SIDE THREE

2488 Words
THREE YEARS AGO LIAM JAMES Maaga akong umalis sa bahay para makipag kita na ngayon sa mga kaibigan ko para sa malaking halaga na hihiramin ko. Wala namang problema sakanila iyon dahil kung tutuusin ay barya lang naman iyon sakanila. At sadyang sobrang laking pera ang nawala sa company namin. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone na kanina pa nagri-ring, pinagtitinginan na din kasi ako dito sa loob ng coffee shop. *Incoming call Babe* mabilis akong napangiti, sa sobrang laki ng problema ko nakalimutan kong tawagan ang girlfriend ko. "Hi Babe!" masiglang bati ko sakanya. "Mabuti naman sinagot mo na, kahapon pa ako nag aalala sayo." mas lalong lumaki ang ngisi ko, alam kong naka pout na sya. "I'm so sorry Babe, masyadong naging occupied ang isip ko sa mga problema about sa company." paliwanag ko sakanya at napabuntong hininga na lang sya. "Akala ko may nangyaring masama na sayo eh, pinag alala mo ako babe. Kailan ka uuwi? Miss na miss na kita." paglalambing nya sakin. Kung pwede nga lang ay umuwi na ako dahil miss na miss ko na din ang girlfriend ko. "Next week babalik na ako babe. Miss na miss na din kita. Inaasikaso ko na ngayon ang hihiramin kong pera sa mga kaibigan ko para makauwi na din ako dyan." narinig ko ang mahinang pag tawa nya. "Talaga babe? Excited na ulit akong makita ka. Masyadong boring dito pag wala ka." ako naman ang napangiti. "Ang boring din dito sa Pilipinas lalo na pag wala ka. Para ngang gusto ko na bumalik agad dyan eh." "Babe, sige na. Need to go, dumating na kasi ang manager ko. Bye. I love you babe." Hindi na nya hinintay ang sagot ko. Isa kasing modelo sa America ang girlfriend kong si Vanessa Madrigal. Isang taon ko na syang girlfriend. "Wuss up Liam James!! Welcome back pare." may biglang tumapik sa likod ko pag lingon ko ang mga kaibagan ko pala. "Akalain nyong buhay pa pala itong si Liam." sabi ng pinaka mabait sa barkada naming si Joseph. Nag apiran pa sila ng kakambal nyang si Vincent. Iisa talaga ang kalokohan ng kambal na yan. "Sus! Na miss nyo lang ako. Kayo kamusta na?" nagtawanan pa sila. Mukang mali ang meet up place namin dahil nasa isang coffee shop kami. "Ito ganun pa din. Gwapo, mayaman, habulin pa din ng mga babae." sabi ng playboy na si Cade. Preparatory palang yata kami ay madami na itong babae na laging nakapalibot sakanya. "Dude, can we just transfer in some quiet and peaceful place?" si Nixon, ang pinaka serious type ng barkada. Mukang tama nga sya dapat lumipat kami. "Bar?" tanong ni Vincent or VJ. "Bro, ang aga pa. Let's eat muna kaya sa Restau?" sabi ni Joseph or JV na kakambal nya. "Mabuti pa nga. Tsaka mas tahimik doon. Mga babae kasi ni Cade sinama pa." pang aasar ko sakanya. Kung maka tili naman kasi ang mga babae dito akala mo ano na ang nangyayari eh. "Dude, FYI hindi ko sila sinama dito, alam mo naman ang charisma ko sa mga babae. Kung nasaan ako nandun din sila." pagyayabang ni Cade. Unang tumayo si Nixon para umalis na sa coffee shop na to. "Hindi pa din nagbabago yang si Hudson. Halika na nga bago pa tayo mapagalitan." pagbibiro ni JV. Sumunod na kami, hindi ko nga alam kung bakit lahat kami ay napapasunod pag si Nixon na ang nagsalita sa amin. Kent Nixon Hudson ang taga pagmana ng (Hudson Group) Automotive. Their company operated in 153 countries, and it has maintained in the top 9 largest companies in the world. "Bro, si Liam lang naman ang nag bago eh. Akalain mong tumagal sakanya ang isang babae?" sabi naman ni VJ. The Cortez Twins, Joseph Vincent (JV) and Vincent Joseph (VJ). Their family owned the Cortez Corporation one of the largest non-government owned company in the energy industry and produces about 3 percent of the world's oil and about 2 percent of the world's energy. "Ganoon talaga pag nahanap mo ang tunay na pag-ibig." Napangiwi silang lahat sa sinabi ko. Maging si Nixon napalingon sa akin at parang di makapaniwala sa sinabi ko. "Dude, seriously. Naging corny ka na din." sabi ni Cade. At nag tawanan sila maging si Nixon ay natawa. Pag nahanap nila ang katapat nila alam kong mas magiging corny pa sila sa akin. Si Cade Yrral  Aguirre ang number 1 playboy ng grupo. Akala mo laging may dala-dalang grupo ng mga babae kahit saan magpunta pero ang totoo lapitin talaga sya. Sakanila lang naman ang Aguirre Electronics Company,  the world's second-largest information technology company by revenue. "Makakahanap ka din ng katapat mo Aguirre." ako naman ang natatawa sa muka nyang parang nandidiri sa sinabi ko. "Sophie Xianne Nares." biglang sinabi ni Cade kaya naman ay napaharap ako sakanya. Nasa tapat na kami ngayon ng napiling Restau ni Nixon. "Dude, sabi ko makakahanap ka din ng katapat pero wag na wag mong isasali si Xianne sa mga babae mo." pagbabanta ko sakanya. Kahit ayaw ko man kay Xianne, mas mahal naman yun ni mommy kesa sa akin at paniguradong ako ang sisisihin nun pag may nangyaring masama kay Xianne. "Dude ang OA mo ah. Ayaw mo kay Sophie pero ang protective mo sakanya." Inakbayan ako ni JV, hindi pa rin ako nililingon ni Cade. "Halika na nga pumasok na tayo, sa loob na tayo mag usap." sabi naman ni VJ, nauna na kasing pumasok si Nixon bago sumunod na din ang kambal. "Hoy Cade Yrral, ano tatayo ka na lang dyan at papatunayan mo na ang salitang forever?" Hindi nya na gets ang sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako. "Sige dude mauna ka na sa loob. May bibilihin muna ako." tapos umalis na sya. Kaya naman pumasok na ako at hinanap ang table kung nasaan yung tatlo. Mabilis ko lang naman sila nakita dahil nasa pinaka dulo ang pwesto nila at may limang table na naka reserve. Ganoon talaga si Nixon ayaw nya ng may malapit sa amin pag may pag uusapan kaming importante, feeling nya kasi may makikinig sa pag uusapan namin. "Oh? Nasaan na yung isang unggoy? Nambabae na naman ba?" tanong ni JV. "Ewan ko dun. May bibilihin lang daw sya eh." sabi ko at umupo na. Katabi ko si Nixon at katapat ko yung kambal. Marami ang nalilito sa dalawang yan identical twins kasi sila, pero kung kilala mo sila hindi naman talaga ganun na nakakalito. May nunal sa leeg si JV at mas singkit ang mata nya compare kay VJ na walang nunal sa leeg at hindi naman sya singkit. Nag order na pala sila ng pagkain. Katulad ng dati puro steaks ang dala dala ng waiter at puro pineapple ang drinks. After mga 20 minutes ay nakarating na si Cade. "Dude kumain ka na. Kanina pa kami naghihintay hindi tuloy namin maumpisahan ang pag uusapan natin." pagrereklamo ni VJ. "Dude maka pag salita kala mo seryoso ka talaga dyan. Sige na simulan nyo na." sabi ni Cade. Naka upo sya sa tabi ni JV at nagsimulang kumain. "Dude kelan ka pa nahilig sa sundae ice cream?" natatawang tanong ko. Paano ba naman kasi nag paalam sya sakin na may bibilihin lang daw sya. Umabot ng 20 minutes ang paghihintay namin sakanya dahil lang bumili sya ng ice cream. "Oo nga Cade, kelan ka pa kumain ng ice cream? Nagbabago din pala ang taste mo." may makahulugang sabi ni VJ. "Ano ba? Kala ko ba sisimulan nyo na yang pag uusapan. And correction ito ay isang double caramel fudge sundae." bago iniangat nya pa yung ice cream nya. "What the hell dude. Akala ko puro condoms lang ang lagi mong dala. Ngayon may pa caramel fudge ka pa dyan na nalalaman." Nagtawanan kaming tatlo except sa napaka seryosong si Nixon. Sanay na naman kami sakanya. "Gago kayo. Favorite ko kaya tong  double caramel fudge sundae na to." sabi nya at tinaas ulit ang lalagyan ng ice cream nya. "Tapos na ba kayo dyan? Baka gusto mo ng simulan Liam ang idi-discuss mo sa amin." seryosong sabi ni Nixon. Kaya naman ay nagsimula akong ikwento ang nangyari sa company. Tahimik na nakikinig lang ang tatlo habang si Cade sarap na sarap sa caramel fudge na kinakain nya na ngayon. "Impossibleng ganun lang ang nangyari sa Company nyo Liam, hindi kaya inside job ang ginawa? Maaring isa sa mga investors nyo ang gumawa nun, pwede din ang stock holders or isa sa financial department." sabi ni Nixon "Under investigation na sya. At iyan din ang hinala ko." sabi ko na tumango lang si Nixon "Liam, mahirap nga itong problema mo lalo na't billions ang nawawala sainyo. Itatanong muna namin sa parents namin kung magkano ang mapapahiram namin alam mo naman na hindi kami pwede basta basta mag labas ng ganoong kalaking pera." sabi ni JV. Naiintindihan ko naman sila lalo na't Mama's boy yang dalawang yan kahit matatanda na ay laging naka depende pa sa magulang. "Ano naman ang sabi ng parents mo?" tanong ni Cade. Akala ko hindi sya nakikinig kanina. "Bibigyan lang daw nila ako ng isang buwan para maayos ko ang problema." napatigil ako sa pagsasalita dahil muntik ko nang masabi na kung hindi ko maayos sa loob ng isang buwan ay ipapakasal ako kay Xianne. Alam nilang close ang family namin pero hindi nila alam na simula ng mamatay ang parents ni Xianne ay sa bahay na namin sya tumitira. At hindi nila alam na kami ang ipapakasal ng mga magulang namin. "Oh? tapos anong mangyayari after a month pag di mo naayos yan? Don't tell me itatakwil ka nila?" sabi ni Cade. Kung alam nyo lang. Parang ibinebenta na ako ng magulang ko kay Xianne. Parang magiging pambayad ako. "Ah.. Hindi ko pa alam pero sabi nila dapat maayos ko ito sa loob ng isang buwan." pag papaliwanag ko. Nakita ko si Nixon na parang hindi kuntento sa mga palusot ko. Bakit ba kasi napaka observative nya eh. "Grabe naman pala sina Tito. Pero sige ipapaalam agad namin ito sa parents namin para matulungan ka na din namin." sabi ni VJ "Pag-aaralan ko muna kung gaanong kalaki ang mapapahiram ko sayo Liam." seryosong tumingin sakin si Nixon "Teka nga Liam, kelan mo ba balak ipakilala samin ang pinagyayabang mong girlfriend na model." sabi ni Cade. Buti naiba ang usapan hindi ko na talaga kaya salubungin ang mga titig ni Nixon. "Hindi pa kasi sya pwede umuwi ng Pilipinas dahil busy pa sya sa work nya. Pero pagnaka luwag luwag sya sa work and maayos na ang problema sa company ay babalik kami dito for vacation." totoo ang sinabi ko, gusto ko na din kasi ipakilala si Vanessa sa mga kaibigan ko at magkaroon ng quality time kasama sya. "Dude kailangan ko na pala umalis, maghahanap pa ako ng drawing tablet sa mga branch namin. Ang bilis kasi ma out of stock nun." sabi ni Cade habang iniinom nya ang pineapple juice nya. "425 stores in 14 countries, ilang branch ba ang nasa Pilipinas. Aanhin mo naman ang drawing tablet? Hindi ka naman animator or designer?" sabi ni JV. Nagkibit balikat lang si Cade sa amin. "Meron kasi akong kaibigan na nagpapahanap. Kailangan nya daw agad eh. So, paano mauna na ako. Liam text mo na lang ako sa amount ah." sabi ni Cade at nag mamadaling umalis. "Iba na talaga pag anak ng may-ari ng Aguirre Electronics no? Lahat ng latest model ng mga gadgets updated sya. Samantalang kami ni JV puro oil and gas ang pinamana samin " bago nagtawanan ang kambal. Sobrang laki ng business nila hindi biro magpatakbo ng ganoong kalaking company lalo na kung buong mundo ang umaasa din sakanilang oil and gas. "Tapos buti pa tong si Nixon puro magagandang model ng mga sasakyan." sabi naman ni JV, sa laki din ng business nina Nixon nasa top 9 sila sa pinakamalaking company sa buong mundo. Kasing laki ng business nila ang Volkswagen. "At itong si Liam, hindi na magugutom sa dami ng mga pagkain nila. Ikaw ba naman ang magkaroon ng Kutler Stores Inc. at may 11, 000 stores sila sa 27 countries." sabi ni VJ. Hindi ko nga din lubos maisip bakit nagkakaganito ang company namin. Samantalang kami ang American multinational retail corporation that operates chain of large discount in department stores and warehouse stores. At ang largest retailer in the world. Sigurado akong mababalita itong nangyari sa company. "Liam, na pag aralan ko na ngayon ang halaga na mapapahiram ko sayo. Isang billion lang dahil baka mapansin ng ibang stock holders pag nag labas ako ng mas malaking halaga." sabi ni Nixon. Kakaiba talaga ito mag isip, kaya naman pala tahimik lang sya dahil pinag-aaralan na nya. Malaking bagay na din ang isang billion. "Maraming salamat talaga Nixon. Malaking bagay na ang isang billion at hayaan mo pag nabawi ko na ang malaking halagang nawala sa akin ay ibabalik ko agad sayo ang hiniram ko with interest pa." tumango lang sya. "Basta Liam tutulong din kaming magkapatid pero sina Mama kasi talaga ang nag dedesisyon sa ganitong usapin eh." sabi ni JV. Nag kwentuhan pa kami ng mga isang oras pa bago kami nag decide na lumipat kami sa isang Restaubar para makapag inuman kahit konti lang. Puro katuwaan ang ginawa namin. Hindi nga lang nakasama si Cade sa amin himala at umayaw makipag party ngayon samin. Busy talaga sa paghahanap ng drawing tablet na yun. Mga alas-siete na ako naka-uwi sa bahay, sabay-sabay na kami umuwi dahil si Nixon ay may mga gagawin pa daw sya at may presentation sya bukas ng umaga sa company nila. At ang kambal ay kailangan na umuwi para daw sa dinner nila. I told you guys masyadong mama's boy ang dalawang yun. Pag pasok ko sa bahay naabutan ko si Xianne sa sala habang gumagawa sa sketch pad nya ng mga drawing na gowns. "James, andito ka na pala." Masayang bati nya. Tumango lang ako sa kanya at aakyat na sana ako ng tinanong nya ako. "Nag dinner ka na ba?" tanong nya. "Oo kumain na ako. Nasaan sina mom and dad?" biglang nag ring ang phone nya kaya hindi nya agad ako nasagot at mabilis naman nyang binitawan ang phone nya. "You can answer your phone. Masyadong maingay." at agad naman nyang kinuha ang phone at bago sinagot ang tawag ay humarap sya sakin at sinabing. "Umalis sina tito and tita eh." sabi nya at tumalikod na ako. Humarap ulit ako para sana itanong kung saan nag punta pero nakatalikod na din sya at masayang kinausap ang kanina pang tumatawag sa phone nya. "Hello? Really? As in!! Wow thank you thank you talaga." "Ohh sure. Haha oo buti na lang talaga meron pa. Sabi ko naman sayo if available lang naman. And gusto ko lang ma try if anong mas maganda. Oo nga eh. Sure. Hmm let's just meet tomorrow? Ahhh no no no.. You don't need to go to my house, masyadong abala na ako sayo. Yes. Okay, same place? Sure. Sige sige basta lilibre na lang ulit kita ng favorite kong Double Caramel Fudge Sundae. " napailing na lang ako. Isip bata pa din tong si Xianne. Parang hindi sa Paris, France tumira. Umakyat na lang ako. Masyadong maingay si Xianne. [sana po suportahan nyo pa din po ang story na ito, katulad ng pag support nyo sa kakatapos pa lang na "Kuya, I Lust You"]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD