SIDE THIRTEEN

2942 Words
Nakapag ready na kami ni Kendra. I am wearing a red flowery shirt cropped top and a very short shorts. I feel so sexy tonight. And I want to show it to James. Sana pansinin nya ako, he's right I am his wife and he's my husband but the thing is he doesn't want anyone to know about our marriage pero iba yung action nya kanina. If tama yung hinala ko, he even wants to tell it to others na we're married but knowing James hindi siguro. Baka nag kamali lang ako kanina. May biglang kumatok sa kwarto namin. Cade and the twins, as usual they look handsome as ever. Kasunod ko si Kendra sa may pintuan. "Wow you two look so hot." bati samin ni Joseph. He's the one who have a mole in his neck and mas maliit ang mga mata nya kumpara kay Vincent, his twin brother. Joseph is the shy type guy pa nga compare sa kakambal nya. And habang nakikilala ko sila, parang mas playboy pang titingnan si Vincent. Sabay-sabay na kaming pupunta sa bar, hinahanap ko si James pero sabi nila nakababa na daw kasama si Nixon. Si Kendra naman, she's wearing a black fitted dress above the knee. Parang hindi sya 16 years old. She looked so matured in her attire. Tapos yung body nya, well she really looks sexy and hot. Lumapit sakin si Cade nang makababa na kami. We are walking now towards the beach and the event is near the beach. Nawala na sa paningin ko ang kambal for sure mambabae na ang dalawang yon. Umupo muna kami, madami dami na din ang mga tao. May bandang tumutugtog sa stage habang nag sasayaw ang mga tao sa baba. "Hey, what do you want to drink?" Pukaw samin ni Cade. Kanina pa kasi namin pinapanuod ang mga taong nag sasayaw. "Ano ba ang pwede? Hindi naman ako maalam sa mga ganito." Sagot ko kay Cade. Lalo naman itong si Kendra bawal pa syang uminom ng mga ganito. "Okay. I'll order. For Kendra, you can choose between mango, strawberry, peach, banana, or kiwi." Nakikita ko ang pag kunot ng noo ni Kendra, itong batang 'to gustong gusto talaga makatikim ng alcoholic drinks. "And for you Sophie, I will order the s*x on the beach cocktail." Nanlaki ang mga mata ko, ganon talaga ang name non? Kaya ayoko mag iinom eh. Parang nawawala ako sa sarili. "And one order of Dirty Martini." dagdag pa ni Cade. Napakarami talaga nyang alam. Nakita ko sa hindi kalayuan na table si James, mag isa lang sya don. Ang gwapo nya sa suot nyang white long sleeves na shirt na tinupi hanggang siko nya. Tapos mukang bored na bored pa sya dito. Hanggang tanaw nalang ako sa asawa ko. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga order namin. "Here's your order sir." Sabi ng waiter at inilagay ang mga drinks namin. May mga nilagay pang ibang pagkain sa lamesa namin. Sinubukan ko namang tikman yung inorder ni Cade samin. "Ehhhkk. Cade ba't ganto ang lasa. Ano ba to?" Hindi ko gusto ang lasa nya eh. Parang ewan. "s*x on the beach is the combination of vodka, peach schnapps, cranberry juice, and orange juice. Do you want me to order you another drink?" Natatawa sya sa itsura ko ngayon. Ang pangit kasi talaga ng lasa. "Ate Sophie, patikim nga ako nyan." Hindi pa ako nakakasagot pero nakuha na ni Kendra ang iniinom ko. Itong batang to. "Kendra, bawal pa sayo yan. Baka malasing ka dyan ah." Nag aalala lang naman ako. Tapos ako pa naman ang kasama nya sa kwarto. "Okay naman pala ang lasa ate Sophie, akin nalang to. Tapos sayo nalang tong Mango shake na inorder ni kuya Cade." Wala na akong nagawa, inubos na ni Kendra yung drinks ko eh. Tinikman ko nalang yung mango shake nya. Ni hindi pa nga nababawasan ni Kendra yung shake nya, ang sarap naman eh. "One Classic Manhattan." Nag order na naman si Cade. Ang bilis nya mag inom. "Kuya Cade, ang sarap naman nitong s*x on the beach. Pwedeng isa pa?" Tumingin muna sya sakin, parang nag tatanong kung anong gagawin nya. Nag kibit-balikat nalang ako at walang nagawa si Cade kundi mag order pa ulit. "Another glass of s*x on the beach and pink lady." Order ni Cade sa waiter. Nag e-enjoy naman ako sa iniinom kong mango shake. Maya-maya lang ay dumating na ulit ang order namin. Sabi ni Cade tikman ko daw yung pink lady. Isang tikim pa lang ang nagagawa ko pero alam kong hindi ko magugustuhan 'to. Kung ang s*x on the beach nga hindi ko nagustuhan mas lalo naman tong pink lady. She's not as sweet as she looks. "Kuya Cade, ang sarap ah. Ganito pala ang feeling ng nakainom ng alcoholic beverages." Tuwang tuwa naman si Kendra. Hayy nako. "Cade, wag ka na mag order. Baka malasing si Kendra. Tsaka mag enjoy nalang tayo wag na tayo masyadong uminom." Awat ko kay Cade. Pero parang bale wala lang sakanya. "We're here to enjoy and get wasted Sophie. We need this. And don't worry all drinks on me. And you little girl, you can order whatever you want. I got you" Uhh sya ba ang mag aasikaso mamaya pag nalasing 'tong si Kendra. "Kendra, stop it na. Baka malasing ka." Awat ko sakanya. Kasi nag order sya ng isang Margarita and Mojito. Andyan na agad ang orders nya. Pero bago nya daw inumin kailangan ko daw munang tikman. Ang kaso nga ayokong uminom. Ayokon na ding malasing ulit. "C'mon Sophie. Don't be a KJ. Look at Kendra, she's good at drinking." Medyo napipikon na ako kay Cade. Imbis na pigilan si Kendra sya pa ang pasimuno nito. Tinikman ko nalang lahat. Kaso gumuguhit sa lalamunan ko kada tikim ko. "Gin and Tonic. Whiskey." Tinaas lang ni Cade ang kamay nya para ipaalam sa waiter ang order nya. Feeling ko gusto nya tikman namin lahat ng alak dito. "Black Russian." "Bloody Mary." "Blue Hawaiian." "s*x on the beach." "Classic Manhattan." Halos mag pabalik-balik ang waiter sa table namin. Sumasakit na din ang ulo ko at mukang lasing na yata si Kendra. Oh God. Tumayo na ito at nag simulang sumayaw. Habang lumalalim ang gabi, palakas nang palakas ang tugtog. Hinatak ko ang suot nyang dress pababa kasi tumataas na ito. "1 bottle of Smokehead." Napalingon ako kay Cade. Nag order na naman kasi sya eh. Ang kulit din ng isang 'to. "Cade, can we stop drinking? Look at Kendra. She's wasted and what the.. Where is she?" Pag tingin ko kasi sa gilid ko wala na si Kendra at nandon na sya sa dagat ng mga tao na nag sasayaw. Parang bigla akong nahilo sa biglaang paglingon at paghahanap kay Kendra. Mas sumakit lalo ang ulo ko. "Hey are you okay?" Lumapit naman agad sakin si Cade. "Yeah. I'm fine. Let's get Kendra first." Nag simula naman kaming hanapin si Kendra. Ayaw ko namang pabayaan ang batang yon. Nasa gitna na kami ng mga taong nagsasayawan. Ang ganda ng beat ng mga tugtugan kaya hindi mo din maiwasang hindi mapasayaw. "Go Sophie, let's dance." Maya-maya lang ay si Kendra na ang lumapit samin. Kaya ang nangyari tawa kami nang tawa na parang mga baliw. Patalon talon pa kami at confirmed lasing si Kendra at yari ako mamaya. At ako? hindi naman ako lasing may tama lang pero nag eenjoy na din naman ako. Magkakahawak kami ng kamay at gumawa pa kami ng maliit na bilog. Then we dance and jump together. This is the life I missed when I was a teenager. Good thing Kendra was able to experience this. Ilang minuto pa kaming parang mga baliw. Then in just a second nawala si Cade sa harap namain atang pumalit ay ang galit na muka ni Nixon. He's very mad. Kaya pala nawala si Cade dahil sinuntok nya ito at dahil may tama na din kaya napahiga na sya. "What's wrong Bro?" Galit na asik ni Cade kay Nixon nang makabangon ito at bigla nalang din na itinulak si Nixon sa dibdib. "What the hell Cade. Look at them. They are both drunk. And you did it to them. I don't f ucking care if you and Sophie gets drunk. But hell. Dinamay nyo pa si Kendra. For God's sake. Cade, she's just a minor." galit na galit na si Nixon samin. I tried to stop them pero sumasakit ang ulo ko sa sigawan nila. Si Kendra naman ay nakasandig nalang sa dibdib ni Nixon. Kitang kita ang pag taas at baba ng balikat ni Nixon. Halatang galit na galit ito. Mabilis nyang hinubad ang suot na jacket at inilagay sa balikat ni Kendra. Sinamaan nya ng tingin ang babae, pero nginitian lang sya nito at agad na kinaladkad pabalik ng hotel. Napabuntong hininga nalang ako. Imbes na mag enjoy mukang mauuwi pa sa disaster. Sumakit na naman ang ulo ko. Pag balik ko sa table namin andon pa din ang baso ng whiskey. Inisang lagok ko ito, ang pangit ng lasa pero wala na akong pakialam. Hindi na ako naawat ni Cade ng ininom ko pa ang Black Russian. Halos masuka suka na ako. Naging alerto naman si Cade at naramdaman kong inalalayan nya ako. "Xianne!" Sigaw ni James nang makalapit na sya amin. Inaalalayan na kasi ako ni Cade, gusto ko na din kasing bumalik sa kwarto namin. "Hi Ja-James. Galit si Nixhon sha min" Lasing na talaga ako dahil malakas na ang loob kong harapin si James. "Let's go Xianne." Wala pa ding reaksyon ang gwapong muka ni James. Nag nagiging gwapo ito kapag seryoso ang muka nya. "Don't worry Liam, I will take care of her." Naka alalay pa din kasi sakin si Cade at sabay pa kaming humakbang palayo kay James. Nakakaladkad lang talaga ako. Hindi ko na nga kayang maglakad nang maayos. "Then what Aguirre? You will take advantage of her again." Galit na asik ni James. At mabilis nya akong hinila palapit sakanya. Sumubsob ang muka ko sa leeg nya dahilan para maamoy ko ang natural na amoy nya. Parang lalo yata akong nalasing. "What's wrong with you Liam. Lagi mo nalang ako hinaharangan kay Sophie. I can take care of her." Babawiin sana ako ni Cade kaso mas humigpit ang pagkakahawak ni James sa bewang ko. Tapos ngayon naman ay sinukbit ko pa ang dalawang braso ko sa leeg nya. Kulang nalang mag muka akong koala. "Nothing's wrong with me Aguirre. I'm just protecting what's mine. And this girl is mine." Naiwang nakatanga lang si Cade sa pwesto nya at hindi makagalaw. Natanaw ko pa syang nakatitig lang sa papalayong katawan namin ni James. Buhat nya na kasi ako, bridal style. Kumaway nalang ako kay Cade at nag bbye pa ako. Wala na talaga, lasing na talaga. "James put me down." Kasi naaalog ako habang buhat-buhay nya ako at mas lalo akong nahihilo. "No. And what? You'll go back to Aguirre? For pete sake, Xianne. You're drunk." galit pa din si James pero hindi ko maiwasang hindi kiligin. Siniksik ko nalang ang muka ko sa leeg nya. Nakakawala ng hilo ang amoy nya. "Ang bango mo James." hindi ko na napigilan ang bibig ko. Parang kusa nalang lumabas yon at naramdaman ko ang pigil na pag tawa ni James. Sinilip ko ang muka nya at nahuling kong nakatitig din sya sa akin. "You're not allowed to get drunk when im not around." Pangangar nya sakin at parang isang robot naman na tumango tango ako sakanya. Nakakalasing din ang mga tingin nya sakin. Bakit ganon? Pag tingin ko ay nasa loob na pala kami ng elevator. Nararamdaman ko ang titig ni James sa akin kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Nang makalabas kami ng elevator, sa kwarto namin sya pumunta. Baka nandon sina Kendra. Takot pa naman ako kay Nixon pero wala na akong choice kundi iabot kay James ang keycard namin. Pag bukas ng kwarto namin sobrang dilim ibig sabihin walang tao, wala sina Kendra at Nixon at nakahinga naman ako ng maluwag. Dare-daretso lang si James hanggang sa makarating sa kama namin, naramdaman ko nalang na dahan-dahan nya akong ibinaba. Napapa iling nalang sya sa kalagayan ko ngayon. Sinundan ko ng tingin kung lalabas na ba sya pero pumasok sya sa CR at may dalang maliit na bimpo at lalagyanan na may tubig. "You're drunk Xianne, pupunasan lang kita." Agad naman syang nagsimula. Sa mga braso ko tapos tumaas sa leeg ko, parang umiinit sa kwarto namin. Bukas naman ang aircon. Napap ikit nalang ako. "Ah-" Oh God. Hindi. No. Hindi ako umungol. "Are you okay Xianne? Can you stand now? You need to change your clothes." Agad kong binuksan ang mga mata ko. Sumalubong sakin ang kulay asul na mga mata ni James. "Help me." At inabot ko sakanya ang mga kamay ko. Agad naman nya akong hinatak pataas. Nasapo ko ang ulo ko dahil konting galaw lang sumasakit agad to. Nakapag palit na ako ng pantulog salamat sa tulong nya kaya naman bumalik ako sa agad kama. "Thank you James and I'm sorry na abala pa kita." Pag kasabi ko non ay akala ko aalis na sya. "You're my wife. I just don't like the idea na you get drunk with another man and for pete sake. It's Cade. Kaya kong palampasin yung dati, because you're not my wife that time. But now Xianne, you need to be cautious with the people around you. Not all of them have a good intentions." Parang si Dad sya ngayon kung sermunan ako. But I don't know what he's talking about. Lasing ba talaga ako or sya ang lasing. "He's good. I mean he's a good friend of mine. Don't worry about Cade." Kahit nahihirapan akong sabihin yon. Idinilat ko ang mga mata ko para makita sya. Baka kasi mamaya umalis na pala sya ng hindi ko namamalayan. "I'm not worried about Cade. Im just being protective of you. And Xianne, pinagtatanggol mo pa si Aguirre ngayon." Hindi ko na talaga ma take ngayon si James. He's being too nice to me. And I think this is the longest conversation I ever had with him. I will get drunk everyday if it's the only way for me to talk to him. Pero di ko yata kaya maging lasenggera. "I want to sleep now. Nahihilo ako." Kahit gustuhin ko pang makipag usap kay James hindi ko na talaga kaya. Sayang naman ang chance na to. "Do you want to drink some water?" Tumango nalang ako. Agad naman syang umalis. I want this side of James, yung aalagaan ka. This is the first time na ginawa nya to. He takes care of me and I feel na he's genuinely concern sakin. Ang dami namang first time today. Eh ang mag make love kaya? Oh god. Lasing lang talaga ako. "Here's your water." Dahan-dahan nya akong inalalayan pa upo para makainom ng tubig. Nag pasalamat nalang ako at nahiga na ulit. Kala ko umalis na sya pero naramdaman kong tumabi sya sakin kaya napadilat ako. Madilim na ang buong kwarto. Tanging ang buwan nalang ang nagbibigay liwanag sa kwarto namin. Halos naka glass kasi ang buong room, kaya makikita ang magandang tanawin sa labas tuwing umaga. "Why? I mean room namin to ni Kendra. Baka bumalik na sya anytime." Hindi ko pa mawari kung paano ko sasabihin sakanya. "She's with Nixon right now and ayoko namang matulog na katabi ang dalawa yon sa kama. And we've been sleeping together for more than three years na Xianne." He's right. Walang mali if matulog kami together pero parang may mali talaga kay James. He's acting weird na talaga. "Okay let's just sleep now." pumikit na ang mga mata ko pero hindi talaga ako maka tulog. Something is wrong talaga. Hinintay ko nalang makatulog si James. Nasa kanang bahagi ako ng kama at haharap na sana ako sa likod nya ang kaso magka face to face na kami ngayon. Pareho kaming naka side lying. Pinag masdan ko muna ang napaka gwapong muka ng asawa ko. He looks so peaceful and I wish na everyday na syang ganito. Lalo na tuloy na hulog ang puso ko sakanya na wala naman syang balak na saluhin. Ilang araw na kaming hindi nagkakatabi sa kama and I missed him so much. Mahal ko na sya kahit nag susungit sya sakin. Tapos mas lalo ko lang syang minahal kasi inaalagaan nya ako. Napansin kong malalim na din ang tulog nya. Napagod din siguro. Hinalikan ko na ang noo nya. "Good night, husband. I love you so much. And thank you for taking care of me. And for my many first time that I experienced for the whole day." Hinalikan ko ulit ang noo nya. Papikit na ang mata ko ng bigla syang nag salita. "Good night Xianne." Oh God. Ohhh please. This is the first time na sumagot sya. Another first. Nahihiya tuloy ako sa ginawa ko kaya bumaling ako sa kabilang side para hindi ko makita ang muka nya. For sure pulang pula ang muka ko hindi dahil sa alak kundi dahil sa hiya. Maya-maya ay naramdaman ko sa may bewang ko ang bisig nya. Hinatak nya ako papalapit sa dibdib nya. Is this a dream? Nakayakap talaga sya sakin. Buti nalang naka talikod ako sakanya kundi baka nahimatay na ako sa sobrang kilig. Another first again. Makakatulog pa kaya ako nito? Or baka naman panaginip lang 'to, pwes ayoko na magising kasi mas gusto ko ang James na kasama ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD