagkiskis ko ang palad ko at hinipan ito para makaramdam ng init. Mababa ang temperatura ngayong gabi, hindi ko nga alam kung maigagalaw ko pa ba nang maayos ang katawan ko dahil sa kapal ng jacket na suot ko.
Tumigil ako sa tapat ng target board.
Wala akong nadatnan. Balak pa yata akong paghintayin. Dahil sa wala pa siya ay kumuha muna ako ng pana atsaka sinubukang tumira.
Kusang bumilis ang t***k ng puso ko nang maalala kung paanong hinawakan ng unang ranggo ang kamay ko, kung gaano siya kalapit sa akin kanina at kung paanong muntik ko na siyang mahalikan.
"Nasaan ba ang mga magulang mo? Hindi ka ba nila pinapagalitan kapag umaalis ka sa inyo?"
Nginitian niya kaagad ako at umupo sa duyan na katabi ko. "They're busy that they don't even realize that I'm gone. Another thing, they are certain that I can protect myself."
"Ha? Ang liit mo pa ah. Paano 'yon?"
"Sila Gabby nga naitumba ko!"
Natawa ako, tama siya dambuhala kasi si Gabby.
"Pero bata naman sila. Paano kung matanda na? Hindi ka ba natatakot?" Mas lalo akong nakakaramdam ng kyuryosidad.
Lumawak ang kaniyang ngiti. "Hindi. Nag-aalala ka? 'Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama sa akin. I am extraordinary."
"Kakaiba. Kakaiba ka nga. At hindi ako makapaniwalang ito ang tunay mong katauhan."
Kaibigan ko siya, pero madami pa pala akong hindi alam tungkol sa kaniya. Maaaring may iba pa ba siyang itinatago sa akin.
"Penny for your thoughts?"
Napapikit ako nang mariin dahil sa gulat. "Ayaw kong sigawan ka, pero sana hindi ka basta-bastang sumusulpot ano?!"
"I'm too lazy to walk, that's why I teleported."
Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matawa.
"Anong ginagawa mo rito?" Nakakapagtakang napadpad pa rito ang ikatlong ranggo. "Anong trip mo?"
"Nothing, I was about to ask you that too."
Umismid ako. "Bawal makipag-usap sa inyo sa pribado hindi ba? Gusto mo ba akong ipahamak?"
"Woah. You memorized it well, huh. Don't worry we're not in private, someone's watching us." Matapos niyang ngumisi ay bigla na lang siyang naglago.
Sino namang manonood sa amin? Wala akong makita. Tinatakot niya ba ako?
Inis akong naupo sa malaking bato sa gilid.
"Sorry for being late." Sumulpot sa gilid ko si Spark.
"Okay lang. Nag-enjoy nga ako e," sarkastiko akong napabulong.
"Let's start?"
Hindi ko siya sinagot at nagpanggap na galit.
Binigyan niya ako ng pana, kumuha na rin siya ng sa kaniya. Habang pinapanood kong gawin niya iyon, may parte sa aking humahanga. Matikas siyang tumindig at talagang guwapo.
Tumingin siya sa akin, kaagad akong nagpanggap na hindi siya tinitignan.
"You already know this, right?"
Umangat ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.
"Why aren't you starting?"
Napangiwi ako. Amputek, akala ko naman tuturuan ako.
Nagpanggap akong kalmado. Wala akong magawa kundi gawin ang itinuro ni Silver sa akin kanina, pero kahit anong gawin kong tira ay sumasablay pa rin ako.
"It's weird. Sinasadya mo ba?"
Gusto kong matawa nang marinig ko sa kaniya iyon. Ano bang nagustuhan ni Glinnea rito?
Imbis na pansinin ay ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa.
"Seriously?"
Nagulat ako nang pumunta siya sa likuran ko. Napalunok ako kaagad. Naalala ko na naman kung paano akong tinuruan ni Silver.
Dahan-dahang dumulas ang kamay niya sa kamay kong may hawak ng bow at sa kamay kong may hawak ng string. Nararamdaman ko ang labi niya na tumatama sa tenga ko. Pakiramdam ko'y tumaas ang balahibo ko.
"Just build the force..." Pinisil niya ang kamay ko na may hawak ng bow. "Then, pull the string with the arrow." Hinila niya nga ito kasabay ang kamay ko. "Look at the target board at asintahin mo nang maayos. It doesn't matter, kung matagal. What's important is that you are confident that you'll hit the target."
Papakawalan ko na sana ang arrow, pero hindi ko na nagawa nang maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa aking pisngi. Hindi ko alam kung sinadya ba iyon o aksidente lang, ngunit masidhi ang kabang aking naramdaman.
"I really missed you..."
Gusto ko nang umalis sa pagkakahawak niya, pero hindi ako makagalaw. Nanghina ang aking kamay kaya ang arrow na nakaasinta ay nabitiwan ko nang hindi sinasadya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking papalapit sa amin. Suot ang cloak at nangingibabaw ang kulay pilak na mata, hawak sa isang kamay ang baling palaso. Akala ko ay bibitawan na ako ni Spark, pero mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin.
Kung kanina ay sobrang bilis na ng t***k ng puso ko, mas tumindi naman ngayon na alam kong nakita niya ang lahat.
"Let her go."
Kahit hindi ko makita ang ekspresiyon niya ay ramdam ko ang galit sa kaniyang boses. Naramdaman ko naman ang pagngisi ni Spark.
"Don't wait for me to get mad, Weyn Tan... Bitawan mo na siya."
"Why would I?"
Halos malagutan ako ng hininga dahil sa nangyayari. Nabibingi ako sa sariling t***k ng puso.
"Possessions of the highest rank are only exclusive for the highest rank. So I the saiko ranku is commanding you to let go of my possession..."
Lalo akong nanlambot.
'Don't worry we're not in private, someone's watching us.'
Itutuloy...