Nakakatawang parang wala lang ang lahat ng kalokohang nangyari sa araw ng pag-aalay.
"Frezz, tanghali na. Baka gusto mo na ulit ma-late?"
"'Eto na po. Sungit! Lahat ba ng lalaki masungit?"
Nakasimangot akong lumabas ng kuwarto nang tapos nang maghanda, naiinis dahil naalala kong tinapon ko nga pala ang sombrero ko. Sa tuwing hindi ko iyon suot pakiramdam ko'y nakahubad ako.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para kausapin si Nash na nakaupo sa sofa ay tumayo na ito at naglakad papunta sa banyo. Hindi ko alam kung ano pang gagawin niya. Mukha namang handa na siyang pumasok dahil naka uniporme na. Nagtatampo pa rin siguro.
Kumain ako nang mabilisan para maabangan ang paglabas niya. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ulit ang pinto niyon.
"Galit ka ba?" tanong ko kaagad nang makita siya.
Sarkastiko niya akong tinignan. "Ano ba sa tingin mo?"
"Kung galit ka, sorry na okay? Wala namang nangyaring masama sa amin ni Felice hindi ba? Kwits na iyon."
"Ang tigas ng ulo mo. Pinagisipan mo ba talaga nang mabuti ang ginawa mo? Paano kung hindi kayo nag-tie?"
"Kaya nga sorry na. 'Tsaka nag-tie naman. Tapos na 'yon." Kulang na lang ay ngumuso ako at magpacute para lang tanggapin niya ang sorry ko.
"Kapag nalaman ni Glinnea 'to, mapapatay ako niya ako. Sa akin ka niya binilin kaya ako ang mananagot."
Napanguso ako, pero nakaramdam din ng tuwa nang mabanggit niya kung gaano ka-concern sa akin ang kakambal ko.
Dumapo ang paningin niya sa aking ulo. "Nasaan ang sombrero mo?"
"Nawawala." Nasapo ko ang noo ko. "May isa pa pala akong problema."
Awtomatikong umangat ang kilay ni Nash sa akin.
Sinundo namin sina Maika at Felice. Mukhang normal na naman si Felice, wala na ang takot. Masaya ako na bumalik na ang lahat sa dati.
Tumigil sa tapat ng pinto ng kanilang classroom si Maika. "Wala ng lectures. Puro sakit ng katawan na naman ang aabutin natin dito."
Nagkatinginan kami ni Felice.
"Another problem again," anang niya pa.
Sabay kaming umupo ni Nash sa kaniya kaniyang upuan. Halos lahat ay iyon ang pinaguusapan. Ang pagsisimula ng actual lessons. Tumahimik lang nang dumating si Mr. Kugu.
Hindi uso ang pagbati ng good morning sa eskuwelahang ito kaya naman nagsalita na ito kaagad.
"Natapos na ang araw ng pag-aalay. Sapat na ang mga paunang klase na tinalakay ko sa inyo para maging handa sa aktwal na mga leksyon. Mas pagtuunan niyo ng pansin ang bagay na ito."
Nagkatinginan kami ni Nash.
"Mula umaga ng alas-siyete hanggang alas-onse ay ang ensayo para sa archery babalik kayo sa ala-una ng hapon at uuwi hanggang alas-sais ng gabi."
"Parehas kina Felice?" bulong ko kay Nash.
Tipid siyang tumango. "Pangkalahatan na ito simula ngayon."
"Inaasahan ang lahat ng estudyante sa field simula ngayong araw. Kapag nangyaring may hindi sumipot humanda na kayo sa makukuha niyong grado." Saglit nitong inilibot ang paningin. "Bago ko makalimutan, pumunta muna kayo sa gym. Gagawin ang pangkalahatang pagbubukod."
"Ano raw?" Napakamot ako sa ulo. "Anong pangkalahatang pagbubukod?"
"Pagsasamahin ang mga estudyante base sa ability. Peculiar in body, doon ka magpapalista."
"O-okay..." pagiisipan ko pa sana kung saan ako. Hindi naman masamang naroon ako sa pila ng mga peculiar in body dahil iyon naman talaga ang ability ko kahit na akala nila'y ako ang dating pangalawang ranggo na peculiar in sight.
Tumango si Nash at sinenyasan akong sumunod. Sumunod nga ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa gym.
Apat na lamesa ang nakahilera roon. Nakaupo rin ang apat na babaeng may hawak ng listahan.
"Pumila ka, ilista mo ang pangalan mo para ma-register ka sa grupo."
Nagsimula nang pumila ang mga estudyante. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nagpalipat lipat ang paningin ko sa lamesa para sa peculiar in mind at lamesa para sa peculiar in body.
Sabi ni Nash ay sa peculiar in body raw ako, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magdalawang isip. Bakit ba ako lang ang nahihirapan ngayon?
Napapikit ako nang mariin.
Ngunit natigilan nang may humila sa akin.
"T-teka!"
Si Spark, kinaladkad ako papunta sa lamesa ng mga peculiar in body. Nanatiling seryoso ang mata, tutok sa pupuntahan. Hindi alintana ang pagpupumiglas ko ngayon.
Dahil roon ay natahimik na lang ako. Nang tuluyan nang makarating ay doon ako nagkaroon ng tiyansang magsalita.
"Hindi dito ang pila ko!"
"I know, but I want you to be with me." Blangko ang ekspresiyon niya nang tignan ko siya.
Pinauna niya ako sa pila, binantayan niya naman ako mula sa aking likuran. Siguradong iniisip niyang pinaglalaban kong mapunta sa pila ng mga peculiar in sight.
"Masiyado kang malapit." Nakangiwi ko siyang itutulak sana, pero dahil hindi pa rin siya umaatras ay ako na ang nag-adjust at lumayo.
Narinig ko ang pagsinghal niya kasabay ng muli niyang pagdikit sa akin.
Kahit naiilang at naiirita ay hinayaan ko na lang ito dahil wala na rin namang natitirang espasiyo para makalayo.
Nang ako na ang sunod na pipirma ay natigil ako sa pagsulat nang lingunin ko ang paligid.
"Hindi ba peculiar in sight si Hennie?"
"But I saw her sa canteen nung first day, kaya niyang magteleport."
"Miss? Are you okay?" tinanong ako ng babae na nakaupo sa lamesa.
Hindi ako kaagad na nakasagot, abala sa pakikinig sa paligid. Mas dumarami ang nagbibigay ng kaniya kaniyang komento.
"You teleported? Why did you..."
Hindi ko pinansin ang tanong ni Spark.
Narinig ko ang pagsinghal niya mula sa likod ko. Ikinagulat ko ang paghawak niya sa kamay kong may hawak rin ng ballpen at siya na mismo ang nag-akay rito para isulat ang pangalan ko.
Mabilis akong bumitaw nang matapos. Kinakabahan. Napangiwi na lang ang babae sa amin. Nang si Spark na ang maglilista ng pangalan ay doon ako pasimpleng tumakbo at nagteleport papunta sa field.
Iba ang pakiramdam ko kapag malapit ako kay Spark.
Kaagad akong nakarating sa field, sapo ang dibdib. Kapag tumatakbo naman ako noon ay hindi ganito kasama ang nagiging lagay ng paghinga ko. Ngayon ay talagang nahihirapan ako.
"Bakit hingal na hingal ka?" Naabutan ko si Maika, hawak ang pana sa kanang kamay.
"Tumakbo. Baka ma-late ako e."
Nagkibit-balikat na lang siya at inabutan ako ng pana. "Marunong ka ba? If not, pasensiya na hindi kita matuturuan. Nahihirapan din kasi ako rito. Alam mo na, peculiar in mind ako at hindi peculiar in sight."
Tumango na lang ako at tinignan ang paligid namin. Paano? Hindi ako marunong nito.
"Nasa mga peculiar in sight si Felice. If you're looking for her."
Tumagal ang paningin niya sa akin. May lungkot sa mga mata.
Nagpaalam ako sa kaniya at pumunta sa grupo ng mga peculiar in body. Nakihalo ako sa mga estudyante para hindi ako makita ni Spark na nasa bandang unahan.
Mga ilang minuto rin kaming nakatayo. Hindi ko alam kung ano pang hinihintay namin at hindi na lang kami mamana ngayon rin. Masiyado silang madaming pakulo.
"Hidding?"
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na iyon.
Si Spark.
"H-hindi! Nauna lang ako."
"You didn't wait for me." Hinila niya ako papunta sa tapat ng mga bakal na railings. Sa harap nito ay naroon ang mga target boards na may layong ilang metro mula sa railings. Kumuha siya ng palaso.
Tumira siya at tumama ito sa gitna. Tila hindi man lang siya nahirapan sa kabila ng bigat at ng puwersang pinakawalan niya.
Kumuha rin ako at iniunat ang tali, pero kaagad niya akong pinigilan.
Naroon ang mga mata niyang nanunuri. "That was a bad shot. Your arms are shaking and unstable."
Sasagot na sana ako, ngunit kusa rin akong napalingon sa gawi kung saan naglalakad ang mga ranggo papalapit dito.
"Anong gagawin nila dito?!" Pabulong lang ang naging sigaw ko. Nag-iwas ako ng paningin at pasimple pa akong tumalikod.
Naalala ko ang ginawa kong pagyakap sa unang ranggo kagabi na tinakbuhan ko rin naman kaagad pagkatapos. Mas tumindi tuloy ang kaba na nararamdaman ko.
Nang bumalik sa wisyo ay kaagad akong nagtago sa likuran ni Spark. Papalapit na ang mga ranggo sa amin. Hindi ko namalayang nakakapit na pala ako sa uniform ni Spark. Nagtangka siyang umalis, hinila ko ulit siya pabalik sa harapan ko.
"What the f**k are you doing?"
"Huwag kang umalis!" kabado pa rin ako.
Nakita kong ngumisi siya.
Palihim akong umismid. Iniisip niya ba na chansing ang ginagawa ko?!
Mas humigpit ang kapit ko sa kaniya nang makitang katabi na ni Spark ang unang ranggo. Bawat lingon nito, mas hinihila ko si Spark para matakpan ako.
"Bakit hindi pa ito simulan?" anang unang ranggo.
Tamad na sumagot si Spark. "Someone's being a hindrance."
Hinila ko ang laylayan ng uniform niya para hindi na siya magsalita, pero walang nagawa iyon nang umatras ang unang ranggo dahilan para magkapantay kami.
Nakita ko kung paano siyang ngumisi. Wala akong nagawa kundi bitawan ang uniform ni Spark na nagsimula ng pumana.
Nanatili akong nakatingin sa kabilang gilid para hindi ko makita ang ekspresyon ni Silver. Kinakain ako nang matinding hiya.
"Next."
Napapikit ako nang matantong tapos na si Spark at ako na ang susunod. Pumunta sa gilid ko si Spark kung saan ako nakatingin. Inangatan niya ako ng kilay kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo na sa tapat ng target board. Hinila ko ang string kasabay ang palaso, nanginig ang kamay ko.
Ganito pala talaga kahirap ito. Mas mahirap pa sa naisip ko kanina.
Nagulat ako nang may maramdamang presensya sa likuran ko. Lumingon ako at kaagad din na natigilan nang makitang muntik ko nang mahalikan ang unang ranggo na nasa likod ko ngayon.
Nakangisi siya.
Mabilis akong nagbalik ng paningin, masiyado siyang malapit kaya sobra-sobra rin ang kaba ko.
At hindi pa natapos doon dahil hinawakan niya ang bow at ang kamay kong may hawak ng string.
"Focus on the target board. Then, pull." Hinila niya ang string habang hawak ang kamay ko. "Wait for the perfect timing and..." Pinakawalan niya ang palaso at sumakto ito sa pulang bilog sa gitna ng target board. "Release. A piece of cake."
Nagmake-face ako at sinubukang gawin ang itinuro niya.
Dumaplis ang dulo ng palaso sa board dahilan para tumalbog ito pabalik. Natulala ako at hindi nakagalaw kaagad sa kinatatayuan ko.
Katahimikan.
Akala ko'y matatamaan na ako nang tuluyan. Ngunit laking gulat ko nang mahuli ito ng unang ranggo at binali gamit ang isang kamay.
Nahuli sa pagharang si Spark. "f**k!"
"Why are you this stupid? Damn." Naging seryoso ang boses niya. "Next."
"P-pero..." naalala ko ang sinabi ni Nash at Maika na dapat ay wala kaming sablay sa grade. Ayokong makulong sa school na 'to habang buhay.
"Next!"
Napaatras ako nang sumigaw na siya.
Bakit ganoon?! Akala ko ba tatlong beses ang trial? Nakakaisa pa lang ako! Ganoon ba kalaki ang galit niya sa akin?!
Umalis ako at pumunta sa Canteen. Walang tao dahil halos lahat ay busy sa archery. Lahat sila pursigidong makakuha nang mataas na marka. Samantalang ako, wala man lang second chance pinaalis kaagad.
"Frezz."
Nag-angat ako ng paningin.
"Valentin..."
Umupo siya sa kaharap kong upuan. "Mag-usap tayo."
Natahimik ako. Siguradong pinuntahan niya ako rito para sa kasunduan namin. Wala akong makuhang tiyempo para roon.
"Puwede bang 'wag muna ngayon? Naghahanap pa kasi ako ng tamang tiyempo-"
"Don't confess yet."
Awtomatikong umarko ang kilay ko. "Akala ko ba..."
"Kapag nalaman ni Spark na lumabas ng university ang dating pangalawang ranggo malamang susundan niya ito. Ikamamatay niya kapag sinubukan niyang tumakas."
"P-pero."
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Mas ligtas rin kung mananatili kang ang dating pangalawang ranggo. Magiging ligtas ka sa maaaring pagganti ng mga kaaway ng dating pangalawang ranggo. Magiging ligtas si Spark, at magiging payapa sa Tokuyu."
"Kaaway?"
Malalim ang naging paghinga niya. "Maraming naging kaaway si Hennie. Hindi siya malabanan dahil ranggo siya at malakas. Kapag nalaman nila na hindi ikaw si Hennie at ikaw ang kakambal niya maaaring sa'yo sila gumanti. Dahil una sa lahat, bago ka pa lang at wala pang sapat na kaalaman sa mundong ginagalawan natin. Ikapapahamak mo."
"Pero hanggang kailan ko gagawin 'yon?"
Tumikhim siya. "Hanggang maka-graduate ka bilang isang Ejento."
Itutuloy...