papasok na sa isang gate itong limousine at ito na ata ang gate papasok sa mansion. "this is our garden hija pina pangalagaan iyan ng mga gardener natin dahil kung naalala mo paborito ng mommy mo ang mga bulaklak" sabi ni lolo sakin ako naman nakatingin lang sa labas at ang dami ngang ibang ibang uri ng bulaklak. huminto ang limousine kaya bumaba na kami. bumungad sakin ang isang napakalaking mansion. grabe akala mo napakadaming nakatira dito. napangiti ako dahil parang naka punta na ako dito dati. "familiar sakin to" sabi ko habang nakatingin parin ako sa mansion. "Don't trigger your memories mika baka may maalala ka nanaman. huwag mong pilitin maka alala" sabi ng kakambal ko kaya tumango ako sa kanya. pumasok kami sa napakalaking pintuan at may mga kasambahay na nakahilera dito.

