THREE YEARS AGO
"Sophie, halika may sasabihin ako sayo." tawag sakin ni Tita Remie. Sumunod ako sakanya nang pumasok sya sa kwarto ko. Dito na ako pansamantala mag stay sa bahay nila kasi wala akong kasama sa bahay namin maliban sa mga maid, dahil iilang months na rin ang nakalipas noong mamatay ang parents ko.
"Tita bakit po?" Para kasing hindi mapakali si Tita.
"Sophie, anak. Mahal mo naman ang anak naming si Liam diba?" naguguluhan man ako ay tumango ako at napakamot sa ulo dahil nahihiya pa din ako.
"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon hija, mag-iisang taon na ring patay ang mga magulang mo. Huwag mo sana mamasamain ang sasabihin ko hija" hinawakan nya ang kamay ko. Kinabahan tuloy ako sa kinikilos ni Tita.
"Ano po ba yun Tita?" pinisil ko ang kamay nya para bigyan sya ng lakas para matuloy nya ang sasabihin nya. Kahit kasi noong nabubuhay pa ang parents ko tinuring ko na ding second mom si Tita.
"Alam mo naman diba ang naging kasunduan ng mga pamilya natin diba? Ikakasal pa din kayo ni Liam?" nanlaki ang mga mata ko, alam ko yun dahil noong nabubuhay ang mga magulang ko ay naging bukam-bibig ko sakanila na gusto ko si James kahit na suplado sya.
"Tita, WHAT??" halos mapasigaw na ako sa sinabi ni Tita.
"Nabigla ba kita Sophie? Alam kong kakatapos mo palang sa pag-aaral at mag sisimula palang talaga ang totoong buhay mo. At sa edad mong dalawampu ay dapat nagsasaya ka pa." paliwanag ni Tita Remie. Hindi naman talaga sa ayaw ko pero kasi kakamatay lang ng mga magulang ko, mag-iisang taon na.
"Medyo lang naman po Tita. Natatakot lang po ako sa magiging reaction ni James lalo na't nasa America po sya. Baka hindi po yun pumayag na maikasal sa akin." Si Tita naman ang nagulat sa sinabi ko.
"Ibig bang sabihin nito ay pumapayag ka na din?" Masayang sabi ni Tita
"Actually Tita dati pa talaga ako excited, kaya nga po ni isa sa manliligaw ko ay hindi ko sinagot dahil alam kong nakalaan lang ako kay James." masayang masaya ako na tila nangangarap pa.
"Wag kang mag-alala hija, magiging Mommy Remie mo na din ako. Akong bahala sayo." napayakap pa sya sakin sa sobrang saya nya.
"Pero Tita si James lang po ang inaalala ko, noon pa man ay ayaw na nya sa akin. Baka po hindi pumayag yun sa gusto natin." nag aalala lang talaga ako. Noong mga bata kami sinabi sa amin na darating ang panahon na ikakasal din kami. Tandang-tanda ko ang mga sinabi ni James noong araw na yun. "Hinding-hindi ako mag papakasal sakanya at isa pa hindi nyo ako pwedeng diktahan kung sino ang mamahalin at pakakasalan ko." ito ang kinakatakot ko na baka hindi pumayag si James, alam kong hanggang ngayon ay sila pa din ng kanyang girlfriend.
"Ako ang bahala kay Liam, at isa pa wala ka dapat ikatakot dahil ikaw lang ang gusto kong maging daughter-in-law" masayang masaya ako sa sinabi ni Tita Remie
"Pero Tita, may girlfriend po si James sa America di po ba?" pagpapa-alala ko sakanya.
"Wag mo nang isipin iyon hija, tandaan mo ang puso natuturuan yan na magmahal kaya sa tamang panahon ikaw na ang mahal ni Liam basta iparamdam mo sakanya ang pagmamahal mo." iyon ang huling paalala ni Tita bago sya lumabas ng kwarto ko. Tama, sa takdang panahon ay ako na din ang mamahalin ni James. Ang sarap siguro sa pakiramdan na tawaging Mrs. Liam James Kutler at mas lalong masarap sa pakiramdam kung mahal nya na din ako.
.....
Nagulat ako kasi after a week na sinabi sakin ni Tita ang tungkol sa napag-usapan namin ay nandito na si James sa Pilipinas, dalawampu't-isang taon pa lamang sya pero sya na ang naghandle ng business nila sa America.
"Hi James" bati ko sakanya noong nakita ko sya sa sala ng bahay nila. Tumingin lang sya sakin at binalik ang mata sa pagbabasa ulit ng mga papel na dala nya. Hindi man lang ako pinansin pero ayos na din pala yun atleast tumingin sya sa akin.
"Sophie hija, andito ka na pala. Kamusta ang pag sha-shopping mo?" tanong ni Tita Remie sa akin. Umalis kasi ako kanina para pumunta sa mall at mamili dahil matagal-tagal na din akong hindi nakakapag shopping kaya excited ako kanina.
"Opo Tita, ayos lang naman po. Sinamahan ako ng mga kaibigan ko." masayang sabi ko at hinila ako ni Tita paupo sa tabi ni James. Agad namang umatras si James nang maka-upo na ako sa tabi nya.
"Ma!" sigaw ni James.
"Ano ka ba naman hijo, wag ka ngang ganyan kay Sophie." babala ni Tita sa anak nya.
"Dapat kasi hindi nya inaaksaya ang pera sa mga pagbili ng mga luho nya." galit na singhal ni James, ngayon lang naman ako ulit bumili ng gamit para sa sarili ko pero kung ayaw nya akong gumagastos sa sarili ko ay ititigil ko na to.
"Ang OA mo na Liam. Babae kami, kaya dapat lang na laging maganda at maayos sa paningin ng lahat. Kaya naman wag mong pagbawalan si Sophie sa pag shopping nya natural lang iyon sa aming mga babae." Pag dedepensa sa akin ni Tita.
"Nako Tita, okay lang po. Siguro ay tama nga si James na dapat hindi ko sinasayang ang pera ko sa mga ganitong bagay." Nahihiya kong sabi. Wala naman ng sumagot kaya nag paalam na ako sa kanila na aakyat muna sa kwarto ko.
LIAM JAMES
Umalis na si Xianne at agad na din akong pumasok sa study room ni Dad. Sumunod din pala sa akin si Mom.
"Dad" bati ko agad noong nakapasok ako sa loob, agad naman nyang binaba ang mga papeles na hawak nya at tumayo sa upuan nya para salubungin ako at niyakap.
"Liam James, buti naka-uwi ka" sabi ni Dad. Pumunta sa tabi nya si Mommy at pinulupot na ni Dad ang braso nya sa bewang ni Mommy.
"Kailangan po kasi nating maayos agad ang problema sa company, Dad kaya kailangan na personal ko kayong maka-usap" sabi ko at agad na naupo sa mini sala na nasa loob ng study room ni Dad.
"Hijo, bakit ba ganoong kalaki ang nawalang pera sa company? Kamusta ang investigation?" Si Mommy naman ang nagtanong.
"As of now Ma, kailangan natin nang malaking halagang pera kung hindi baka mag back out lahat ng investors natin. Nag simula na din ang investigation pero hanggang ngayon ay wala pa ding resulta." Sagot ko sakanila. Nangunot ang noo ni Mommy
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sainyong mag-ama ang tigas kasi ng ulo nyo. Pumayag na si Sophie na mag pakasal kay Liam kaya walang problema doon. Isa pa malaki ang maitutulong ng Company nina Sophie pag kasal na kayo." pag pipilit na naman ni Mommy. Ayaw ko talaga sa ganoong ideya nya. At isa pa may nobya na ako.
"Honey, hindi ba't panggagamit na iyang gusto mo? Isa pa, wala pang isang taong namamatay ang mga magulang ni Sophie" Paalala sakanya ni Dad.
"Doon din naman mauuwi iyon Hon, ipapakasal din natin sila. Napag-usapan na namin ito ni Sophie after maka-isang taon ay papayag na syang mag pakasal kay Liam which is one month from now." sabi ni mommy at napailing na lang si Dad.
"Ma, nandito lang ako at kung makapag-usap kayo dyan ay parang hindi nyo na ako inisip. Hindi ako pumapayag sa gusto nyo. Hindi ko papakasalan si Xianne para sa pera nila higit sa lahat ay may nobya akong naiwan sa America. Ako na ang gagawa ng paraan, kung kinakailangan ay uutang ako sa mga kaibigan ko nang malaking halaga." pag pipilit ko pa din sakanila.
"Matagal na din namang na pag-usapan iyon Liam, at sayo ipinagkatiwala ng mga magulang nya si Sophie." nangungunsensya na naman si Mommy
"Ma, kung ang gusto nyo ay aalagaan ko din si Xianne pero hindi bilang asawa, pwede ko naman sya maging kapatid." sinamaan ako nang tingin ni mommy at napangisi na lang si Dad. Alam kasi ni Dad na wala kaming parehong laban pag dating kay mommy.
"Tumigil ka Liam. Bibigyan kita ng isang buwan at kapag hindi mo na solusyunan yang problema sa kompanya ay agad kaming pupunta ng America ng Daddy mo kasama si Xianne." napakamot ako sa ulo. Pero gagawin ko ang lahat para maayos ang kompanya.
"Naka-usap ko na ang mga kaibigan ko at mapapahiram nila ako ng malaking halaga, kaya rin naman ako nandito sa bansa para personal ko silang maka-usap." kaya naman kampante akong hindi kami maikakasal ni Xianne.